INNOSCENT OR CRIMINAL (PART8)

191 2 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL (PART8)

**lancer**

Naisipang mag mall ni Xander dahil boring na siya wala ang partner niyang si Marc naatasan sa isang misyon. Lumakad siyang mag isa as usual break na naman siya ng bagong gf dhil sa kawalan niya ng time dito lalo na kapag nasa mission siya. Ayaw din niya dahil kung minsan delikado ang lagay ng nagiging kasintahan niya dahil na rin sa klase ng trabahong pinasok niya.

Naalala pa niya ng bago pa lang siya sa work ay nadamay ang gf niyang si "Joan ng kidnap in ito ng grupo na kanyang iniimbestigahan. ng makaligtas si Joan sa kamay ng mga drug lord sa tulong na rin ng grupo ng NBI ay hindi na siya nito binalikan sa takot na maulit ang naganap...

Kaya ok na rin yung ganitong nag iisa siya.. Pagpasok niya sa mall ay agad siyang pumunta sa "nike dahil naalala niya na minsang pumunta siya dito nung nakaraang linggo ay may nagustuhan siyang latest style ng belt ng nike.

Kaya't ng pagdating sa loob ng makita niyang nakalagay pa rin ito sa dating kinalalagyan ay mabilis siyang lumapit at kinuha ito..

Nang may marinig siyang nagsalita "Excuse me" nauna akong makakita ng belt na yan" iritadong wika ni Angela sa matangkad na lalake.. Lumingon ito sa kanya at biglang nagsalubong ang kilay.. "Miss Angelie Montenegro? may sarkasmong tinig ng lalake...

Matigilan si Angela. parang bigla siyang natigilang salubungin ang tingin ng lalake.

She was so mesmerized. para siyang ice cream na biglang nag melt. But she didn't want her emotion get in the way. lihim niyang mabilis na pinag aralan ang kabuuan ng lalake.

The man was tall, fit and devishly handsome, he looked rough, masculine and had the raspy, sexy voice that made girls swoon over him all the more. She found his scruffy hairstyle and stubbles sexy..

Ngunit di nagpahalata si Angela sa biglang paghangang naramdaman. Sa halip pinataas niya ang kilay, ngayon lang siya magtataray sa buong buhay niya.. Gusto niya ang belt para kay daddy Alfonso.

"I said" mr. ako ang naunang makakita ng belt na yan".. at hinawakan ni "Angela" ang belt upang agawin sa lalakeng may hawak nito..

Ngunit lalong hinigpitan ni Xander ang pagkakahawak dito. Di na ba naaalala ng babaeng ito na may atraso pa sa kanya? "

Aba, masaya siya" pagkatapos siyang tutukan ng baril heto at umaasta na parang di siya

natatandaan.. Pagkakataon na ni Xander para makaganti kaya't ng mabitawan ni "Angela" ang belt ay dali dali siyang lumayo bitbit ang belt patungo sa counter.

Lalo pa niyang inasar ito. lalo namang nanggigil si "Angela" sa antipatikong lalake, kaya't hahabol pa sana siya sa counter ng tawagin siya ng isang sale lady.

"Excuse me maam" can I help you?..

Parang napahiya naman si Angela" kung kaya't humingi na lang siya ng kagaya ng belt kanina..

"Can you give me another belt like that? nakangiti na niyang tanong sa salelady.

"Ohh! Im sorry maam" ngunit nag iisa na lang po yan. at matatagalan pa kami makakuha ng stock.. Biglang nakaramdam si "Angela ng sobrang inis ng makitang tapos ng bayaran ito ng lalake" at nakangisi pang lumabas ng store...

Tuwang tuwa naman si Xander ng makita ang pagkainis sa maamong mukha ng magandang dalaga, Kung kaya't iniwan pa niya ito ng isang kindat at nakakalokong ngiti..

Lalo namang nanggigil si "Angela sa ginawa ng lalaking mayabang.

"di na ba uso ngayon ang gentleman

? kasabay ng pag angat ng kanyang kilay nausal niyang bigla sa salelady na kaharap. Bigla namang ngumiti ng pagkalaki laki ang salelady sa kanya na halos mapunit na yata ang labi sabay sabing.

"Ang gwapoo nya maam nohh?

at akala mo pusang maiiihi sa pamimilipit sa kilig.

She forced herself to smile, at binanatan na niya ng talikod, bago pa makadagdag sira sa araw niya ang salelady...

to be continued...

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon