INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 12)

181 2 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 12)

**lancer**

Binuhat ng "Don" si Angelie at hiniga sa kama. Mabilis silang tumawag ng Doctor.

Lalo pang nag iiyak si Yaya Loleng" nagsimula na siyang magdasal para sa kaligtasan kanyang alaga.. nNpaka lapit niya kay Angela, tapos mawawala lang itong parang bula. di niya matanggap na ngayon na mawawala ang isa niyang alaga.

Umiiyak na hinaplos niya ang mukha ni "Angelie, "magpakatatag ka anak"

bulong niya dito na para bang naririnig siya. Alam din ni Yaya Loleng kung gaano kamahal ng kambal ang isa't isa, Magkaiba man ng ugali at kinasanayan ngunit ang pagpapahalaga sa bawa't isa ay naroon palage. Awang awa siya sa kanyang dalawang alaga, masakit isipin na pareho itong nagdurusa sa kagagawan na rin ng ama.

Di naman mapakali si Don Alfonso, gusto niyang sisihin ang sarili sa mga naganap. Kahit kelan sa buhay niya ay di pa niya naiparamdam kay Angela na mahalaga rin ang anak para sa kanya.

Nagkataon lang na nakuha ni Angelie ang lahat ng atensyon niya. Bakit kung kelan ito nawala saka naman niya na realized na mali ang kanyang ginawa. alam niyang kulang sa atensyon at pagmamahal ang anak na si Angela.

Ngunit kahit kelan ay di niya ito naramdamang nagreklamo sa kanya. Hinahangaan din niya ang anak kahit paano. Tumawag na rin siya ng Rescue pati ang mga bodyguard niya ay inutusang puntahan ang lugar na kinabagsakan ng sasakyang pang himpapawid upang hanapin ang anak na si Angela. Tinawagan na rin niya ang mahal na asawa upang ipaalam ang kasalukuyang nagaganap.

Halos iyak na rin lang ang naisagot ni Althea sa asawa, parang di niya kayang magsalita ng mga oras na yon.. Parang gusto niyang sisihin ang sarili kung bakit hinayaan niyang pasunurin ng asawa sa kanya ang bunsong anak sa kambal.

Nang magising naman si Angelie ay nag hysterical na ito habang yakap-yakap ni Yaya Loleng.

"Daddyyyyy! Pls. hanapin mo si Angela" Daddy! parang awa mo na ibalik mo dito si Angela".. ang halos paulit ulit na sigaw nito sa ama.

Sumungaw ang luha sa mata ni "Don Alfonso" di niya kayang tagalang pagmasdan ang paghihirap ni "Angelie" kung kaya't napilitan siyang lumabas.

Kung minsan napaka hirap palang maging isang magulang, di mo alam kung tama o makabubuti sa anak ang mga desisyon na magagawa mo. Kahit na sabihing iniisip mo ito para sa kapakanan nila.

Pumunta sa bar room ang matanda. kumuha siya ng alak at nagsalin sa kopita, nais niyang lunurin sa alak ang sarili sa mga oras na yon. Sinimulan niyang tumungga hanggang sa naging sunod sunod ito.

**************

Lumipas ang maghapon ngunit marami pa rin ang hindi natagpuan, halos 30% lang ang nakuha ang bangkay. Ang iba ay kasalukuyan pa ring nawawala. Si Yaya loleng na lang ang matiyagang nakasubaybay sa balita.

Ayon pa kasi sa balita halos isang oras at kalahati bago pa napuntahan ang eroplano, kung kaya't maaring naunahan na sila ng pating sa ibang biktima, o inanod na sa ibang lugar ang katawan ng mga biktima. panay pa rin ang bulong ng dasal ni "yaya Loleng.

 

************

Samantalang bumigay na rin si Angelie sa kakaiyak, kung kaya't nakatulog na naman ito, maghapon ng di kumakain ang alaga niya. Kaya't lalong nadagdagan ang pag aalala ni yaya loleng.

 

*************

Halos lasing naman na si Don Alfonso kung kaya't di na niya nalaman pa ang mga sumunod na nangyari. Hanggang sa dumating ang mga inutusan niyang mag rescue kay Angela, ngunit sa kasamaang palad, masamang balita ang dala ng mga ito.

to Be continued..

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon