INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 32)
**lancer**
... Dire-diretso si Angela sa kwarto ni Angelie, mabilis niyang ni lock ang pinto at napasandal siya sa pinto. matagal siya sa ganoong posisyon, kinakalma niya ang sarili niya habang patuloy ang malakas na tibok ng kanyang puso. di pa man siya nakakaalis sa pagkakasandal sa pinto ay narinig na niya ang marahang katok. napalunok si Angela. muli na namang may kumatok sa pinto. Napilitan si Angela na buksan ang pinto. napalunok siya ng makita ang ama pala niya ang kumakatok.
"Daddy! gulat na sambit ni Angela as Angelie". "Alam kong gutom ka na anak, halika sabay na tayong kumain. tawag ni Don alfonso sa anak. Napangiti si Angela, this is her lucky day. ang makasabay sa pagkain ang ama ay lubos na nagpapasaya sa kanyang kalooban.
At mabilis na siyang lumabas sa kanyang kwarto at umagapay sa ama. tuwang-tuwa naman si Don Alfonso sapagkat mukhang nakalimutan na ng kanyang anak ang hinanakit nito sa kanya ng mawala ang kapatid nito. sa pagkaalala sa sinapit ng kanyang anak ay nakadama ng ibayong lungkot ang Don.
Kung sana'y buhay pa si Angela, pinapangako niyang pantay niyang mamahalin ang mga anak. Nakahain na lahat ng pagkain ng makarating sina Don Alfonso sa mesa. masaya silang kumain kasalo ang butihing abogado na si Atty. Chan lee.
Pagkatapos nilang kumain ay kinausap ni Atty. Hilvano ang mag ama tungkol sa kaso ni Angelie. Matamang nakikinig si Angela, kasama rin nila ang personal bodyguard na si Inigo, nakatayo ito at nagmamasid lang sa kanila. na tense bigla si Angela ng gustong ipasalaysay sa kanya ni Atty. hilvano kung ano ang naganap ng araw na mamatay si Lawrence Sandoval. "Please trust me Angelie, I want to hear right now, if what happened during the encountered between you & lawrence with Nicole.
Biglang nilaro ni Angela ang mga kamay sa kanyang kandungan, naghahagilap siya sa kanyang isip ng sasabihin. Agad namang napasin ni Inigo ang biglang pagkabalisa ng dalaga. Sapagkat tahimik lang siyang nagmamasid. pati si daddy Alfonso ay napansin ang di kaagad pagtugon ng anak, kaya't naisip niya na marahil ay hindi pa ito handang mag kwento ng naganap. I'm sorry Atty. Hilvano,baka kailangan munang magpahinga ng aking anak, sapagkat masyado siyang na pressure kanina sa mga pangyayari.
Napaangat ng tingin si Angela sa narinig na sinabi ng ama. tumango naman si Atty. Hilvano, kung ganon ay magpapaalam muna ako Don Alfonso, babalik na lang ako kapag handa ng magkwento si Miss Angelie. at tumayo na si Atty. Chan Lee ladaga Hilvano.
Tumayo na ang Atty. at nagpaalam, magalang nitong kinamayan ang mag ama. hinatid naman ng Don palabas ang butihing Abogado. nakahinga naman ng maluwag si Angela, sunod sunod ang pinakawalan niyang buntung hininga. bagay na di nakalampas sa matalas na paningin ni Inigo.
Umupo sa harap ni Angela si Inigo at tumingin sa kanyang mga mata. "May tinatago ka ba? malumanay na tanong ni Inigo kay Angela. sumabog na naman ang inis ni Angela sa lalake. "you're a meddler" napailing naman si Inigo na natatawa, maiinitin talaga ang ulo ng dalaga. napatingin sila ng dumaan ulet si Don Alfonso,ngunit dumiretso na ito sa taas papunta sa kanyang sariling kwarto.
***************************
Samantala, malakas na bumusina si Mark sa gate ng malaking bahay nina Angelie, ngunit sumilip lang ang guard at di sila pinagbuksan. Napilitang bumaba si Angelie at nagpakita sa Guard. Please! open the gate" medyo pasigaw na utos ni Angelie upang marinig siya ng guard. para namang biglang natulala ang guard, saglit lang na pagkatulala ay nagmamadali itong binuksan ang gate. Marahil ay nagtaka dahil kanina pa dumating sina Angela ngunit di naman niya nakitang lumabas.
Lakad takbo ang ginawa ni Angelie ng makababa sa sasakyan, habol din sa kanya si marc. Napapalingon ang bawat makasalubong ng dalawa. nag-buzzer kagad si Angelie pag dating sa pinto, na agad namang pinagbuksan ni Aling Loleng. Where's Angela yaya, bungad na bati kagad ni Angelie, nanlaki naman ang mata ni Yaya Loleng. biglang nalito ang matanda at walang maapuhap na sabihin. kaya't dumiretso na si Angelie sa loob habang kabuntot pa rin si Marc.
"Angelaa! sigaw nito ng matanawang nakaupo ang kapatid at may kausap. Napalingon naman si Angela at mabilis na tumayo, nagtaka naman si Inigo pagkakita kay Angelie, nagpalipat lipat ang mata nila sa dalawang magkamukha.
Mabilis na nakalapit si Angelie sa kapatid. tulala naman si Angela at pareho silang bumagsak ang mga luha sa mata. mabilis na nagyakap ng mahigpit ang magkapatid. nagkatinginan naman sina Marc at Inigo na parehong naguluhan sa pangyayari. habol naman si yaya Loleng kay Angelie. at nagpalipat lipat din ang tingin sa kambal. tama nga ang hinala niya na si Angela ang unang nagbalik.
to be continued...
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...