INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 43)

111 1 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL

PART 43

**lancer**

Maya maya lang ay tumayo si Angelie. Nagpalakad lakad na naman siya sa kanyang kwarto, labis na talaga siyang nag aalala sa kapatid. Nang maalala niya si Marc, mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at nag dial kaagad. Nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang ring ng cp ni Marc.

...

Kasalukuyan namang may pinag aaralan si Marc na Makakapagligtas sa mga kasong kinakaharap ng mga Montenegro" Hindi pa rin niya kasi masigurado sa sarili kung paano maisasaayos ang kinakaharap na kaso ni Angelie at Don Alfonso sa pamamagitan ng malinis na paraan. Biglang nag ring ang cp ni Marc, nagtaka siya ng makita ang pangalan ni Angelie, kaagad na sinagot ni Marc ang tawag, "Hello! Angel? napatawag ka? Di na nagpaliguy ligoy sa pagsasalita si Angelie sinabi niya kaagad kung anong pakay niya sa pagtawag kay Marc.

"Please help my sister and Inigo" nagtaka naman si Marc, Why, what happened? My sister is in Danger". Wait Angelie? what do you mean? Where's Inigo? hello! hello! ng di marinig ni Marc ang sagot ni Angelie.

Natahimik naman sa kabilang linya si Angelie, asan nga ba sina Inigo, wala siyang nabasang location sa text nito. "I don't know" tanging salita na kanyang naisagot sa tanong ni Marc. at nagpaalam na siya kay Marc, nag alala naman ng todo si marc, kaya't kinontak niya si Alexander ngunit operator lang ang sumasagot sa kanya. Mabilis siyang tumawag sa Presinto upang ipa alert ang mga pulis sa paghahanap kay Inigo.

Samantala, nakapasok na si Inigo sa loob ng malaking bahay, may nakita siyang daan sa likod na walang taong nagbabantay, Kaya ng masigurado niyang walang nakaka masusi na niyang pinag aaralan ang loob ng malaking bahay, napansin niyang tatlong lalaki lang ang bantay ni Angela. luma na ang loob ng bahay, matagal na sigurong walang nakatira, nagtago muna si Inigo, kailangan niyang pag aralang mabuti ang paligid, may nakita siyang apat na pinto ng silid, ngunit di niya alam kung saan naroroon si Angela.

Nakatulugan na ni Angelie ang pag iisip at pag aalala sa kapatid, hindi niya namalayang hinila na siya ng antok.

Panay naman ang dasal ni Aling Loleng sa kanyang kwarto dahil sa tindi ng pag aalalang nararamdaman kay Angela. Di niya kakayanin kapag may nangyari sa kanyang alaga.

Kinabukasan, araw ng paglilitis ng kaso ni Angelie, wala pa rin ang kanyang kapatid na si Angela. wala siyang alam sa nangyari kaya't labis pa rin ang pag aalala niya dito. Nakabihis na siya papuntang public Hearing, kailangan muna niyang unahin ang laban. Nag ring ang cp ng dalaga, nakita niya kaagad na si marc ang tumatawag. Mabilis niyang sinagot ito. "On the way ako, susunduin kita dyan. may importante tayong pupuntahan. iyon lang ang narinig niyang tinig ni Marc at nagpaalam na ito, di na siya binigyan pa ng pagkakataon na magsalita pa.

Paglabas ni Angelie ay nakabihis na rin ang ama niya handa na itong pumunta din sa hearing, halos lahat ay sasama sa kanya. Where's Angela? tanong ng matandang Don matapos humalik ni Angelie sa Ama, "Dad! kanina pa umalis pagsisinungaling ni Angelie sa takot na mag alala pa ang ama. "Mauna na kayo dad sa Hearing, susunod na lang kami ni Marc may mahalaga pa kaming pupuntahan. sabi ni Angelie sa ama. "baka di ka makarating? nag aalalang tanong ng matanda, handa na rin si Atty. Chan lee Hilvano. Siya ang tatayong abogado ni Angelie.

to be continued....

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon