INNOSCENT OR CRIMINAL (PART9)

179 2 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL (PART9)

**LANCER**

... Nag tingin tingin pa si Angela" ng mabibili bago nagpasyang umuwe ng bahay. Isang polo shirt na lang ng lacoste ang binili niya para kay "Don alfonso." di siya sigurado kung isusuot ito ng ama, ngunit gusto niyang ibigay pa rin ito. Bumili rin siya ng pwedeng ibigay kay "Angelie" pati si aling loleng ay binilhan na rin niya. Nakita niyang medyo naiinip

na sa paghihintay ang driver na si mang Terio, kung kaya't nakangiting inabot niya dito ang binili niyang relo para dito. Nakita niya kasing medyo luma na at kupas ang relo ng matandang driver.

Madalas sa pag iisa niyang mamasyal ito ang matiyagang naghihintay sa kanya. Kaya't di siya nanghihinayang sa bawa't binibigay sa matanda..

"Salamat po "senyorita Angel"

tuwang tuwang wika ng matanda, at pinagbukas na siya ng pinto ng sasakyan.

"Welcome po" sagot ni Angela na nakangiti pa sa matanda. sa sobrang pagod niya sa pamimili, di na niya namalayan na nakauwe na sila dahil nakatulog siya.

Narinig na lang niyang tinatawag siya sa kanyang pangalan ng matandang driver. Kinuha nito ang dala niya sa compartment ng sasakyan ng pababa siya. sumalubong si aling "Loleng" para tulungan si mang "Terio". kaya't nagpauna na siyang pumasok sa kabahayan dahil pakiramdam niya ay hinihila pa siya ng antok,

Dahil na rin sa puyat at pagod. dire-diretso siya sa kanyang kwarto, halos napapapikit pa siya ng mag shower siya. pagkapalit niya ng damit ay nahiga na siya kagad. Maaga pa ang alis niya bukas kung kaya't magpapahinga muna siya. Hanggang sa tuluyan ng nakatulog si Angela, at di na niya namalayan ang paglipas ng oras, inayos naman ni aling Loleng ang lahat ng dala ni "Angela".

"kinabukasan, araw ng flight ni Angela" 4am ang flight niya kaya't 2:00am in the morning ready na siya. Habang panay ang sunod sa kanya ni aling Loleng habang umiiyak ay sinilip muna niya ang ate Angelie niya.. Hindi na niya ito inistorbo sa pag tulog ng makitang himbing ito. Naghihintay na kagad si mang Terio sa kanya sa sasakyan. pag labas niya ng sala ay nakita niyang nakatayo si Don alfonso malapit sa pintuan. naalala niya ang binili niyang polo shirt na lacoste kahapon. Nakalimutan na pala niyang ibigay.

Kaya't napalingon siya kay aling Loleng na kasalukuyan pa ring mugto ang mata at nakasunod sa kanya. "yaya" pwede po bang paki kuha yung polo shirt na binili ko para kay daddy", pakiusap ni Angela sa matandang umiiyak.

Dali dali namang sumunod ito at mabilis na nakabalik bitbit ang Polo shirt. kinuha naman niya ito at nakangiting iniabot kay Don Alfonso.

"Daddy" this is for you."

nahihiyang wika ni Angela, kinuha naman ng Don ang binigay ng anak.

"Always Take care " basta tandaan mo Angela, ginagawa ko ito para rin sa kapakanan mo.

at hinatid na siya ng Don sa naghihintay na si mang Terio. humalik lang si Angela sa pisngi ng ama at lumulan na sa sasakyan.

Nang magsimulang tumakbo ang sasakyan ay saka naman kumawala ang luhang pinipigil niya......

Pag dating sa PAL, hinatid lang siya ni mang Terio sa loob at di na rin nagtagal umuwe na ito kagad. Tahimik namang nag iisip si Angela kung ano ang nararapat niyang gawin ng mga oras na yon....

to be continued.....

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon