INNOSCENT OR CRIMINAL
PART 41
**lancer
... "Kaagad na natawagan ni Raven si Atty. Chan lee Ladaga Hilvano. kaya naman punta kaagad sina Don Alfonso sa Headquarters. "ayon sa Captain ng pulis ay kailangang mag explain ang Don sa nangyaring palusot ng drug gamit ang kanyang factory item. Binawalan naman kaagad ni Atty, Hilvano na usisain pa ng mga pulis ang Don, sasagutin lang daw nila ang lahat ng katanungan pag dating ng paglilitis. Takang taka naman si Don Alfonso sa pagkakaroon ng Ilegal drugs na sangkot.
"Samantala tanaw na ni Inigo ang sasakyan ni Angela, Palihim niyang sinundan ang dalaga, nagulat na lang siya ng biglang harangin ang sasakyan ni Angela ng dalawang sasakyan. bumaba ang dalawang lalaki at binasag ang salamin ng sasakyan ni Angela, nakita pa niya ng mabuksan ang sasakyan ni Angela ay may pinaamoy dito at walang malay na binuhat ng dalawa palipat sa kabilang sasakyan. hindi makalapit si Inigo sapagkat mukhang marami ang kumuha kay Angela, Humanda sa pagsunod si Inigo ng makita niyang mabilis na sumakay ang dalawang lalaki sa kabilang sasakyan, matapos ilagay sa itim na sasakyan si Angela.
Tuloy-tuloy ang ginawang pagsunod ni Inigo, hanggang sa makarating ito sa isang malaking bahay sa bandang Laguna. malayo rin mula sa Bacoor cavite ang pinagdalhan kay Angela. Tahimik na nagpatago tago si Inigo hanggang sa makalapit sa malaking bahay, limang lalaki ang dumukot kay Angela, ngunit tatlo lang ang nakita niyang bumaba, pagkatapos ay muling umalis ang isang sasakyan lulan ang dalawang lalake. pinagbuti ni Inigo ang pagtatago. ini off muna niya ang kanyang cp, baka kasi may biglang tumawag.
"Boss" anong gagawin natin dito? tanong ng lalaking mataba sa babaeng nakatalikod. humarap ang babae, napaka laki ng ngiti ni Nicole pagkakita sa katawang tulog ni Angela. Itali nyo siya dito, hanggang matapos ang kinabukasan. "Gusto kong hindi siya makarating sa hearing bukas" nakangiting usal ni Nicole, sisiguraduhin kong mabubulok siya sa bilangguan pagkatapos siyang hatawan ng guilty. Isang malakas na sampal na naman ang tinanggap ni Angela mula sa kamay ni Nicole, kaya't nagising siya. takot na takot si Angela ng makita si Nicole kasama ang tatlong lalake.
"Kumusta? mahal kong Angelie? nakangising bati ni Nicole kay Angela. '"Bakit ako nandito? takot na takot na tanong ni Angela, nakatali ang kamay at paa niya kaya't di siya makagalaw. 'Simple lang, sagot ni Nicole sa kanya, bukas na ang hearing. para di ka makarating pansamantala dito ka muna. dahil kapag di ka makukulong Angelie sisiguraduhin kong di ka na makakauwe, nanlilisik ang matang turan ni Nicole sa kanya. Nahintakutang napasigaw si Angela. Pakawalan mo ako dito! parang awa mo naaa! ang pinipigil niyang iyak ay nagsimula ng lumabas.
"Ganyan nga Angelie, humahalakhak na sabi ni Nicole dito at sinimulan ng lumabas kasama ang tatlong lalake. takot na takot si Angela,napaka laki ng bodega yatang kinalalagyan niya, puro sapot pa ng gagamba at napaka dumi pa ng paligid. "tulungan nyo ako, huhuhuhuu! sigaw niya, paulit ulit siyang sumigaw na para bang may makakarinig sa kanya. tumawa lang si Nicole. "Sigaw pa, yung mas malakas hanggang sa dumating ang "knight in shining armor mo. ha!ha!ha!haa! tawa ni Nicole bago sinara ang pinto. Lalong nanginig sa takot si Angela sa isiping nagiisa na siya habang nakatali ang kamay at paa niya, may nakita siyang bintana, ngunit napakataas nito, kulang ang height niya para maabot...
to be continued...
Ano kaya ang susunod na mangyayari kay Angela?
**lancer**
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...