INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 24)
**LANCER**
"May tinatago ka ba sa amin Angelie? di napigilang tanong ni Yaya Loleng.. Sunod sunod na iling ang sinagot ni Angelie, "Yaya, k-kasi naman ayokong makasama yung arogant Bodyguard na si Mr. Inigo Javier" Bakit kasi kelangan ko pa ng Bodyguard, Yaya" hindi po ako sanay na lahat ng kilos ko binabantayan. Lalo na ng taong di ko kilala". sunod sunod na sabi ni Angelie
"Pero Gelie kailangan mo yan" lalo na ngayon, pinaghahanap ka ng batas" nakakaunawang tugon ni Yaya loleng sa alaga. "dito po ako natulog dahil ayokong makasama yang bodyguard na yan. He's very arrogant and definitely rude yaya! baka lalo lang akong mapahamak sa taong yan".
Naiintindihan ni aling Loleng ang alaga, sanay nga naman itong malaya at walang nakabantay sa bawat kilos nito ngunit ngayon ay kailangan na nitong masanay, bagay na mahirap nitong matanggap. "Bumalik k na sa room mo Angelie, baka kung ano pang isipin ng Daddy mo kapag nalamang tinataguan mo ang bodyguard mo. Tumango naman si Angelie, gusto sana niyang dito na siya magpalipas ng gabi pero ayaw naman niyang suwayin si yaya Loleng. Tumayo na siya at inayos ang sarili upang bumalik sa kanyang silid.
Nakalapit naman si Inigo sa pinto, medyo nakaawang ang pinto kung kaya't malaya niyang nakita at narinig sina yaya Loleng, palibhasa galit si Angelie kaya medyo malakas ang boses nito. Sinasabi na nga ba niya, pinagtataguan siya ng dalaga, kakatok na sana siya ngunit nakita niyang tumayo si Angelie, nakasuot na ito ng pantulog at mukhang walang panloob base sa na aninag niyang suot nito, napalunok si Inigo, biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya, ilang saglit din siyang napasandal sa pader.
Parang napahiyang mabilis siyang lumayo ng pinto, pupunta na lang siya sa kanyang kwarto bukas na niya kakausapin si Angelie parang di niya kayang kausapin ang dalaga sa ngayon, biglang pinagpawisan si Inigo kahit aircon ang paligid, parang nanunuyo ang kanyang lalamunan sa di sinasadyang pagkakakita kay Angelie.
***********************************
Samantala, kanina pa nakakubli Si Marc alyas kazuhiko sa gilid ng pader habang nanunuod sa ginagawa ni Don william at ng kausap nito. Palihim niyang sinundan ito kanina ng malaman niyang may lakad ang Don sa dis oras ng gabi, hanggang sa makarating ito sa isang abandonadong building sa cavite.
Nakita niya ng may iabot na teddybear ang Don sa kausap, kasabay ng pag aabot ng lalaki ng isang maliit na bag, na nasilip pa niya ng buksan nito na puno ng pera. Maaring illegal ang transaction ng dalawa pero di siya maaaring lumabas sapagkat alam niyang baka mapahamak siya, armado ang magkabilang panig. kelangan pa niyang subaybayan ang kilos ng don, palihim siyang nag video sa nangyayari. naisip niyang maaaring magamit niya ito pag dating ng panahon. mamaya na lang niya i ttext si Angelie para sabihin dito ang nasaksihan niya ngayong gabi.
Maya maya lang ay nakita na niyang paalis na ang dalawang grupo, pinaghusay pa ni Marc alyas Kazuhiko ang pagkukubli, ayaw niyang makalikha ng ingay sapagkat delikado ang lagay niya lalo na't nag iisa lang siya. ilang sandali pa ay nakalayo na ang magkabilang panig, nagtagal pa siya ng halos kalahating oras sa pinagkukublihan bago umikot sa kabila at sumakay sa kanyang Motor.
**************************************
Kinabukasan, maagang umalis ng bahay si Don Alfonso, makikipagkita siya kay Atty. Chanlee Ladaga Hilvano dahil ayon dito ay may mga mahalaga itong sasabihin sa kanya, at bukod sa kaso ng pagkaka hold ng shipping ay ikukunsulta din niya ang dating natanggap na warrant of arrest na para kay Angelie.
Kelangan niyang ikonsulta sa kanyang matinik na Abogado kung ano ang nararapat gawin habang wala pang nakakaalam na nasa kanya na ulet ang anak. di siya makapapayag na makulong ang kanyang anak, maubos man ang kanyang yaman, kung siya ang masusunod sana nais niyang itago muna si Angelie sa malayong lugar. gising na si Inigo bago siya umalis, nakita pa niyang nagkakape ito habang tulog pa ang kanyang anak na si Angelie.
to be continued....
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...