INNOSCENT OR CRIMINAL PART 46 (FINAL CHAPTER)

148 3 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL

PART 46 (FINAL CHAPTER)

**lancer**

... "Miss Angelie Montenegro" dahil nangako ka na pawang katotohanan lang ang mga sasabihin mo, maaari mo na bang simulan ang tunay na nangyari? panimulang tanong ni Atty. Chan lee Ladaga Hilvano. "Yes! maikling sagot ng dalaga. at nagsimulang magsalaysay si Angelie, habang nakikinig lahat ng tao. "Nahuli ko sina Lawrence at Nicole na magkasamang natutulog na hubad. Biglang nagsalita ang abogadong si Atty. Marvin Nacario, "Kaya ba pinatay mo si Lawrence Sandoval, dahil sa galit mo? malakas nitong tanong. "Hindi totoo yan" sigaw ni Angelie na namumula sa galit.

"Sumigaw naman si Atty. Hilvano" dahil sa pangingialam ng abogado, nag warning naman ang judge upang maiwasan ang gulo. Ipagpatuloy mo Miss Montenegro, utos ni Atty. Hilvano sa kanyang kliyente. "ng mahuli ko sila, nagalit ako. pero hindi yun reason para patayin ko ang pinaka mamahal kong si Lawrence. Nagulat na lang ako ng biglang naglabas ng baril si Nicole ng pilit akong niyayakap ni Lawrence. "Hindi ako ang tunay na pumatay kay Lawrence" kundi siya" at tinuro ni Angelie si Nicole. napatayo si Nicole at sumigaw ito, "you're a liar" ngunit sinaway siya ng Judge at binigyan ng Warning muli ay nagpatuloy si Angelie sa pagsasalita.

"Ako ang babarilin ni Nicole ng time na 'yon ngunit humarang si Lawrence upang iligtas ako. saglit na natulala kami ni Nicole ng bumagsak si Lawrence, ng bigla kong maalala na kelangan kong lumaban, kinuha ko ang baril ko. sa galit ni Nicole muli niya akong tinutukan ng baril, Ngunit naunahan ko siya binaril ko siya sa kamay, pero naiputok niya ang baril, kaya't tinamaan ako. ng makita kong kukunin niyang muli ang baril niya ay binaril ko siya sa paa. Kaya ako Nahuli sa pagdating ng unang araw ng paglilitis ay pumunta kami sa condo ni Nicole kasama ang ilang pulis Pati si Marc upang kunin ang kanyang baril. at ipasa bilang malaking ebidensya. "Tama! sagot ni Atty. Hilvano kasabay ng paglalabas ng baril ni Nicole at baril ni Angelie, pati ang resulta ng Paraffin test na di nag match ang bala ng baril na nakuha sa katawan ni Lawrence sa baril ni Angelie, ngunit nag match ito sa baril ni Nicole. hindi na nila nilabas ang maling Finger print. "Siya ang tunay na Criminal" madiing sabi ni Angelie. Nagsisigaw si Nicole, ngunit hinawakan na siya ng mga pulis.

Nagsalita ang Judge bilang pagtatapos ng paglilitis. at tumayo na ito matapos pumukpok ng tatlong beses. halos maiyak naman si Don Alfonso, tama ang pagtitiwala niya sa anak na si Angelie.

Makalipas ang ilang araw Binasa ang hatol ng Judge sa kaso ni Angelie, at nahatulan si Nicole na habang buhay na pagkabilanggo. Halos mabaliw ito sa kakaiyak. humingi naman ng dispensa ang mga magulang ni Lawrence kay Angelie.

Ang sumunod namang nilitis ay ang kaso ni Don Alfonso na di na tumagal dahil sa mga nakuhang ebidensya ni Marc na ginamit nila sa Paglilitis. kaya't nakulong din si Don William.

Matapos ang lahat ng problema ay nagpaliwanag naman si Alexander katulong nito si Marc sa pagpapaliwanag kay Angela tungkol sa pagpapalit niya ng pangalan. Nang maunawaan ni Angela ay nawala lahat ng sama ng loob niya kay Alexander. At nagsimula ng manuyo si Alexander kay Angela.

Nagsimula namang ligawan ni Marc si Angelie, habang naging magkasintahan na si Angela at Alexander.

mabilis na lumipas ang panahon, naging magkasintahan na rin si Marc at Angelie, hanggang sa nagdesisyon ang apat na magpakasal na ng Doble wedding.

"Dumating ang mga kaibigan ni Angelie na sina Jaymie, Marjune Diane, at Jomar. Isang engrandeng kasalan ang naganap sa Mansyon ng mga Montenegro sa Bacoor Cavite. "Doble Wedding ang magkapatid sa magkaibigan. matapos ang kasal iisang package ang naging regalo ni Don Alfonso sa mga anak. Isang trip to Paris ang Honeymoon ng mga bagong kasal.

"Lahat sila ay nakamit ang kaligayahang hinahanap.

end.....

Maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay....

**lancer**

🎉 Tapos mo nang basahin ang INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED 🎉
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon