INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 16)

174 1 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 16)

**LANCER**

Apat na sunod na putok ang umalingawngaw. (nagkabarilan sila) hawak ni Angelie ang kanyang baril, napatitig siya sa nakahandusay na katawan ni Lawrence, uupo sana siya upang hawakan ang kasintahan..

...

Ngunit napaungol naman si Angelie ng maramdaman niya ang kirot sa kanyang bewang, kaya't nabitiwan niya ang hawak na baril at bumagsak ito sa kanyang paanan, may tama din si Angelie ng baril. Habang ginagapang naman ni Nicole ang kanyang baril dahil may tama naman ito sa kamay, at paa.. Nakita ni Angelie na malapit ng maabot ni Nicole ang kanyang baril, kaya't di na siya nag aksaya ng panahon, kaya't mabilis siyang tumakbo habang hawak ang kanyang bewang.

Pag labas ng condo ni Nicole ay sumakay kagad siya ng sasakyan. mabilis niya itong pinanatakbo paalis sa lugar na yon. wala pang traffic, kaya nakalayo naman siya. Tinugpa ni Angelie ang daan pabalik ng Cavite. Ramdam niya ang kirot sa kanyang bewang, ngunit di niya alintana ito. lumagpas siya ng Bacoor hindi siya pwedeng umuwi sa kanila sa ganitong kalagayan.

Hanggang sa mangilan ngilang bahay na lang ang nararaanan niya. di na siya gaanong pamilyar sa lugar na dinadaanan niya. Hininto niya sa tabing daan ang kanyang sasakyan ng maramdaman niyang nanlalabo na ang kanyang paningin. Sumubsob muna siya sa manibela ng kanyang sasakyan. kelangan muna niyang magpahinga.

Galing naman sa Isang Misyon si Marc Sederio,halos ilang buwan din bago na solve ang katatapos niyang misyon. pauwe siya ng manila. nagpapatugtog siya habang drive ang sasakyang binigay sa kanya ng agency. masaya siya sapagkat na solve niya ang kasong kinaharap. malayo pa lang ay tanaw na ni marc ang isang sasakyang nakahinto sa tabi ng daan.

Bumagal ang takbo niya, bakit sa ganitong lulugar hihinto ang isang sasakyan? Tanong niya sa kanyang sarili, dahil sa uri ng kanyang trabaho kung kaya't lahat ng bagay ay may kahulugan para sa kanya. Pag tapat sa sasakyan ay huminto siya sa tapat nito. Nagdlawang isip pa siya kung baba ng sasakyan. Ngunit ng mapansing parang natutulog ang nakasakay ay aalis na sana siya, pero babae ang driver baka kaya lasing sa loob loob niya, kaya't napilitan siyang bumaba baka madaanan pa ito ng mga loko at kung ano ang gawin dito.

Marahan siyang kumatok sa bintana. inulit niya, nakita niyang gumalaw ang tao sa loob, medyo tinted kasi kaya't di niya gaanong makita sa loob. Bumukas ang pinto at nagulat siya sa mukhang bumungad sa kanya. "Angelie Montenegro? medyo nanlalaki ang mata ni Marc pagkakilala sa Modelo. Naalala niyang bigla ng makita nila ito ni Alexander.. Ngunit bumulong lang si Angelie na kagad niyang narinig. "help me" anas nito, napatingin si Marc sa damit ni Angelie na basa na ng dugo. mabilis na kumilos si Marc binuhat niya ang dalaga palipat sa kanyang sasakyan.

Kitang kita niya ang panghihina nito.. napag alaman niyang may sugat ang dalaga. kinuha niya ang manipis niyang sando sa bag at inangat ang blouse ng dalaga upang talian ang pinagmumulan ng dugo. Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa nito na isaloob ni Marc, "relax ka lang Miss Angelie" wika ni Marc habang sinimulang patakbuhin ang sasakyan.

Nakalimutan na niyang pabalik siya ng Manila, nag turn over siya papuntang tagaytay kelangang itago muna niya si Angelie malakas ang hinala niyang may naganap dito na di kanais nais. Meron silang lihim na rest house sa tagaytay, ginagamit nila ito kapag kelangan nilang magpalamig, doon nalang niya dadalhin ang dalaga pansamantala.

Sigurado siyang kelangan nito ng kanyang tulong.. Agad namang sinalubong ni Shiela si Marc ng makitang may buhat buhat itong babae papasok sa resthouse. "anong nangyari Hijo" nag aalalang tanong nito kay Marc.

"Asikasuhin nyo muna siya "Ate Shiela" marami rami na ring dugo ang nawala sa kanya tatawagan q lang ang kaibigan kong doctor na si jake".

Mabilis namang kumilos si Shiela ng maihiga ni Marc si Angelie, umuungol ito.. "ano bang nangyari dito Marc? Parang kilala ko siya". tanong ni Shiela kay Marc.

"Si Angelie Montenegro yan ate, isang sikat na modelo. tugon ni Marc iniwasan niyang sagutin kung ano ang nangyari kay Angelie sapagkat maging siya ay di niya alam..

Mabilis niyang tinawagan ang kaibigang Doctor, kelangang malunasan ang sugat ng dalaga..

to be continued....

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon