INNOSCENT OR CRIMINAL PART 19
**LANCER**
... Napatitig si Angelie kay Marc....
"are you sure na tutulungan mo ako, kahit di mo pa ako kilalang lubusan? "alanganing tanong ni Angelie kay Marc. Tama si Angelie di pa niya ito kilalang lubusan, ngunit unang kita pa lamang niya kay Angelie ay alam niya sa sarili niyang mas higit pa sa kaibigan ang gusto niyang mangyari.. Pero kailangang pigilan niya ang sarili dhil di pa ito ang tamang oras at panahon. gaya ng sinabi ni Angelie kanina kailangan nito ang tulong niya.
Ngumiti si Marc at sinalubong ang tingin ni Angelie, "Handa kitang tulungan kahit ano." nakahinga ng maluwag si Angelie, marami siyang gustong tuklasin, kung pagagamit sa kanya si Marc sasamantalahin niya saka na lang siya babawi kung makakabalik pa siya sa normal na pamumuhay.
Dinetalye na niya rito kung ano ang nais niyang ipagawa kay Marc, tama si Marc kelangang mag stay muna siya dito hanggang sa makabawi siya. Kelangang gamitin niya ang kanyang utak, ayaw niyang makulong.
********************
Lumipas ang araw at linggo, nabayaran ni Don Alfonso ang lahat ng tv station upang huwag ilabas ang balita, nag aalala na siya sa kanyang anak, di na angparamdam si Angelie, dahil sa pangyayari lumipad ulet ng ibang bansa si Althea di niya kakayanin ang sitwasyon ayon dito. Eto na naman si Aling Loleng panay ang rosaryo at pagdadasal na sanay iligtas ang kanyang alaga, sanay mali ang balita, ngunit bakit nagtago si Angelie? tuwing maiisip ito ni Aling Loleng ay daig pa niya ang tunay na ina. Nawala na si Angela, mawawala pa ba si Angelie. Pinahanap naman ng don si Angelie ngunit ikalawang linggo na ng pagkawala ni Angelie ay wala pa rin ito.
Naalala niyang sasakyan na lang ng dalaga ang nakita ng mga tauhan niya sa parte ng cavite, hirap na hirap na ang kalooban ng Don sa pagkawala ng anak. Maari kayang namatay din ito? dahil puno ng dugo ang sasakyan ng matagpuan, pakiramdam ng Don ay mamatay siya sa pag iisip sa anak. Tahimik lang nakatitig ang matanda sa kawalan, unti unti na namang namumuo ang mga luha sa kanyang mata, dalangin niyang huwag sanang kunin ng nasa taas ang ngayo'y nag iisa niyang anak..
Nang bigla na lang may tumawag sa kanyang likuran..
"daddy" biglang parang binuhusan ng malamig ang pakiramdam ni Don Alfonso "bakit parang tinatawag siya ng kanyang anak na si "Angela? muling umulit ang tinig sa kanyang likuran.. "daddy" i'm back! di na siya dinaraya ng kanyang pandinig, boses nga ni Angela, mabilis na lumingon ang Don, at nakita niyang nakatayo sa kanyang likuran si Angelie. naka short lang ito ng maiksi at sleeveless na pang itaas na kinagawiang isuot ni Angelie. kaya't sigurado siyang si Angelie nga ito.."anak, Angelie, mabuti't nagbalik ka? sugod ng matanda at mahigpit na yumakap sa anak.
Naibagsak nito ang dalang bag, matagal bago naramdaman ng matanda na gumanti ng yakap ang kanyang anak. luhaan ng Don ng hawakan ang mukha ng anak, "akala ko'y di ka na rin magbabalik gaya ng iyong kapatid na si Angela" wika ng matanda.
Titig na titig sa kanya ang anak, maya maya lang ay nagsalita ito.
"Ako nga po si Angelie daddy.
"Ngayo'y nagbalik ka anak, sisiguraduhin ko ang kaligtasan mo, pangangalagaan kita sa abo't ng aking makakaya. Walang sino man ang makakakuha sayo mula sa akin, "alam kong pagod ka anak, maari ka ng pumunta sa iyong kwarto habang pipili ako at mag ha hire ng magiging personal bodyguard mo bukod sa iba pang bodyguard.
Napatango lang siya sa ama, may gusto pa sana siyang sabihin dito ngunit pinigilan niya ang sarili. at lumakad na siyang medyo tulala. Bago pa siya nakpasok sa kanyang kwarto ay nakita na siya ni Aling Loleng, mabilis siyang sinugod nito ng yakap. "salamat sa Diyos at ligtas ka". yumakap din siya dito ng mahigpit. Basta ang alam niya handa na siya sa lahat ng magaganap, bago siya bumalik ng mansyon pinag isipan niyang mabuti ito. nang oras ding iyon ay tumawag sa isang Agency ang "don upang humanap ng matinik na bodyguard.
*****************
Samantala nakabalik na ng Cavite si Marc, at kasalukuyan niyang pinag aaralan ang lugar ng bahay nina Nicole.. pinag aaralan din niya kung paano siya makakalapit kay Don William..
"Alexander, may Mission ka. mag apply kang personal bodyguard kay Miss Angelie Montenegro" utos ng nakataas kay Xander. "Kailangang malaman at malutas mo ang kasong issue sa kanya.
"WHATTTT? gulat na gulat si Alexander, bakit sa kanya ibibigay ang misyon?
"Ikaw ang naatasan sapagkat may ibang misyon si Marc na ni request niya. Natahimik si Xander, sigurado siya, wala siyang magagawa. "Paano ba niya hahawakan ang kaso gayong ang babaeng ito ang kanyang kinaiinisan.....
to be continued
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
AcciónProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...