INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 15)
**lancer**
Maaliwalas na umaga ang bumungad kay Angelie ng araw ng lunes, Dinampot niya ang newspaper, ibat ibang dyaryo na araw araw na rasyon nila sa batang si pepe. Pinilit niyang intindihin ang news. May mga larawan ang ama niya sa business page, pati na ang ninong niyang si Don william, talagang mga business tycoon ang dalawa. di niya namalayan she had read the paper from cover to cover. Noon lang siya naglakas loob na tumingin sa orasan, nakabihis siya ngunit di niya alam kung saan siya pupunta. it's 7:00 am in the morning. Pinigilan niyang malungkot ng sumagi sa isip niya ang kapatid na si Angela. She vowed not to cry, dinampot niya ang kanyang bag at lumabas ng bahay. Pumili siya ng sasakyan sa garahe, ng makapili ay lumabas ng bahay at tinugpa ang patungong baywalk. Pagdating doon ay bumaba siya ng sasakyan at wala sa sariling binaybay niya ang kahabaan ng Roxas Boulevard. Palibhasa'y maaga pa , hindi pa mainit don may mangilan ngilan pa ring nag dya jogging, ng mapagod siya kalalakad umupo siya sa seawall.
She was on the verge of crying, pero sinikap niyang magpakatatag. hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang kakambal.
Napatingala siya ng makarinig siya ng huni ng eroplano mula sa taas. When she look up, she saw an airplane, malalim na mga buntung hininga ang pinakawalan niya. kelangan niyang malibang bago mabaliw sa pagkawala ng kakambal.
"It's time to moved on" alo ni Angelie sa sarili. Dinukot niya ang cp at tinawagan si Jaymie upang sabihing pupunta siya doon ngayon. dala niya ang lisensyado niyang baril gusto niyang maglaro. Magyayaya siya sa target shooting.
Ngunit ring lang ng ring ang cp ni Jaymie. kung kaya't lumakad na siya upang bumalik sa sasakyan, nag isip siya ng magandang gawin. Nang maalala niyang malapit na pala siya kay Nicole. Pupunta na lang siya kina Nicole, panahon na siguro upang tanggapin niyang buo ito bilang kaibigan. Nagsimula siyang mag drive patungong Malate kung saan matatagpuan ang condo ni Nicole. Sosorpresahin niya si Nicole, ngayon lang siya pupunta ditong mag isa.
Pag dating sa condo ni Nicole ay bumaba siya ng sasakyan at dumiretso kagad sa tapat ng pinto ng condo ni Nicole. Aksidente niyang pinihit ang seradura nagulat siya na di ito naka lock,
Napangiti si Angelie, baka gising na si Nicole, tyak masu surprise sa kanya ito. Naisipan niyang hwag ng mag doorbell marahan niyang tinulak ang pinto kung kaya't tuluyan ng tumambad sa kanya ang kabuuan ng condo.
"Oh my God" bulalas na pagkagulat ni Angelie sa nakitang mga hubad na katawan ni Nicole at Lawrence sa sala.
Nanginig ang mga labi ni Angelie.
"Ano ang ibig sabihin nito?"
Gumagaralgal na malakas niyang tanong. Halos nawalan ng kulay
ang kanyang mukha sa pagkabigla. Na mukhang kinagulat naman ng dalawa. Napabalikwas ng bangon si Lawrence, at nagulat pagka kita sa kasintahang agad na naglandas ang mga luha.
Pati ang sariling ayos ni Lawrence ay kanyang kinagulat. Bumangon na rin si Nicole at binalot ang puting kumot sa katawan, gulat na gulat din siya sa biglang pagdating ni Angelie.
Di malaman ni Angelie kung tatakbo siya o anong gagawin ng mga oras na ito. Napuno ng masaganang luha ang kanyang mga mata, at unti unting nanghina ang kanyang pakiramdam, dahil sa pagkatulala, di na niya namalayang nakabihis na pala ang dalawa. Mabilis na nakalapit si Lawrence sa kasintahan. Sumigaw si Nicole kay Lawrence, pabayaan mo siya Lawrence, ngunit di pinansin ni lawrence ang sigaw ni Nicole.
Mahigpit na niyakap ni Lawrence si Angelie.
"Pls' let me explain", pakiusap ni Lawrence sa kasintahan. Ngunit ubod lakas itong tinulak ni Angelie.. Galit na galit siya, ito ba ang lalakeng minahal niya at pinagkatiwalaan. ngayon ay nasa harap niya at kaibigan pa niya ang kasama..
**************
Galit din ang bumalatay sa mukha ni Nicole, hindi rin niya matanggap ang nakikitang eksena. litong lito naman si Lawrence...
to be continued....
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...