INNOSCENT OR CRIMINAL PART 3
**LANCER**
Pagkatapos sunduin ng mga kaibigan si Angelie, diretso sila sa napagkasunduang puntahan. Libangan na nila ang target shooting, madalas dito sila natatagpuan anim silang magkakaibigan.
Si Nicole ang medyo nahihirapan siyang pakisamahan sa lahat. May gusto kasi ito sa bf niyang si Lawrence. kaya't medyo malayo lang siya ng konti dinidikitan ni Nicole si Lawrence. business partner ng ama niyang si don Alfonso ang mga magulang ni Nicole. kung kaya't di niya ito maiwasan. Madalas din itong pumunta sa bahay nila lalo na kapag may mga okasyon, naunang nagkagusto ito kay Lawrence ngunit siya ang niligawan nito.
Kaya naman ng sagutin niya si Lawrence nagkaroon ng pader sa pagitan nila ni Nicole, kahit na sabihing sila'y magkaibigan. Pero dahil sa simula ay magkakaibigan na ang grupo nila, kung kaya't nagpatuloy ang pagsasama nila ni Nicole sa isang grupo."lamang" kapag nakakakita ito ng pagkakataon na kausapin si Lawrence ay gumagawa ito ng paraan na sadya namang kinaiinis niya. pag dating sa target shooting nagsimula na silang bumaril na magkakaibigan. unang humawak ng baril si "Jaymie Montero" isa sa kaibigan nila.
Sa dalas nilang mag practice sa lugar na to ay kilala na ang kanilang grupo, at pinangingilagan na rin. Sadyang may kanya-kanyang angking ganda ang magkakaibigan.
Bukod tanging si Jomar at Lawrence lang ang lalaki sa grupo.
"ikaw naman," matabang na wika ni Nicole kay angelie ng manawa na siyang umasinta sa pag baril. Nakangiti namang tumayo si Angelie at sinimulan na ang pagbaril. Sanay na sanay na siyang humawak. Halos si Lawrence din ang nag turo sa kanya kung paano gumamit nito.
Kapag ganito ang kanilang ginagawa madalas din silang nagpupustahan at nagpapagalingan sa pag asinta.Habang ang grupo nila ay nagkakatuwaan, tahimik namang nsa kabilang panig sina Alexander Pascual at Marc Sederio na kasalukuyan din silang nag eensayo sa pag baril. Ngayon lang sila nagawi sa lugar na yon, madalas kasi sa agency ang practice nila sa target shooting. Isang detective agent ang magkaibigan, lihim na lihim ang kanilang trabaho, kapag nasa public place sila mga pangkaraniwang mamayan lang ang kanilang kilos. Ngunit di na mabilang ang award ng magkaibigan sa mga na solve na kaso.
Napasulyap si Alexander sa babaeng may tangan ng baril, maganda ito at mukhang mayaman, di niya maiwasang titigan ang babae. sa tingin niya ay isang modelo ito maaari dahil pamilyar sa kanya ang mukha. Humanga din siya sa husay bumaril ng babae. Tumingin ito sa gawi nila at nakita niya ang pagkunot ng noo nito.
Naiinis naman si Angelie sa nakitang pagtitig ng lalaki sa kanya .Kung kaya't ng tumingin siya dito ay kumunot ang noo niya, Ngunit sadyang nakatitig pa rin ito sa kanya, kaya't sa inis niya ay walang sabi sabi na nilapitan niya ito at sinita.
"do I know you, why are you staring at me? mataray na tanong ni Angelie kay Alexander. Nabigla naman si Alexander kung kaya't di siya nakasagot. Napatitig na pala siya dito ng di sinasadya.
Tinutukan ito ni Angelie ng baril. kaya't napatayo si Alexander.
Matapos siyang tutukan ng ilang segundo ay binaba nito ang baril at walang sabi sabing tumalikod ito sa kanya at bumalik sa mga kasama.
Bumangon naman ang inis ni Alexander sa babaeng nantutok sa kanya ng baril. "whew! sa buong buhay niya at tagal sa trabaho ngayon lang niya naranasang matutukan ng baril dahil sa pagkakatulala sa pagtitig.
Marahan namang tinapik ni Marc ang kaibigan,
"Ok ka lang" pabulong na tanong ni Mark. Matagal bago napatango si Alexander. Lahat na yata ng klaseng inis ay naramdaman niya sa mayabang na babae kanina.
" Let's go
" yaya na lang ni Alexander sa kaibigan...
to be continued..
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...