INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 37)
**lancer**
... "Marc, this is my twin sister "Angela", pakilala ni Angelie sa kapatid. Inabot naman kaagad ni Marc ang kamay ni Angela. "Ikaw yung nsa lumapit sa akin sa presinto di ba? maagap na tanong ni Angela kay Marc. "nice to meet you Miss Montenegro. "Tama ka ako nga yon" magalang na sagot ni Marc sa tanong ni Angela. Taka namang nagpalipat lipat ang tingin ni Angela sa magkatabing Inigo at Marc. Magkakilala kayo? Tumango naman si Inigo, Magkaibigan kami. Ate si Inigo ang bodyguard ko, pakilala naman ni Angela sa lalaking nasa harap nila. tumango lang naman si Angelie. at tipid lang na nginitian si Inigo.
"Magpapaalam na ako, sabi naman ni Marc ng makitang ok na ang magkapatid. kailangan na rin niya kasing makabalik sa trabaho bago pa makahalata sina Nicole. at hinatid na ito ni Angelie sa hanggang sa sasakyan. kumaway pa si Marc bago tuluyang umalis. Magkausap naman sina Inigo at Angela. "Hindi pala ikaw ang tunay na Angelie, bakit nagpanggap ka bilang Angelie? Malumanay na tanong ni Inigo kay Angela. "Mind your own business. nakataas ang kilay ni Angela kay Inigo. "So! hindi pala ikaw ang dapat na may bodyguard. pang uuyam ni Inigo kay Angela. Tumawa ng mapakla ang dalaga, "starting today di na ako ang babantayan mo.
"Pagpasok ni Angelie ay narinig niya ang usapan ng dalawa, kaya't lumapit siya sa mga ito. hindi na niya natandaan si Inigo maayos naman ang pakikitungo niya dito. "magkasundo na lang kayong dalawa" saad nito kina Inigo at Angela, "walang mangyayari kung patuloy kayong di magkakaintindihan. At nagusap na silang tatlo kung ano ang nararapat gawin sa kaso ni Angelie. "Malakas ang ebidensya laban sayo" hawak ng mga pulis ang baril mo na ankuha sa crime scene, pahayag ni Inigo sa dalawa. Umirap lang si Angelie, I don't care, hindi ako natatakot, sabi nito na buo ang loob. napailing naman si Inigo, mukhang mas matigas ang ulo nito compare kay Angela, ngayon niya napaghahambing ang dalawang magkapatid. nakikinig lang naman si Angela sa usapan ng dalawa. kahit na sa isip niya ay nangangamba siya sa maaaring kahinatnan ng kaso ng ate niya.
Ilang sandali pa at nakabalik na si Kazuhiko sa trabaho nila ni Nicole alam niyang pagabi na kaya't di na sana siya babalik pero naisip niyang magpakita muna dito baka sakaling anduon pa ang dalaga. pagdating niya sa parking ay lumakad na si Kazuhiko. Napahinto siya sa paglalakad ng makita niya si nicole na may kausap na tatlong lalaki, medyo malayo sa pwesto niya. kaya't di niya maintindihan ang pinag uusapan. kung magpapatuloy naman siya sa paglakad ay mapapansin kaagad siya ng apat sapagkat walang ibang daan na pwedeng pagtaguan.
Nanatiling nakasilip si kasuhiko sa pader na kanyang pinagkukublihan, pinagala niya ang paningin kung may paraan para makalapit kina Nicole, di niya kilala ang mga kausap ng dalaga. nakita pa niya ang pagbunot ni Nicole ng isang Sobre na makapal sa bag. mas lalo siyang na curious ng ilabas ng lalaking kausap ni Nicole ang laman ng sobre.
to be continued...
BINABASA MO ANG
INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETED
ActionProperty of PINOY EXPERIENCE page.... story about twin sister... who loved each other...