INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 25)

131 1 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 25)

**LANCER**

Maagang nagising si Inigo, halos di siya nakatulog ng nagdaang gabi, medyo nangitim din ang gilid ng kanyang mga mata. Nag uunat-unat siya ng katawan ng matanawan niyang papunta na sa kusina si aling Loleng.

Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa, nagpu push-up siya habang hinihintay niyang magising si Angelie.  

Halos nararamdaman na niyang nagsisimula ng lumabas ang pawis sa kanyang katawan dahil sa ginagawa ng makarinig siya ng yabag na papalapit sa kanya. "magkape ka muna Inigo" alok sa kanya ni Yaya Loleng habang dala ang isang tasang kape.  

Napilitang huminto si Inigo sa ginagawa upang harapin si aling Loleng. magalang na inabot niya ang kape. "salamat ho aling Loleng. bagay na kinatuwa naman ng matanda. "maiwan muna kita dito at tutulong pa ako sa kusina, paalam sa kanya ng matanda. tumango na lang si Inigo at sinimulan ng higupin ang kape na bigay sa kanya sa matanda.

Natanawan pa niyang dumaan si Don Alfonso, maaga pa lang ay nakagayak na ito paalis. nagmamadali ang kilos nito kung kaya't di na niya nagawang batiin dahil tuloy tuloy itong lumabas ng bahay. tapos na siyang magkape ngunit di pa rin nalabas ng kwarto si Angelie, kaya't sinamantala muna ni Inigo (alexander) na maligo.

                                 **********************************

Kanina pa gising si Angelie, ngunit ayaw niyang lumabas ng kwarto. Alam niyang malaki ngayon ang problema ni Don Alfonso about sa kinakaharap nitong problema lalo na sa partner nito na si Don William. Kung tatanggapin nga lang ni don alfonso ang tulong niya ay handa siyang gawin ang lahat. Ngunit alam niyang isa siya sa problema ng ama ngayon.

Kelangang malutas na niya ang problemang kinakaharap, ngunit di niya alam kung paano magsisimula. ni wala yata siyang Idea sa papasukin niya. Mabigat ang katawang bumangon si Angelie. Kelangan na niyang mag shower, bago pa dumating si Inigo at pakialaman pa siya. lumapit siya sa pinto at sinigurado ang lock ng buong kwarto. at pumasok na siya sa shower room. habang naliligo siya ay di maalis sa isip niya ang kakaharaping problema.

************************************************************************************************

Samantala, marami rami na rin ang nakukuhang inpormasyon si Kazuhiko, ngunit kelangan pa niyang humanap ng mas malaking ebidensya, Habang patuloy siya sa pagsubaybay kay Don William. 

Kinuha niya ang kanyang cp tatawagan sana niya si Angelie ngunit nagbago ang kanyang isip, kaya't nagsimula na lang siyang tumipa para ipaalam dito ang nangyayari. Pagkatapos ay tatlong beses niya itong na send at mabilis na inerase. Alam niyang gustong unahin ng dalaga na mahadlangan ang pagpapabagsak ni Don William sa kanyang ama, bago nito asikasuhin ang sariling problema. kung kaya't gagawin niya ang lahat matulungan lamang ito.

Kaharap naman ni Don Alfonso si Attorney Chanlee Ladaga Hilvano, "nangunot ang noo niya sa sinabi ng atty. isang napaka lalim na buntong hininga ang pinakawalan ng Don.

Bago sa resigned na tinig ay 'this is not possible, i have to put an end to this craziness problem. I really loved my daughter, pero kung yun lang ang tanging paraan para matapos ito, isusuko ko na siya sa mga pulis, ngunit kahit maubos ang pera ko sa piyansa huwag lang siyang ikulong upang makalaban tayo ng patas ay gagawin ko.

At sumungaw ang luha sa mata ni don Alfonso, isipin pa lang niya ay parang nahihirapan na siya. pakiramdam niya ay may malaking bagay na nakaharang sa kanyang lalamunan. napatitig si

Atty. Hilvano kay Don Alfonso, she was amazed, ramdam niya ang damdamin ng matanda. kung kaya't gagawin niya ang lahat mailigtas lang si Angelie, ngunit kailangan muna niyang makausap ang dalaga upang alamin dito ang tunay na naganap at nangyari.

to be continued...

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon