INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 23)

144 1 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 23)

**lancer**

Kanina pa sinusundan ni Aling Loleng si Angelie, daig pa niya ang imbestigador sa pagsunod dito. ayaw niyang maramdaman ng alaga na sinusundan niya ito. kaya't kitang kita niya ng lumabas ng kwarto ito at lumipat sa kwarto ni Angela. "baka na mi miss nito ang kapatid na bunso.

...

Ngunit kaninang kanina pa nakabantay sa labas si Aling Loleng pero di na lumabas ng kwarto si Angelie, nanatili ito sa loob ng Kwarto ni Angela. Kitang-kita din ni aling Loleng mula sa kanyang pinagkukublihan ang Personal Bodyguard ni Angelie na kumatok sa pinto ng kwarto nito,   Ngunit dahil sa walang nagbubukas nakita rin niya ng gamitan nito ng duplicate key ang pinto. ayaw naman niyang ituro ang alaga sapagkat akala niya ay babalik si Angelie sa kanyang room, ngunit halos isang oras na si Aling Loleng na naghihintay sa alaga ay di pa rin lumalabas ito sa Kwarto ni Angela.

Pinag-isipang mabuti ni Aling Loleng kung pupuntahan niya si Angelie, naghintay pa siya ng kalahating oras, ngunit inaantok na siya ay di pa rin ito lumalabas. Kaya't curious na sinilip ni Aling Loleng ang alaga sa kabilang kwarto. "huh? bakit dito siya natutulog? bulalas ni aling Loleng ng makitang payapang nakahiga sa kama ni Angela si Angelie, at halos

lahat ng paborito ni Angela ang ginamit nito.

Gigisingin na sana ni Aling Loleng si Angelie upang pabalikin sa kwarto nito, ngunit parang biglang may pagdududang pumasok sa kanyang isip. Mataman niyang pinagmamasdan si Angelie habang natutulog. Parang anak na ang turing niya sa dalaga, kaya't nag aalala siya sa kalagayan nito, pano kung makulong ito, hinaplos niya ang mukha ng dalaga, kung kelan nito kailangan ang ina saka naman umalis si Althea, kumislot ang dalaga ng sumayad ang mga kamay ni Aling Loleng sa mukha nito, akmang tatayo na siya para lumabas ng silid.

Dumilat naman si Angelie, kumurap ng dalawang beses at pabalikwas na bumangon. "yaya" gulat na bulalas nito. "pasensiya ka na anak! kung naistorbo ko ang tulog mo. biglang umilap ang mata ni Angelie, w-wala ho ba kayong kasama na n-nakakita sa akin dito? tanong nito sa nag aalalang tinig. napatitig si Aling Loleng kay Angelie,bakit ganito na lang ang pag aalala nito na may makakita sa kanya na nasa silid ni Angela? "Wala naman hija" malumanay na sabi ni Aling Loleng habang titig na titig kay Angelie, "bakit hija? may pinangangambahan ka ba? nanlaki ang mga mata ni Angelie kitang kita ang pagkagulat at pamumutla sa kanyang mukha, na bagay na lalong pinagtaka ni Yaya Loleng. "may tinatago ka ba sa amin Angelie? di napigilang tanong ni Yaya Loleng.

Samantala, napagod na si Inigo sa kahahanap kay Angelie, di pa niya kabisado ang kabahayan kaya't di niya talaga kung saan ito nagsuot. binigyan siya ng sariling kwarto ni Don Alfonso, hiwalay siya sa iba pang Bodyguard na sa labas ng Bahay ang pinaka Quarter palibhasa personal Bodyguard siya kaya't kelangan na sa ano mang oras ay malapit siya kay Angelie. gusto na niyang pumunta sa kanyang sariling kwarto, ngunit kelangan muna niyang makitang tulog si Angelie.

Iginala ni Inigo ang paningin sa malaking bahay ng mga montenegro, ito na yata ang pinaka malaking bahay sa bahagi ng Cavite. may tatlong palapag ito.. sa ibaba ay tatlo ang silid, Kay Angelie ang isa, at Ang isa ayon kay

Don Alfonso ay sa kapatid nitong bunso na Yumao, di pa niya nakita kahit larawan man lang ng kapatid nito.

Lahat ng anggulo at may kaugnayan kay Angelie ay kailangang pag aralan niyang mabuti. at ang pangatlong kwarto ay sa kanya nakalaan ngayon. ang ikalawang palapag ay may sampung malalaking silid na napapaikutan ng veranda, sa ikatlong palapag naman ay may isang silid para kay don Alfonso. mayroon din itong maluwag na balkonahe, pinaghalong adobe, bricks at narra na kahoy. may mga modernong amenities na makikita dito. kelangan niyang pag aralang mabuti ang paligid at loob ng bahay. sigurado siyang madadalas na pagtataguan siya ni Angelie, lalo na't magiging buntot siya nito ano mang oras. muling tumayo si Inigo, kelangan niyang ipagpatuloy ang paghahanap kay Angelie, napatitig siya sa pinto ng kalapit na kwarto ni Angelie, nakita niyang di ito gaanong nakalapat. kaya't dahan dahang lumapit si Inigo upang alamin kung may tao sa loob..

to be continued...

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon