INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 39)
**lancer
"Isang malaking Surprise ang hinanda ni Aling Loleng kay Don alfonso" hindi niya kaagad sinabi na bumalik na ang dalawa nitong anak. "Angela! Angelie! tawag niya habang kumakatok sa pinto ng kwarto ni Angelie, alam niyang magkasamang natulog ang kambal niyang alaga. Nadaanan niya si Inigo ng papunta na siya sa para sunduin ang kambal. alam din niyang gising ...na ang dalawa sapagkat pinuntahan na niya ito kanina pa. "Yes yaya? bungad ni Angelie ng bumukas ang pinto. "Tawag ka ng Daddy mo, gising na siya! Really? natuwang sabi ni Angelie, kasabay ng pagpasok niot sa loob at hinila na si Angela. "come on Angela" kailangan nating harapin si Daddy! "I feel Nervous" sabi ni Angela, pero wala na siyang nagawa ng hilahin siya ni Angelie.
Maraming beses na kumurap si Don Alfonso,Ilang beses din niyang ihinilamos ang dalawang palad sa mukha, ngunit di siya namamalik mata, dalawang anak niya ang papalapit sa kanya. "daddy! nakangiting bati ni Angelie sa kanya at humalik ito sa kanyang pisngi, ganoon din si Angela, humalik din ito sa kanya. hindi napigil ng Don ang kanyang damdamin, sa isiping parehong nasa harap niya ang dalawang anak at ligtas ay sobrang katuwaan ang nag uumapaw sa kanyang puso, mabilis na tumayo ang Don at magkasabay na niyakap ang mga anak. "kung ito'y isang panaginip lang, napaka gandang panaginip. hihilingin ko sa Diyos na huwag na akong gisingin" usal ni Don Alfonso kasabay ang isang napakalakas na hagulgol.. Hu!hu!hu!hu!hu!hu! Napaiyak na rin ang kambal dahil di pa man lamang sila nakakapag paliwanag sa ama ay tinanggap na kaagad sila ng buong puso.
"I love you" daddy! di mapigilan ni Angela ang nararamdaman, sa wakas naramdaman din niyang mahalaga siya sa kanyang ama. ang matagal na niyang pinapangarap na mayakap nito ay nangyari din ngayon. "wala naman kasi siyang hiniling kundi ang pagmamahal nito dahil alam naman niyang mahal din siya ng kanyang ina.
Luhaan din si aling Loleng, panay ang singa nito sa gilid ng kanyang damit dahil sa di mapigil na emotion. kung maaari nga lang siyang makiyakap muli ay gagawin niya. napasugod naman si Inigo dahil sa lakas ng iyak ng Don, naantig din ang kanyang damdamin sa naabutang eksena, halos ayaw ng bitawan ng Don sa pagkakayakap ang dalawang anak. "promise ko! mamahalin ko na kayo ng sabay, sabi ng emotional pa ring Don.
pagkatapos ng madramang tagpo nila ay sabay sabay na silang kumain habang nagkukwentohan. lumipas pa ang ilang araw, bag0 dumating ang paglilitis ng kaso ni Angelie ay nagpaalam lumabas si Angela, "sasama ako" sabi ni Inigo na nakabihis na rin, "No! i can manage myself" si ate Gelie ang dapat na may bodyguard hindi ako, naiinis na naman si Angela" ayaw niya talaga na may bumubuntot sa kanya, kay mang Terio lang na driver nila siya nasanay. "but you need to take care also!" paalala ni Inigo kay Angela. "ngumiti lang si Angela, Don't you worry! gaya ng sinabi ko kaya ko ang sarili ko. at pabiro niyang hinawakan ang mukha ni Inigo.
Isang malaking pagkakamali ni Angela,napatitig sa kanya si Inigo. bigla tuloy nawala ang pagnanais na tumawa at magbiro ni Angela, sa halip ay para siyang yelong tinapatan ng mainit na apoy. nanlupaypay ang mga kalamnan niya na animo matutunaw ng sumayad ang kamay niya sa mukha ni Inigo, at mabilis na nahabol nito upang pigilan. may humalong tensyon sa hanging umiihip sa kanila. Pakiramdam ni Angela ay nagtayuan ang mga mumunting balahibo niya sa katawan, habang magkatama ang kanilang mga mata. para namang may magnetong unti unti silang hinihigop ng makapangyarihang mahika na unti unting naglalapit sa isa't isa. She couldn't believe it. malaking pagkakamali yata ang magdikit ang kanilang mga balat. She had no idea where it might lead. and she already knew she was treading on a very dangerous ground.
to be continued...
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...