INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 27)
**lancer**
Nilagyan ng posas ang mga kamay ni Angelie, habang walang malay si Inigo.
"bitawan nyo si Angelie" hu!hu!hu!hu!hu!hu! iyak ni aling Loleng, gusto niyang lapitan ito ngunit hinarang na kagad sila ng mga pulis. Nakatingin lang si Angelie, parang ayaw mag registered sa kanyang isip ang lahat ng nangyayari, nakatuon ang paningin niya sa walang malay na si Inigo.
Isinakay sa mobile patrol ang kaawa-awang dalaga, walang emosyong mababakas sa kanyang mukha, muli siyang sumulyap kay Inigo.
Walang malay itong nakahandusay. gusto niyang sumigaw muli, ngunit wala siyang lakas. Hinayaan niyang dalhin na lang siya ng mga pulis. Kriminal ang kaso niyang kinakaharap, kaya't di niya inaasahan na ita trato siya ng maganda ng mga humuli sa kanya.
Dala ng mga pulis si Angelie, habang naiwan lang si Inigo na nakahandusay at walang malay. Naghihisterya naman si Aling Loleng, maliban sa Guard sa gate at ilang kasambahay ang tulong tulong na nagpasok sa loob kay Inigo. Ginamot nila kagad ang sugat na nakuha ni Inigo sanhi ng pagpalo ng pulis na di nakakakilala sa kanya bilang Detective officer. di nagtagal ay nagkamalay naman ito kagad.
"Ouch! napahawak si Inigo sa gilid ng kanyang ulo ng maramdaman ang kirot. ng biglang maalala na tinangay ng pulis si Angelie. Kagad itong tumayo, na kinagulat naman ni Aling Loleng.
"S-san ka pupunta? di pa magaling ang sugat mo. kelangan pa nating ipatingin yan sa Doctor. puna nito kay Inigo.
"Mamaya na lang po Aling loleng, kelangan kong masundan si Angelie, wika nito at mabilis na lumabas ng bahay. walang nagawa si aling Loleng kundi habulin na lang ito ng tingin.
Inigo was affected, kaya't nagmamadali siyang makasunod sa police station ng Bacoor cavite. Alam niyang di ilalabas ng Cavite si Angelie habang di pa tapos ang paglilitis.
Kagad na tinawagan ni Inigo si Don Alfonso. he needed to talk him, to inform what happened.
"hello" boses nito sa kabilang linya.
"Don alfonso, Angelie was arrested by the police"
"whattt? nagulat marahil ito dahil halos mabingi si Inigo sa lakas ng tinig ng matanda.
Hindi pa halos tapos magpaliwanag si Inigo ay naputol na kagad ang linya. kaya't sinimulan na niyang tugpain ang daan patungo sa police station gamit ang Bmw ni Angelie. Humanda sa kanya ang police na pumalo sa kanyang ulo.
Makakarating kay Commander Victor Arsenal ito. police brutality ang ginawa sa kanya ng isang police patola lang. Ano na kayang nangyayari kay Angelie. halos pasibarin niya ang sasakyan.
Mabilis namang pinaghanda ng Don ang lahat ng kasama, pinagsisisihan niyang umalis pa siya ng bahay kasama ang lahat ng bodyguard, mukhang mauuna pa yatang makulong ang kanyang anak sa kanya. "sasama ako Don alfonso" medyo pasigaw na tinig ni Atty. Hilvano upang marinig siya ng paalis na matanda. Sumenyas naman ang matanda tanda ng pagsang ayon. mabibilis ang hakbang ng abogado sa pagsunod sa matanda at mga bodyguard nito.
*********************************************
Samantala, kasalukuyang nasa work si Nicole at Kazuhiko at kumakain habang nakaharap sa tv ng mapanuod ng live sa tv ang pilit na kinukunan ng isang reporter ang pagpasok ni Angelie Montenegro sa police station ng Bacoor cavite, habang napapalibutan ito ng mga police at pilit na hinaharangan sa mga nagkakagulong reporter. Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Nicole habang titig na titig sa screen, kung kaya't natawag din ang pansin ni kazuhiko sa palabas.
Ganon na lang ang gulat ni Kazuhiko ng makitang nasa Screen ng tv si Angelie at hawak na ng mga pulis. Tumayo si Nicole habang nagpapahid ng tissue sa gilid ng kanyang mga labi.
"I had to go". wika nito sa ngiting ngiti at masayang tinig. "where are you going? mabilis na tanong ni Kazuhiko. "sa presinto" matipid nitong sagot ngunit bakas ang kasiyahan sa mukha. "sasama ako" mabilis namang sagot ni kazuhiko at tumayo na rin ito.Kelangang makausap niya si Angelie. Bakit narito ito ng di niya nalalaman.
to be continued.....
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...