INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 18)

149 1 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 18)

**LANCER**

Nalito naman ang tatlong nakamasid kay Angelie ng bigla siyang umiyak. "kailangan muna niya ng pahinga" wika ni Dr. Jake, tumango naman sina Marc at lumabas na sila ng silid maliban kay shiela na naiwan pa upang bantayan si Angelie..

...

Tumingin si Angelie kay shiela, nawala na ang kanyang kapatid ngayon naman ay di niya alam kung nakaligtas si lawrence sa tama ng baril. "don't lose hope hija" ano mang nangyari o naganap sayo ay kailangan mong kalimutan pansamantala. nakakaunawang usal ni Shiela sa dalagang modelo. "pwede bang maiwan muna akong mag isa? himig pakiusap ni Angelie kay Shiela. tumango naman si Shiela at napilitang iwan ang dalaga. "di ko ilo lock ang pinto, kapag may kailangan ka tumawag ka lang" bilin ni Shiela sa kanya bago,lumabas.

kinabukasan, inutusan ni Marc si Shiela bumili ng makakain dhil naubusan sila ng stock. Habang bumibili si shiela ay napansin niya ang isang Dyaryo, laman nito ang mukha ni Angelie Montenegro. "Diyos ko!" gimbal na wika ni Shiela, nakapatay pala ang babaeng tinulungan nila ayon sa balita at boyfriend pa nito? mabilis na binayaran ni Shiela ang Dyaryo at humahangos na umuwe si Shiela kahit di pa kumpleto ang nabili niya.

kelangan niyang ipakita kay Marc ang balita. pag dating sa resthouse sa gate pa lang ay sumisigaw na si Shiela, "Marc"... Marc"... Marc... sunod sunod na tawag nito, napatakbo naman si Marc, nasundan na lang naman ito ng tingin ni Dr. Jake. Ano po yon Ate? Nag aalalang tanong ni Marc, "tingnan mo ito,dali" sabay abot sa Dyaryong hawak niya.

Matamang binasa ni Marc ang nasa pahayagan" pagkatapos basahin ay saglit lang siyang natulala, maya maya pa ay pinunit niya ang Dyaryo, "huwag mo munang sabihin kay Angelie ang natuklasan natin" wika ni Marc, maaaring kailangan niya ng tulong natin, hayaan muna nating mabawi niya ang kanyang lakas.

"napatango na lang si Shiela, "kung yan ang desisyon mo Marc di kita panghihimasukan" nakakaunawang sagot na lang ni Shiela at pumasok na sila sa loob.

agpasok nila sa loob ay tumayo naman si Dr.jake upang magpaalam na. "tuloy na muna ako, maayos na ang kalagayan niya" wika nito.

Tinapik naman ni Marc ito sa balikat, "cge bro, ingat na lang sa pagda drive. sana'y sikreto lang natin ito" wika pa ni Marc. ngumiti naman si Jake, no problem bro" para ano pa't naging magkaibigan tayo. tawagan mo lang ako kung magkakaroon ka ulet ng problema at tinapik na siya nito sa balikat bago tumalikod.

Makalipas pa ang ilang araw, naging walang imik si Angelie. at kung minsan naman ay bigla na lang itong iiyak. Hanggang isang araw ay maabutan ito ni Marc na nakaupo sa balkonahe habang nakatanaw sa bulkan. lumapit siya dito, "mabuti naman naisipan mong magpahangin dito. bati ni Marc.

Tumingin si Angelie sa kanya at matamlay na ngumiti, tahimik lang itong nakamasid sa bulkan, maya- maya pa ay nagsalita ito. "maaari mo ba akong tulungan? umupo si Marc sa tabi ni Angelie." anong tulong? basta makakaya ko sagot ni Marc. "pwede bang pumunta ka ng Cavite? upang bantayan ang kilos ni Nicole? at nagsimula na itong magkwento kay Marc ng naganap ng araw na matagpuan siya nito.

Bumuntung hininga si Marc' bago nagsalita, 'alam mo bang Wanted ka na? dahil namatay ang kasintahan mo? "tigagal sa narinig si Angelie, at agad na umagos ang masaganang luha, di siya iyakin ngunit ng mga nagdaang araw ay natuto na siyang umiyak. k

"Kelangan mong tatagan ang loob mo", pang aalo ni marc sa kanya. "anong gagawin ko? biglang naitanong ni Angelie kay Marc. "dito ka lang muna" ako na lang ang pupunta ng Cavite, magpapanggap akong businessman o kahit na ano upang makalapit ako kina Nicole, wika ni Marc sa kanya. napatitig si Angelie kay Marc....

to be continued....

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon