Hello earthling! UD na naman ako. hehehehehe
Subscribe and leave comment
--------------------------
Nathalie's POV:
Napatingin ako kay Julian habang bumabyahe kami papunta sa bahay naming. Ilang oras na kaming walang kibuan. Hindi niya rin ako pinapansin.
Napabuntong hininga ako dahil alam ko naman na ako ang may kasalanan kung bakit nakaganyan siya. Hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang naman ipaintindi sa kanya na hindi pa to ang tamang panahon na ipaalam ang status namin.
"Nandito na tayo." Napatingin ako sa kanya nang nagsalita siya.
Parang umiiwas siya sakin. Tumingin siya sakin nang ilang Segundo at bumaba sa sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod. Siya na ang nagdala ng mga gamit namin sa loob ng bahay.
Ilang araw din kaming masaya at paguwi naming, ito ang nangyari.
Pinapanood ko siyang pumunta sa kwarto naming at nilagay ang mga gamit.
Lumabas siya ng kwarto at tumingin sakin. Akala ko mag-uusap na kami, pero mali ako.
"Punta muna ako kaila Dan." Sabi niya at nilampasan ako.
Parang ma iiyak ako sa ginawa niya. Hindi niya ako pinansin.
Hindi ko na nakaya at napaiyak na lamang ako.
Hinabol ko sya at niyakap siya mula sa likod.
"Sorry, Julian. Sorry kung nasaktan kita, pero gusto ko lang maintindihan mo nab aka meron mangyari satin. I'm scared." Hinigpitan ko pa ang pagkayakap sa kanya.
Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.
"Nathalie, ang sa akin lang ay gusto kong malaman na nila ang totoo. Hindi ko na kayang itago ang tungkol satin. Ipanapamukha mo sakin na hindi ko kayang protektahan ka at parang ikinahihiya mo ako sa mga tao."
Umiiyak na ako habang hinigpitan ang pagkayakap sa kanya. Hindi ko naman alam na iyon ang iniisip niya.
"Sorry. I'm too selfish. Iniisip ko lang ang sarili ko."
"Mahal mo ba talaga ako, Nathalie?" Tanong niya sakin.
Nagulat ako sa tanong niya.
"Oo naman. Mahal na mahal kita, Julian." Umiiyak pa rin ako habang niyayakap siya.
I feel like if I let him go, hindi ko na siya mayayakap muli. I'm scared to think about it.
"J-Julian..."
Humarap siya sakin habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Sssshhhh...don't cry now, baby." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.
"Alam ko na mahal mo ako. Pero ang hindi ko lang gusto ay you don't trust me. Parang nagdadalawang isip ka pa."
Umiiyak pa rin ako habang nakatingin sa kanya. Pinahidan niya ang mga luhan ko ng kamay niya.
"I trust you, Julian. I just don't trust people around us. I'm scared. What if they will push us away to each other. Hindi ko yun kaya." Sabi ko sa kanya.
"Hindi yun mangyayari dahil mahal natin ang isa't isa. Please Nathalie, just trust me for once."
Alam ko na talo ang sa argument namin. Dapat ko siya paniwalaan dahil mahal ko siya.
Nakatingin lang ako sa kanya.
He always let me decide everything, but I know He has also his own decision.
"O-okay." Sabi ko at niyakap siya.
Mahinang napatawa siya at sinuklay ang buhok ko.
"Tumahan ka na. Sige ka, you will turn ugly."
"you're bad." Sabi ko at hinampas ang balikat niya habang nakanguso.
"Ang cute mo kapag nagagalit ka." Napatawa siya at hinalikan ako, peck lang naman.
Napa-nguso na lang ako at hinampas ang balikat niya.
"Oy love birds! Ang init ng panahon pero nandito kayo sa labas naghaharutan."
Napatingin naman kami sa harap naming.
Si Jessica ang nagsalita habang si Dan naman ay nasa likoran niya na merong hawak hawak na paperbag.
"PDA pa more, people." Sabi ni Dan at kumaway samin.
"Gawin niyo rin ang pinanggagawa namin. Para hindi kayo nangingisturbo." Hinila ako palapit ni Julian.
"Hindi pa ba enough sa inyo ang one week sa Korea? Gusto niyo bang extend pa natin ng kunti?" Sabi ni Dan.
"Bitter lang kayong dalawa. PDA rin kayo para hindi kayo ma-OP samin."
Namiss ko rin ang dalawang to. Obviously, naging close na sila sa isa't isa.
"We're not-..."
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Jessica. Denial na naman ang sasabihin niya.
"I miss you, Jess." Ngumiti ako at niyakap siya.
"Kamusta naman ang best friend? Pinagod ka ba ng asawa mo?"
Napa-ubo naman si Julian sa sinabi ni Jessica at ako naman napatahimik.
"Oh..." Tinignan kami ni Dan habang malapad ang ngiti.
"Naka-Jackpot ka, bro. AW!"
Hindi ko nga alam kung panu nakalapit si Julian kay Dan. Nakita ko na lang na hinihead lock na ni Julian si Dan.
"Tumahimik ka nga Dan."
Napatingin naman ako kay Jessica na nakangiti na siya sakin. Gusto ko ng makaalis dito. Nakakahiya.
"We so need to talk." Sabi niya.
Patay, nakakahiya. Dapat kami lang ni Julian ang nakakaalam. Bakit ang galing nilang manghula?
Napatingin naman ako kay Julian na ngayon ay tinutukso na ni Dan.
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...