INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 10)

174 2 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 10)

**lancer**

... Maagang umalis si Angelie dahil tinawagan siya ng bestfriend na si Jaymie, siguradong may gimik na naman sila.. Di siya pwedeng tumanggi dahil ayaw niyang mawala sa kanya ang bf niyang si Lawrence. Pagdating niya sa condo ni Jaymie naroon na din sina Jomar, Diane, at Nicole, maliban kay Lawrence na kasintahan niya.

"Nariyan ka na pala Gelie" masayang bati ni Jaymie sa kaibigan.

"Wait pa natin si Lawrence bago tayo gumimik" sabi naman ni Nicole..

"Sorry, I'm late...matipid at wala sa mood na sagot ni Angelie. Di maikubli ang pagka irita sa mukha ni Angelie, Pagod at puyat masama ang kanyang pakiramdam,

Kung di nga lang niya iniisip si Lawrence di sana siya pupunta, tapos wala pala ito dito. Kanina pa niya kinokontak ang lalake ngunit di sumasagot ng phone.

"Gusto mo ba ng Kape or something hot?" tanong ni Jaymie sa kaibigan, higit kaninoman sa kanilang grupo ay siya talaga ang nakakakilala kay Angelie.

"kape na lang, I need to drink something hot"..

Ng nagkakape na si Angelie saka naman dumating si Lawrence.

"Sorry Im realy late" hinging paumanhin ng binata. at mabilis itong lumapit sa kanya, hahalikan sana siya ngunit umiwas si Angelie.

"Tumatawag ako sayo kanina pa" iritadong wika ni Angelie

"Sorry honey, naiwan ko cp ko sa pagmamadali ko

, hinging paumanhin sa kanya nito.

Tumango na lang siya at umupo ito sa tabi niya.

"San bang lakad? tanong ni Angelie sa mga kaibigan.

"Sa bagong bahay na nabili ni Jomar gusto niyang ipakita sa atin" sagot ni Nicole kay Angelie. Di naman kumibo si Angelie, akala niya kung gaano na kaimportante ang

lakad nila,

Kunsabagay malapit din naman sa kanya si Jomar kaya't di rin niya ito mapapahindian, halos tatlong buwan na nitong nililigawan ang bestfriend na si Jaymie kaso di nga lang makapasa sapagkat may bf na rin si Jaymie, si Marjune yun nga lang sa kanilang dalawa lang ni Jaymie malapit si Marjune kasi medyo mahiyain ito kaya't di nila maisama sa grupo.

Maya-maya pa ay lumakad na silang magkakaibigan, di na niya napansin ang oras sapagkat nalibang na sila pag dating sa Dasmarinas cavite, dito nakabili ng bahay si Jomar.

Malaki ang nakuha nitong bahay sa Crown asia. halos tapos na ang lahat bungalow style ito, nagkatuwaan tuloy silang mag inumang magkakaibigan kaya't pagod na pagod siya ng araw na yon.

 

***************

 

Pag uwe niya matapos siyang ihatid ng bf na si Lawrence ay dretso na rin siya kagad sa kanyang kwarto dahil sa nakainom siya hindi niya napuntahan ang kapatid sa kabilang kwarto. Hinila na siya ng matinding antok. halos 8:00am na siya nagising kinabukasan, medyo tinatamad pa siyang bumangon pero need na niyang mag almusal.

Pagkatapos niyang mag shower at mag ayos ng sarili ay lumabas na siya upang mag breakfast. Dinaanan niya sa kwarto si Angela ngunit wala ang kapatid kaya't diretso na siya sa mesa, Ngunit wala din don si Angela.

Napatingin kay yaya Loleng at saka lang niya napansin na mugto ang mata ng matanda. "Yaya, bakit ka umiyak? curious na tanong ni Angelie...

to be continued....

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon