INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 35)
**lancer**
"Nagulat na naman ako sa tanong ni Roxanne kung kilala kita ate? kunsabagay naisip ko di nakapagtataka sapagkat isa kang sikat na modelo. Umiling ako kay Roxanne, tumawa siya, "kamukhang kamukha mo kasi si Angelie Montenegro kahit na sa picture at tv ko lang siya nakita. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko, ayoko ko munang maging open sa kanya ng todo dahil noon ko lang siya nakilala. Hanggang sa natapos kaming kumain, at niyaya na niya ako. paglabas namin may naghihintay pala sa kanyang sasakyan, akala ko sasakay na naman kami ng tricycle.
Ipinakilala niya sa akin ang Driver niyang Si Mang Mario, medyo matanda na ito ngunit kagaya niya ay mukhang mabait. "Mang Mario paki Buhat naman ang Gamit ni Angel. pakiusap ni Roxanne sa matanda na kaagad namang sumunod sa kanya. matapos ilagay ng matanda ang gamit q sa loob ng van ay nagpasama muna ako kay Roxanne sa natanaw kong tindahan na merong payphone, balak kong tawagan ka ng mga oras na yun ate para ipaalam sayo na di ako tumuloy umalis. Paglapit ko sa tindahan ay natawag ang pansin ko ng palabas sa tv. Nakita ko ang flash report about sa pagbagsak ng isang eroplano kung saan sana ako nakasakay. kinilabutan ako sa napanood ko. marahil kung tumuloy ako ay isa ako sa minalas na namatay. nagbago kagad ang isip ko na tawagan ka. Naisip ko na ito na ang pagkakataon kong sanayin ang sarili na malayo sa inyo.
"Hindi na pala ako tatawag" sabi ko kay Roxanne na pinagtaka niya. Ha? bakit? kala ko ba, tatawagan mo ang kapatid mo? sabi niya sa akin. umiling na lang ako na halos dinig ko ang kabog ng aking dibdib. kaya't bumalik kami kaagad sa sasakyan.
sa hulihan kami ng van naupo. halos 30mins din ang Biyahe namin.sa San luis niya ako dinala, kalapit ng bayan ng Baler. nagulat na naman ako ng ang hinintuan namin ay isang napakagandang lumang bahay.
At ang nasasakupan ay napaka lawak. D-dito ka nakatira? namamanghang tanong ko sa kanya. Tumango siya, palangiti talaga si Roxanne kaya magaan kaagad ang loob ko sa kanya. Eto ang hacienda ni papa sabi niya, pamana ito ng kanyang mga magulang. Pagbaba namin ay hangang hanga talaga ako sa bahay nila, napapalibutan ito ng ibat ibang klase ng prutas, merong malawak space na puro dalandan ang tanim, sa kabilang gilid naman ay pinyahan. at sa gawing kaliwa ay mga gulay na napakalawak na taniman. meron ding mga hayop na medyo malayo ngunit tanaw mula sa kanilang bahay. May mangilan ngilan ding mga tao na nag iikot sa paligid. at ang pinaka tanim ay ang malawak na niyugan na may matataas na puno.
Hinila na niya ako papasok sa bahay nila at pinakilala ako sa mga magulang niya, dito ako umamin na kapatid kita kaya't tuwang tuwa sila. Ngunit nakiusap ako sa kanila na ilihim lang. Binigyan nila ako ng sarili kong kwarto, at tinuring na bisita. Hindi na nila ako pinaalis mula noon. habang tumatagal ay nasanay naman na ako sapagkat halos lahat ng tauhan sa hacienda ay mababait. Nag iisang anak si Roxanne at sanay na sanay siya sa gawaing Hacienda, hanggang lahat ng ginagawa niya ay tinuro sa akin. kapag wala kaming ginagawa ay tinuturuan niya akong sumakay sa kabayo. marunong din siyang bumaril, kadalasang pinagagawa niya sa akin sa likod ng bahay nila at ang target namin ay mga bote at lata. na ang tanging miron namin ay mga tauhan pa rin sa Hacienda.
Nag enjoy ako na kasama si Roxanne, ang dami niyang tinuro sa akin, pati pananamit ko ay pinakialaman na rin niya. kahit na paminsan minsan ay naaalala ko kayo dito sa bahay, pero tiniis ko ang nararamdaman ko. hanggang isang Araw na naman ay tinawag ako ni Roxanne at pinakita niya sa akin ang balita sa Dyaryo na napatay mo ang bf mong si Lawrence. Labis ang pag aalala ko noon sayo ate Gelie kaya't di q alam ang gagawin ko, hanggang sa nawala ka ng parang bula kagaya ko. kung kaya't nag desisyon akong umuwe upang alamin ang tunay na nangyari sa iyo, nagpaalam ako kina roxanne, nung una ayaw nila pero ng mag explain ako ay napilitan na rin silang ihatid ako sa terminal makaraan ang ilang Linggo.
to be continued....
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
AkčníProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...