INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 34)
**lancer**
... Pag dating sa liblib na lugar ay nag stop over na naman at muling kumain ang mga pasahero, pero di pa rin ako bumaba at umalis sa aking kinauupuan. tiniis ko ang gutom sa biyahe. manaka-naka akong sumusulyap sa labas. puro bundok lang ang natatanaw ko. 30mins na naman ang biyahe, naisipan kong tawagan ka ate Gelie pero lowbat ang cp ko. hanggang sa muling umalis ang bus.
Halos wala akong kausap habang nasa biyahe. nahihilo na ako pakiramdam ko pero tiniis ko lahat. hanggang sa makarating na sa terminal. nagulat na lang ako na marami na pala ang nakababa at tatlo na lang kaming natira sa loob ng bus. at nataranta na naman ako ng bumaba sila, kaya't dali dali kong hinila ang gamit ko pababa ng bus. Puro tricycle ang sumasalubong sa pasahero, wala akong alam kung saan ako tutuloy, ng maramdaman kong gutom na ako.
Lumapit ako sa isang tricycle at nagpahatid ako kung saan may malapit na kainan. "kuya! sa pinaka malapit pong kainan, nahihiya akong magsalita ng english dahil alam kong alangan sa lugar. mukha namang mababait ang bawat makasalubong ko. Sige neng! sakay ka na, sabi ng mama sa akin. may sea food restaurant dito neng, malapit sa baybay dagat, sabi sa akin ng driver. Sige po paki hatid na lang ako. pag dating dun ay medyo maraming tao ang kumakain dahil sa maliit lang ang pwesto ay puno na kagad siya, mabuti na lang at may inabutan pa akong bakante na pang dalwahan.
pag upo ko ay nilapitan ako ng waiter. "Ano po sa inyo Maam! bati niya sa akin sabay abot ng menu, pumili ako mukhang masasarap naman ang pagkain, ayon pa sa driver na naghatid sa akin ay mga sariwa daw yun. habang naghihintay ako ay iniisip ko pa rin kung saan ako tutuloy, nagsisimula na naman akong kabahan sa isiping wala akong matutuluyan. may lumapit sa akin."miss! pwedeng maki- share? napatingala ako sa nagsalita. 'Babae siya, at mukhang mabait dahil nakangiti siya sa akin, tahimik lang naman ako at tumango kaya't naupo na siya sa harapan ko.
Nakita ko pa ng mag order siya ng pagkain, matapos siyang mag order ay tumingin siya sa akin at muling ngumiti.kaya't napilitan na rin akong ngumiti sa kanya. hindi ka taga rito ano? biglang sabi niya. nagdalawang isip ako kung tatango ako o hinde, ngunit maagap na niyang inabot sa akin ang kanyang kamay. "I'm roxanne", and you? tinanggap ko na rin, Im Angel, nice to meet you sabi ko sa kanya. Well! taga saan ka dito? muli niyang tanong. umiling ako, bakasyunista ka? sabi pa niya na para bang matagal na niya akong kilala kung kausapin.
Tumango ako, kahit ang totoo ay kanina pa ako kinakabahan dahil di ko na alam ang susunod pang mangyayari. dumating ang order ko kasunod din kagad ang order ni Roxanne, sabay na kaming kumain na parang magkakilala na. "san ka pala tutuloy? tanong niya sa akin. Gusto ko sanang magsinungaling ngunit di ko kaya, kaya't sinabi ko sa kanya na "First time ko pa lang makapunta dito, at di ko pa alam kung saan ako tutuloy. "Ay! ganon? bigla siyang tumingin sa akin, sa ganda mong yan di ka pwedeng magpakalat kalat dito kapag medyo dumilim na, sabi ni Roxanne. at bumulong siya sa akin. "madami ditong NPA pabiro pa niyang sabi pero kinilabutan ako kaagad. parang biglang gusto kong humanap ng masasakyan pabalik ng manila.
Kung gusto mo sa amin ka muna tumuloy, alok niya. nagulat ako kasi ngayon lang niya ako nakilala. tatanggi pa sana ako ngunit muli na naman niya akong tinakot. "mahirap mag isa sa lugar na di mo kabisado, sige ka wala ka ng makikilala dito na sing bait ko. nakangiti pang biro niya sa akin. Nagtataka ako kung bakit ganoon na lang siya kalapit kagad sa akin. "kung gusto mo sumama ka sa akin, kapag di mo nagustuhan, ipapahatid kita sa hotel kay mang mario para di ka na mahirapan. ngumiti ako, Ok! thank you very much, sabi ko sa kanya. Alam mo may kamukha ka, sabi niya sa akin. natigilan ako sa sinabi niya. ngunit nagpatuloy siya sa pagsasalita. kamukha mo si Angelie Montenegro, yung sikat na model. sabi pa ni Roxanne, kaya't na hang ang isusubo ko sanang pagkain. "ikaw ba si Angelie Montenegro?
to be continued...
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
AçãoProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...