Hello Korea!!!

5.3K 157 5
                                        

Wow ha!!! Happy 50K reads satin!!!!

Thank you sa lahat na nagsusupport ng story ko. Mahal ko kayo. *kaway kaway like Sandara Park*

--------------------------------

~Nathalie~ 

"Wifey, nandito na tayo." 

Napadilat ako at nakita ko si Julian na nakangiti sakin. Nakatulog pala ako. 

"Ay sorry, baka nabigatan ka na ng ulo ko. Ilang oras naman ako nakatulog." Sabi ko at inayos ang upo ko. 

"Walang problema, ikaw pa wifey. Dapat komportable ka sakin." Ngumiti pa siya at hinalikan ang nook o. 

"Tara na." Tumayo siya at kinuha ang bag naming sa itaas. 

Tumango ako at sumunod sa kanya palabras ng areplano. 

"Wow...." Nanglibot ang mga paningin ko. Maraming tao. 

Welcome to Korea! 

Ngumiti ako. 

"you like it here, wifey?" Tanong sakin ni Julian. 

"Oo naman, ang ganda dito. Pero dalawang araw lang naman tayo dito at uuwi na." Malungkot na sabi ko. 

Naglalakad kami papunta sa baggage counter para kunin ang ibang bagahe naming. 

"Huwag ka ng malungkot, meron pa naman tayong oras para maglibot." Sabi niya. 

Nakuha niya na pala ang mga bagahe namin. Lumabas na kami sa departure area. Merong lalaki na may hawak na bondpaper na may pangalan namin. Not our name...our last name. 

"Mr. and Mrs. Alcantara" 

Napataas ang kilay ko sa nabasa ko. Akala ko ba we're going to attend a conference para sa school naming. Bakit Mr. and mrs., dapat name ng school namin. 

Napatingin ako kay Julian na nagiiwas ng tingin sakin. Deri-diritso siyang lumapit sa lalaking iyon na kasunod ako. 

"Mr. Alcantara?" Sabi ng lalaki. 

"Yes." Tumango si Julian. 

"Welcome, I'm Mr. Kim and I'm going to be your driver." Nag-bow siya samin. 

Kinuha niya ang ibang bagahe naming at sumunod na kami sa kanya. 

"Wow ha, ang yaman ng school niyo ha. VIP ang peg natin dito." Bulong ko kay Julian. 

"Ha? Ah eh...oo nga." Tumawa pa siya. 

Napakunot ang noo ko sa reaksyon niya. Ano ba ang nakakatawa ssa sinabi ko. Weird din itong asawa ko. 

Tahimik lang kami sa kotse. Ang tahimik ni Julian at saka iniiwasan niya ang mga tingin ko. I smell fishy sa mga reaksyon niya ngayon. 

Nang nakarating na kami sa hotel ay pinabayaan ko na lang si Julian mag-check in. Tumingin-tingin muna ako sa hotel. Ang laki at parang ang mahal dito ha. 

Mayaman kami pero hindi pa ko nag-sistay sa isang hotel na katulad nito. Mas gusto nina mama na simpleng pamumuhay ko. Well, I'm an independent person. 

"Tara na." Hinawakan na ni Julian ang kamay ko at sumakay ng elevator. May kasama kaming clerk dahil siya ang bumubuhat ng mga dala namin. 

"Sinabi ba ng dean kung kailan ang conference? Baka malate tayo." Sabi ko habang tinitignan ang cellphone ko. Baka magtext si Jessica. 

"Ah eh...bukas pa ng umaga." Sabi niya. Hindi parin siya nakatingin sakin. 

"Tatawagan ko na lang si Jessica. Hindi sila nag-text eh." Sabi ko at dinail ang number niya. 

Ang Husband Kong NerdMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon