INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 31)

124 1 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 31)

**lancer**

... "Are you sure? Marc, hindi maganda ang biro mo".

"Hindi nga ako nagbibiro" I swear! at tinaas pa ni Marc ang kamay, tumingin siya ng deretso kay Angelie. Pakiramdam ni Angelie ay tinakasan siyang bigla ng lakas. "Let me explain" patuloy ni Marc,Wait! kung hindi ika napanuod kita sa Tv na inaresto ka "Angelie Montenegro" hinding hindi ako magkakamali, kanina lamang ay kaharap kita sa presinto, kung hindi dumating ang daddy mo...

wait kung hindi ikaw yun? sino siya? naguguluhan na namang tanong ni Marc.

"Oh! my God! bulalas ni Angelie, "maybe my twin sister is still alive". Maaaring si Angela ang nakita mo Marc.

"who's Angela? your youngest sister is your twin? namamanghang tanong ni Marc.

Sunod sunod na tango ang ginawa ni Angelie, She really love her sister. di siya makakapayag na mag suffer ito ng consequence.

Biglang humawak si Angelie kay Marc, "iuwe mo ako pls". kailangan kong makausap ang kapatid ko". I'm ready to face anything, ayokong magdusa siya. Please, himig pakiusap ni Angelie kay Marc. Sana'y nagsasabi ito ng totoo sa kanya. sana'y buhay pa nga ang kapatid niya. at kung totoo man ang lahat di siya makapapayag na magdusa ito ng walang kasalanan. Handa na siyang humarap sa lahat. siya dapat ang nasa lugar nito, pigil ni Angelie ang kanyang emosyon. di siya makapapayag na magdusa ang kanyang pinaka mamahal na kapatid.

Ngayon ay nauunawaan na ni Marc, maaaring ang kapatid na kambal ni Angelie ang nakaharap niya. "ngunit bakit kelangan akuin nito ang kasalanan ng kapatid? "di pa kumpleto ang ebidensya ko laban sa mag amang Nicole at Don William, paano kung samantalahin nila ang kaso mo at isabay ang pagpapabagsak sa ama mo? Umiling si Angelie, "Mas kailangan nila ako ngayon Marc"

"Kung iyan ang desisyon mo" ihahatid kita sa bahay nyo. at nag offer ng legal assistance si Marc kay Angelie para sa kakaharapin nitong kaso. "Can you defense yourself which would make the judge consider you as not guilty? tanong ni Marc sa kanya. ngunit nagsawalang kibo si Angelie. iisa lang ang tinatakbo ng isip niya sa kasalukuyan ang kaalamang buhay ang kanyang kapatid. "let's go please! ngayon ko na gustong umuwe.

Walang nagawa si Marc kundi ang tumango na lang. "ate shiela, kayo na po muna ang bahala dito" ihahatid ko na po pauwe si Angelie" tawag ni Marc sa katiwala ng resthouse. "sige Marc,mag iingat kayo. di na ba kayo kakain man lang? ngunit umiling si Angelie, "gusto ko ng makauwe kaagad" sagot nito.

Samantala na release na sa presinto si Angela as Angelie. kasalukuyan silang nasa biyahe pauwe. kasama niya sa sasakyan si Inigo, tahimik lang siyang nakamasid. "are you ok? basag sa katahimikan ni Inigo, napatingin si Angela dito, at napansin niya ang sugat nito na may nakatapal ng puti.

Saka pa lang nagbalik sa isip niya ang naganap. yah! how about you? kiming tanong niya kay Inigo. "no need to ask me if I'm ok, siguradong ok lang ako. sagot ni Inigo sa kanya. sumimangot naman si Angela, "try to clear your name Ms. Angelie boses ni Inigo. you owe it to yourself to clear your name and your parent who gave it to you," salubong ang kilay ni Angela na tumingin kay Inigo. gusto na niyang sabihin dito na wala siyang kasalanan. pero napigil niya ang sarili ng matanaw na papasok na sila ng gate sa loob ng bahay nila.

Bumaba si Inigo sa sasakyan, umikot siya sa kabila at pinagbuksan si Angela ng pinto ng sasakyan. at inalalayan ang dalaga na lubos naman nitong pinagtataka. bigla yatang bumait sa kanya ang aroganteng lalakeng ito. Ng mahawakan ni Inigo ang kanyang kamay dumaloy sa pagkatao ni Angela ang kakaibang pakiramdam, pakiramdam niya ay nanulay ang maliliit na koryenteng humigop sa kanyang lakas na tuluyang nagpalambot ng kanyang tuhod.

At sa isiping nakatingin ito sa kanya habang hawak nito ang kanyang palad, nakadama siya ng pinag halu halong emosyon. parang napasong hinila kagad ni Angela ang kamay, at mabilis na naglakad papasok sa kabahayan. Naiwan naman si Inigo nabigla sa kanyang ginawa. ngunit agad itong nakabawi at sumunod sa kanya.

to be continued....

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon