INNOSCENT OR CRIMINAL (PART 44)

111 1 0
                                    

INNOSCENT OR CRIMINAL

PART 44

**lancer**

... Palihim na sinundan ni Inigo ang lalaking nakita niya na lumiko sa bandang kaliwa, patago tago siya sa bawat haligi na nadadaanan. nakita niyang tumayo ang lalaki sa isang pinto, ng marinig ang malalakas na pagsigaw. At galit itong sumigaw sa pinto, "Kapag di ka tumigil dyan, di ka na aabutin ng bukas. banta nito at tatlong malalakas na hampas sa pinto ang ginawa nito bago muling umalis. Maingat na nagtago si Inigo. makalipas ang ilang sandali ay binuksan niya ang cp niya at nag nilagay niya sa silent ang settings, mabilis siyang nag text kay Victor Arsenal upang humingi ng tulong.

Nanginig naman si Angela sa narinig na pagbabanta sa pinto, pilit niyang pinigil ang sarili sa paghi hysterical kahit na iyon talaga ang kanyang nararamdaman. Nagdasal na lang siya ng nagdasal. dahil sa takot na totohanin ang banta sa kanya.

Palihim na lumapit si Inigo sa pinto ng kinalalagyan ni Angela, at marahan niyang pinihit, ngunit naka lock ito. lumayo muna si Inigo, hanggang sa naka nakatanggap na siya ng mensahe bilang rescue sa kanila. Naghanap ng magagamit si Inigo hanggang matanawan niya ang isang bakal na maaari niyang gamitin sa pamamalo. matapos itong makuha ay pumunta siya sa harapan kung saan nagbabantay ang lalaking payat na matangkad. nadaanan pa niya ang lalakeng mataba na nagkakape habang kausap pa nito ang kanina lang ay nagbanta kay Angela.

Parang pusa sa ingat kumilos si Inigo, ng makalapit sa lalaking nasa harapan ay ubod lakas niyang hinataw ito ng hawak na bakal. matapos bumagsak ang lalake ay kaagad niyang hinanap ang susi dito. Ngunit wala siyang nakapa kahit isang susi mula dito. Nakita na niyang nagsisimula ng pumasok sa loob ang mga rescue, kaya't hinayaan niyang mauna ang mga ito na pasukin ang loob ng bahay. habang ang walang malay na lalaki ay binitbit na ng ibang pulis. Lumapit sa kanya si Victor Arsenal na Personal na palang sumama ito lang ang tanging nakakakilala sa kanya at agad siyang kinamayan.

Agad namang siyang pumasok sa loob kasunod ito at nakita niyang nahuli na ang dalawa pang lalaki. kinapkapan din niya ang mga ito upang tingnan kung nandito ang susi. wala din nakuha si Inigo mula sa mga ito. agad namang nilabas ng mga pulis ang mga lalake. bumalik si Inigo sa bodegang kinalalagyan ni Angela at sinimulang distrungkahin ang pinto, katulong ang dalawa pang pulis.

Halos Hindi humihinga si Angela, ng marinig ang malalakas na hampas sa pinto ng Bodega, madilim wala siyang makita. at higit sa lahat nanginginig na ang katawan niya sa gutom, pakiramdam niya ay papanawan na siya ng ulirat. "Maawa po kayo sa akin, kausap ni Angela sa mga taong nagbukas ng kanyang kinalalagyan. Di siya makaalis sa kanyang pwesto sanhi ng pagkakatali ng kanyang kamay at paa, halos paos na rin ang kanyang boses sanhi ng malalakas na pagsigaw niya dahil sa takot na nararamdaman. Ipinikit ni Angela ang mata ng bumaha ang liwanag sa paligid.

Awa naman ang naramdaman ni Inigo ng makita ang kalagayan ni Angela, kaagad niya itong niyakap pagkakita niya. Nagulat naman si Angela ng may yumakap sa kanya kaya agad siyang nagdilat ng mata at nagulat siya ng makita si Inigo, napaiyak sa tuwa si Angela, "Thank you! at dumating ka. agad na kinalasan ni Inigo ng tali si Angela. Matapos mawala ang tali ang muling niyakap ito ni Inigo, "Ok na! ok na! pang aalo sa kanya ni Inigo.

"Alexander! tayo na, tawag sa kanya ni Victor Arsenal, Narinig ni Angela ang tawag dito kaya't nagtaka siya sa pangalang tinawag kay Inigo, nabasa naman ni Inigo ang pagtataka sa mga mata ni Angela. "saka na ako mage explain", Halika na! at inalalayan niya sa pagtayo ang dalaga.

Sa bahay ni Victor Arsenal tumuloy ang dalawa, Agad nilang pinakain si Angela, halos Madaling araw na rin kasi ng kanilang ma rescue ito mula sa mga dumukot dito. hindi na muna nila pinauwe si Angela, hinayaan nilang makapagpahinga muna ang dalaga kahit ilang oras dahil sa pagod at gutom nito.

to be continued...

INNOSCENT OR CRIMINAL (BY: LANCER) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon