"INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 11)
BY: **lancer**
"Yaya, bakit ka umiyak? curious na tanong ni Angelie kay yaya Loleng, Dahil sa tanong ni Angelie ay bumanat na naman ng iyak si Yaya Loleng
"WAaAaaAh! Angelie! u-uma-lis na ang ka-patid mo... sa hirap na hirap na tinig na sagot ni Yaya Loleng kay Angelie. napahinto sa pagsubo si Angelie, tama ba ang narinig niya? "Tumingin ng diretso si Angelie kay Yaya Loleng,
Matagal bago niya nakuhang magsalita.
"What do you mean yaya?" muling tanong niya dito..
"Di ba sayo nagpaalam ang kapatid mo
? medyo nalitong tanong ni yaya Loleng,
"Umalis na siya patungong Spain" kanina pang madaling araw... Pagsasalaysay ni yaya Loleng kay Angelie na medyo sumisinghot singhot dahil sa di mapigil na paglabas ng sipon sanhi ng sobrang pag iyak. Nabiglang napatayo si Angelie
"Damn! at tinuloy pa rin pala ng Daddy niya ang plano nito, medyo napaurong naman si Yaya Loleng ng makita ang galit sa mukha ni Angelie". mabilis itong naglakad kaya't napasunod naman si yaya Loleng sa alaga, halos mapaiyak naman si Angelie, bakit umalis ng di nagpaalam sa kanya ang kapatid... Hahanapin niya si Daddy Alfonso, di siya makapapayag..
"Anong oras umalis si Angela yaya?" baka abutan ko pa" nagmamadaling wika ni Angelie.
"Alas kwatro ang flight niya anak, kanina pa siya umalis maaaring nakalipad na ang sinasakyan niya sa mga oras na to". Napahinto sa paglalakad si Angelie..
Kung ganon di na niya mapipigil talaga ang pag alis ng kapatid.. Nanlalambot na napaupo si Angelie sa sofa, bigla siyang nawalan ng pag asa na mapigilan pa ang pag alis ng kapatid.
Matagal siya sa ganoong posisyon, habang nakatingin pa rin sa kanya si yaya Loleng.
Samantalang nanunuod naman ng tv si Daddy Alfonso, hindi siya umalis kahit paano ay nalulungkot din siya sa pag alis ng anak. Nang biglang mag flash report ang kanyang pinapanuod..
Natawag ang pasin niya sa flash report ni Clarise Fuentez. ayon sa balita nito isang eroplano ang bumagsak sa di pa malamang dahilan... ayon pa dito kaninang 4:am ang flight ng sasakyan patungong Spain, ngunit di pa nakakalayo ang eroplano ay bigla na lang itong nawala sa linya at bumagsak na lang sa tapat ng pacific ocean.. halos di pa malaman sa kasalukuyan kung may nakaligtas pa sa mga nakasakay. Dahil lahat ng natatagpuan ay patay na.
Napakuyom ang kamao ni Don Alfonso" napakuyom ang kamay ng matanda, sigurado siya ito ang sinakyan ni Angela sapagkat kinuha niya ang flight nos. ng anak bago niya inabot dito ang lahat ng papeles..
Ngunit di pa rin siya mapakali kaya't mabilis siyang tumawag sa inutusan niyang bumili ng ticket ni Angela upang alamin at siguraduhin kung ito nga ang sinakyan ng anak. Habang kausap niya sa kabilang linya ay siya namang dating ni Angelie..
"Daddy! tawag ni Angelie sa ama, at natawag na rin ang pansin nito sa kasalukuyang binabalita sa t.v. Nanlamig bigla ang buong katawan ni Angelie ng makita ang nag pa flash report sa t.v pati na ang nagaganap na pag rescue sa mga biktimang sakay ng eroplano.. "live ang balita kaya't kitang kita niya na nasa tubig ang isang eroplano.
"Anong ibig sabihin nito dad?" kinakabahang tanong ni Angelie sa ama. Binaba naman ni Don alfonso ang telepono. Matapos kausapin ang kabilang linya at masiguradong sinsakyan nga ni Angela ang bumagsak. base sa di pagkibo ng matanda ay nahulaan na ni Angelie kung tama ang hinala niya na sinasakyan nga ni Angela ang kasalukuyang nasa balita..
Di kinaya ng dalaga ang nakita kung kaya't bigla na lang itong nawalan ng malay, mabuti na lang at nasa likod pa rin niya si yaya Loleng kung kaya't nasalo siya nito sa pagbagsak....
to be continued....
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...