INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 17)

165 1 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 17)

**lancer**

Pilit na ginagapang ni Nicole, ang kanyang baril, ngunit nahihirapan siya. Kaya't dahan dahan siyang umisod upang makarating dito. Ngunit ng mahawakan niya ng kaliwang kamay ang baril ay nakaalis na si Angelie. Wala siyang magawa dahil may tama siya sa kanang kamay at paa. Muli siyang gumapang upang itago ang kanyang baril, bago tumawag sa telepono. hirap na hirap siyang kumilos. Ramdam niyang kumikirot ang kanyang sugat. pero pinilit niya pa ring tumawag sa police station upang humingi ng tulong.

Titig na titig siya sa katawan ni Lawrence na nakahandusay. Makalipas pa ang 30 minutes ay dumating ang mga pulis. Agad na nalapatan ng first aid ang sugat ni Nicole, agad namang pinakalat ang check point sa buong Manila upang hulihin si Angelie. Nagsimulang nag imbestiga sa loob ng kanyang condo, kinuha ng mga pulis ang kanyang salaysay sa pangyayari, dead on the spot naman si Lawrence sapagkat sa puso tumagos ang balang tumama sa kanya.

Isinalaysay naman ni Nicole ang naganap, nakuha naman ng mga pulis ang baril ni Angelie, kakailanganin ito sa imbestigasyon ayon sa major ng mga pulis na kasalukuyang nag iimbestiga sa pangyayari. pana'y naman ang record at picture ng dalawang reporter na kasama ng mga pulis. Matapos ang imbestigasyon ay dinala naman si Nicole sa Hospital upang malunasan ang kanyang mga sugat. mabilis na naging laman ng pahayagan ang pangyayari.

"Holy sh*t! gulat na gulat si Don alfonso ng makita ang malaking front page sa dyaryo.. "WANTED: "ANGELIE MONTENEGRO". iba't ibang klase ng balita. "ANGELIE MONTENEGRO

KILLED HER BOYFRIEND". "ANAK NI DON ALFONSO NAKAPATAY" mabilis na kumilos ang Don, tinawagan niya ang kanyang matinik na abogado, kailangang malinis niya ang pangalan ng anak... Nanginginig na pina hold niya ang lahat ng balita tungkol sa kanyang anak sa tv station. Pinahanap niya si Angelie sa buong kabahayan ngunit ayon sa lahat ng kasambahay niya ay di umuwi ang dalaga. Maging si Althea ay nataranta sa nabasang balita. di sila makapaniwala na magagawa ng anak ang ganitong karumal dumal na balita.

"Marc! baka matunaw yan kanina mo pa tinititigan".. tatawa- tawang kantiyaw ni Shiela sa kanya. kamot ulong tumingin si Marc kay Dr. Jake na kasalukuyan din palang nakatingin sa kanya at nagpipigil ng ngiti. 'Huwag kang mag alala ok na siya" wika naman ng Doctor, daplis lang naman ang tama niya. medyo marami lang dugo ang nawala, tinurukan ko lang siya ng pampatulog dahil kelangan niya ng pahinga habang sinasalinan ng dugo". napabuntung hininga naman si Marc, nawala ang pagdududa niya sa kaligtasan ng dalaga.

Kanina pa siya nagdadasal na sana'y walang masamang mangyari sa dalaga. Ipinagtaka kasi niya na hanggang ngayon ay di pa rin ito nagigising.."di niya alam kung bakit ganoon na lang ang pag aalala niya dito. "Mag merienda muna kayo, nakahanda na sa balkonahe masarap kumain don habang sumisimoy ang sariwang hangin, ako na muna ang magbabantay sa kanya". alok sa kanila ni Shiela.

Sumunod naman ang magkaibigan, habang nasa balkonahe ang dalawa ay napasarap ang kwentohan nila, di nila namalayan ang oras.. ng biglang humahangos na dumating si Shiela, "Marc, nagising na ang pasyente, may tinatawag siyang pangalan."

Mabilis na napatakbo ang dalawa upang puntahan si Angelie. Agad nilang nilapitan si Angelie. "musta ng pakiramdam mo? tanong ni Marc kay Angelie.. pilit naman inaaninag ni Angelie ang kumakausap sa kanya, medyo nanlalabo pa ang kanyang mata. "Lawrence? ungol ni Angelie..

Nagkatinginan silang lahat. "nagkakamali ka Miss, Montenegro. ako ang nagdala sayo dito. Ako nga pala si Marc". tinig ng lalaking nasa harapan ni Angelie, Stranger sa kanya ang mga tao sa harap pati na ang lugar na kinalalagyan niya.

"A-asan ako? tanong niya sa babaeng nakangiti sa kanya.

"Andito ka ngayon sa rest house sa tagaytay. biglang naalala ni Angelie ang naganap sa condo ni Nicole.. natahimik siya, maya- maya lang ay napahagugol na siya.

"kumusta na kaya si lawrence? bigla niyang naisip.. nalito naman ang tatlong nakamasid sa kanya..

to be continued...

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon