INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 33)
**lancer**
Halos ayaw ng maghiwalay ng magkapatid sa pagkakayakap sa isa't isa, magkayakap pa rin sila habang umiiyak. halos di na nila napansin ang mga nakapaligid sa kanila. panay din ang agos ng luha ni Aling Loleng, "San ka ba galing? ang tagal mong nawala? sa humihikbing tinig na tanong ni Angelie sa kapatid. "A very long story, ate gelie" halos di rin mapigil n...i Angela ang pagluha."h-how about you? Ano bang totoo ate? balik tanong ni Angela sa kanya. kumalas sa pagkakayakap si Angelie, "Don't you worry sis! I'm ok! ikaw ang inaalala ko. "What happened to you? di ka man lang tumawag, akala naming lahat na... na.. w-wala ka na", halos ayaw lumabas ng tinig ni Angelie sa huling sinabi. naiiyak pa rin siya kapag naaalala na halos nawalan na rin siya ng sigla ng mawala ang kapatid. "I want to know please, pakiusap ni Angelie sa kapatid.
Tumingin naman si Angela kina Aling loleng na panay pa rin ang agos ng luha, at sa magkaibigang marc at Inigo na tahimik lang nakamasid sa kanila. nakakaunawa namang tumango ang mga ito, ng maunawaan kung anong nais niyang iparating sa pamamagitan ng tingin. Kaya't hinila na niya si Angelie papunta sa kwarto nito at doon na siya nagsimulang mag kwento. "please tell me now Angel. Asan ka sa loob ng ilang months?
"Nang araw na hinatid ako ni Mang terio sa Airport ay gulong gulo pa rin ang isip ko" (panimula ni Angela sa pagkukwento sa kapatid) nagtatalo pa rin ang isip ko ng mga oras na yon. hanggang sa dumating kami Ng airport. Matapos ibaba ni mang Terio ang gamit ko ay nagpaalam na siya na uuwe na. "mag iingat ka palagi Hija" sabi pa niya sa akin. tumango lang ako, kahit na sa isip ko ay gusto kong sumama sa kanya pabalik. kung ano ano ang pumapasok sa isip ko ng mga oras na yon. napaka hina pa rin ng loob ko. di ko kayang ipaglaban kung anong nararamdaman ko.
Tumulo ang luha ni Angela kaya't mabilis na hinaplos ni Angelie ang likod nito habang nakikinig siya. "Go on, Angela... pang aalo niya sa kapatid. hindi naman mapigil ni Angela ang emosyon habang binabalikan niya ang nakaraan. tumayo si Angelie at kumuha siya ng isang basong tubig at iniabot sa kapatid. kinalma naman ni Angela ang sarili bago nagpatuloy sa pagkukwento.
Nang makaalis na si Mang Terio ay nag isip ako kung ano ang nararapat kong gawin. pumila na ako para ipa check ang gamit ko. pero biglang nagbago ang isip ko. hanggang sa namalayan ko na lang na nasa labas na ako ng Airport at pumara ako ng taxi, habang nakasakay ako di ko alam kung babalik ako sa bahay. pero nalito ako, ayokong magalit ng tuluyan si daddy sa akin. I want to be like you ate Gelie, ang gusto ko lang naman ay mahalin ako ni daddy. tumulo ang luha ko palakas ng palakas ang kaba ko ng mga oras na yon.
"Saan ho kayo maam? narinig kong tanong ng driver ng taxi na nagpabalik sa aking isip sa kasalukuyan. lalo akong nalito, di ko alam kung saan ako pahahatid. "S-sa P-pa-say na lang, utal kong tugon sa driver ng taxi. pagbaba ko sa pasay ay nagpalinga linga ako kung saang direction ako pupunta, nang may dumaang bus at huminto sa tapat ko, wala sa sariling sumakay ako, medyo puno naang bus kaya't naupo ako sa bandang dulo. nakalimutan kong tingnan kung saan ito papunta.
Tahimik akong nagmasid sa paligid, nakita kong umayos ng upo ang karamihan at parang mga matutulog. Nagtaka ako kaya't tiningnan ko ang oras, 3:00 am in the morning. napalingon ako sa katabi kong ale ng maramdaman kong umaayos din siya ng upo, ngumiti siya sa akin, kaya't di na ako nahiyang magtanong. Sa-saan po ba ang punta ng Bus? natawa ang ale sa aking tanong. Sa baler ito ineng, matutulog ako dahil malayo pa ang biyahe mga 9hours pa bago makarating. "san bang punta mo? tanong pa niya sa akin. napakagat labi ako dahil wala akong idea kung saan ang baler at anong klaseng lugar ito. pero pinilit kong di magpahalata. "sa b-baler din po. tugon ko sa ale.aba'ymatulog ka rin muna para makapag pahinga ka, sabi niya sa akin at pinikit na niya ang kanyang mata.
Tahimik akong nagmasid sa paligid, halos lahat ng sakay ay natutulog. dire diretso ang biyahe sapagkat wala pang traffic ngmgaoras na yun. hanggang sa nakalabas kami ng Manila at nabasa ko sa daan na nasa parteng bulacan na kami. kabang kaba ako, halo halong emosyon ang nararamdaman ko, ngunit pilit kong nilalakasan ang loob ko, dahil ikaw pa rin ang naging inspiration ko ate. naisip ko na kapag natuto akong mag isa at lumakas ang loob ko ay mamahalin din ako ni daddy kagaya ng pagmamahal niya sayo. pinigil kong umiyak. at ng di ko na makayanan ay pinikit ko na rin ang aking mata.
Sa loob yata ng one and half hours ay huminto ang bus at nakita kong marami ang bumaba para kumain, pero dahil sa takot ko ay nanatili ako sa pwesto ko at di ako bumaba. halos 30minutes din ang stop over ng bus sa bulacan. hanggang sa muling umalis ito. dahil siguro sa puyat at sobrang pag iisip ko ay nakatulog ako. paminsan minsan ay nagigising ako ngunit, patuloy pa rin ang biyahe ng bus na umabot yata ng halos 8 to 9 hours.
to be continued...
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...