INNOSCENT OR CRIMINAL
PART 42
**lancer**
"Nagsisimula ng kumalat ang dilim, lalo ng natakot si Angela. Ngunit pinipilit niya ang sarili na magpakatatag, kung sanay nakinig lang siya kay Inigo na huwag umalis ng bahay, di sanay nsa ligtas siyang kalagayan. Napapikit si Angela ng maalala si Inigo, may kung anong banyaga siyang nararamdaman sa kaibuturan ng kanyang puso. Napakagat labi si Angela, na...alala niya ang halik na namagitan sa kanila ni Inigo. Unti-unting nagbabalik ang kanyang naramdaman kanina. Napasinghap si Angela, bakit ba sa ganitong kalagayan ay sumisingit sa kanyang alaala ang naganap kanina. "ano ba itong nararamdaman niya...
Samantala, halos di makagalaw si Inigo sa kanyang kinalalagyan, malapit lang siya sa kinatatayuan matangkad na lalaki na nagbabantay sa labas ng malaking bahay. nakita pa niya ng Lumabas si Nicole mula rito. maya maya lang ay may lalaking mataba na nagabot ng sigarilyo sa lalaking matangkad. Tinandaan ni Inigo ang mga mukha ng nakikita niya mula sa kanyang pwesto. humahanap siya ng timing upang makapasok sa loob ngunit malabo yatang mangyari sapagkat di umaalis angmga bantay. kundangan kasi at nakalimutan niyang bitbitin ang kanyang baril sa pagmamadaling mahabol si Angela.
Kanina pa nag aalala si Angelie sa kapatid, wala pa ito pati ang kanyang daddy. paikot ikot siya sa sala. halos di siya mapakali, parang may kung anong kaba siyang nararamdaman. Ayaw naman niyang lumabas dahil ibayong pag iingat ang kanyang ginagawa. kanina pa rin siya tawag ng tawag kay Angela, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. habang si Inigo naman ay mukhang nakapatay o baka na lowbat ang cp. "maupo ka nga Hija, puna ni Nanay Loleng sa alaga na halos pabalik balik ang paglalakad,"di ka ba napapagod ha? "yaya! kinakabahan ako, I really don'tknow why! di pa rin ito mapakali.
'Ipanatag mo nga ang sarili mo Anak, pang aalo ni aling loleng kahit na sa isip ay nahahawa na rin siya kay Angelie, kinakabahan na rin siya sa ginagawi ng dalaga. at bakitnga naman wala pa si Angela sa ganitong oras, kilala niya si Angela hindi nito ugaling magpagabi sa daan.
"Napalingon si Angelie sa ingay ng mga dumating, at nakita niya ang kanyang daddy pati na mga nakabuntot na bodyguard dito, kasama pati si Atty. Chan lee Ladaga Hilvano. "Where have you been daddy? salubong ni Angelie dito at humalik siya sa pisngi ng ama. "may inasikaso lang ako" pilit ang ngiti ng matanda sa kanya na nahalata naman kaagad ni Angelie kaya't ang sasabihin niya sanang pag aalala sa kapatid ay di niya naituloy sabihin. baka kasi ginabi lang talaga ang kapatid. "masyadolang siguro siyang napaparanoid sa mga nakaraang nangyari sa kanila.
Umupo naman sa sala sina Don Alfonso pati na si Atty. kaya't napilitan ng umalis si Angelie, ayaw niyang makisali sa usapan, mas nangingibabaw ang pag aalala niya sa kapatid. babalik na lang siya sa kanyang kwarto, sumunod naman si Aling Loleng sa alaga, di na rin siya mapakali sa pag aalala ngunit ayaw niyang magpahalata. "Yaya! hayaan nyo muna akong mapag isa" baling ni Angelie kay aling Loleng ng makita niyang sumusunod sa kanya ito. napilitan namang tumango ang matanda.
"kalat na ang dilim, kaya't nagawang lumayo muna ni Inigo sa malaking bahay upang maipaalam kay Angelie ang kalagayan ng kapatid. mabilis niyang binuksan ang kanyang cp. agad siyang nag text dito. matapos na masiguradong pumasok ang message niya ay ini off ulit ang cp at maingat na bumalik sa kanyang pwesto upang mapag aralan kung paano siya makakapasok sa loob.
"Sa pag tunog ng cp ni Angelie ay agad siyang napabalikwas sa pagkakahiga. mabilis niyang tiningnan ang laman ng message ng text. Nawala ang antok niya ng mabasa ang Mensahe ng text. may dumukot daw kay Angela, huwag daw siyang mag alala at gagawin ni Inigo ang lahat makuha lang ang kapatid. mabilis na nag dial si Angelie upang alamin kung nasaan si Inigo, ngunit operator na ang sumasagot sa kanya, ilang beses niyang inulit ang pag dial. ngunit paulit ulit ding operator ang nasagot. nanghihinag naibagsak ni Angelie ang cp. "sino kaya ang dumukot sa kapatid niya at ano ang motibo? ipapaalam ba niya sa kanyang Daddy ang naganap? maya maya lang ay tumayo si Angelie.
to be continued...
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...