Comment and vote *wink wink*
------
~Nathalie~Kanina ko pa hinihintay si Julian, 3 AM na pero hindi parin siya umuuwi. Nagalala na ko sa kanya. Hindi naman siya ganito noon. Ngayon lang siya hindi umuwi ng maaga.
Baka galit parin to sakin. Gusto ko magpaliwanag sa kanya kung bakit niyayakap ako ni Gabrielle. Hindi ko naman ginusto na yakapin ako ni Gab. Nagulat nga ako sa ginawa niya.
Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Saan ba siya pumunta? Hindi naman ako makakatulog dahil sa pagalala sa kanya.
Si Dan...
Mabilis na kinuha ko ang phone ko na nasa side table. Agad na tinawagan ko si Daniel.
"Please Dan, sagutin mo." Sabi ko habang hinihitay siyang sagutin ang tawag ko.
"Hello?" thank God sinagot niya.
Napakunot ang noo ko nang narinig ko kakabinging music sa background niya.
"Daniel, kasama mo ba si Julian?" Tanong ko. Sana kasama niya.
"Ha? Uhm... Oo nandito siya kasama ko." Pasigaw na sabi niya sakin.
"Saan kayo?"
"dito kami sa Margarit Club-..."
"Hi pogi~"
Napataas ang kilay ko sa narinig ko.
"Nathalie, pumunta ka na dito. Baka mapikot pa ang asawa mo."
Agad na umalis ako at sumakay sa taxi papunta sa club kung saan sila ngayon.
Hinarangan ako ng isang guard sa labas ng club nang papasok na sana ako. Kinuha ko ang id ko at pinakita sa kaniya. Nang nakapasok na ako ay hinanap ko agad sina Julian at Daniel.
"Oh...hey, pretty." Napatingin ako sa lalaki na lumapit sakin with matching ngiti pa sakin.
hindi ko siya pinansin at patuloy na hinanap sina Julian.
Nagulat ako nang merong humawag ng braso ko at hinila papunta sa kanya. Ang makulit na lalaki na naman.
"Ang sungit mo. Let's have fun muna." Sabi niya sakin with his flirty voice.
"Bitawan mo nga ako. I'm not interested." Pilit kong kumawala sa pagkahawak niya sakin.
Pumiksi ako nang hinigpitan niya ang pagkahawak niya.
"What the hell are you doing to my wife, you jerk?!"
Napalingon ako sa likoran ng lalaki at nakita ko si Julian na masama ang tingin sa lalaki.
"Hey bro, find your own pet. This one is mine." Humigpit pa ang pagkahawak niya.
"Julian!"
Nanglaki ang mga mata ko nang sinuntok niya ang lalaki at napaupo sa sahig. Hinawakan niya sa kuwelyo ang lalaki at sinamaan ng tingin.
"Huwag na huwag mo yang itatawag sa asawa ko. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at papatayin kita."
Mabilis na hinawakan ko sa braso niya si Julian para pigilan siya.
Lumingon siya sakin. Masama parin ang aura niya. Ang mga mata, maraming sinasabi iyon. Galit, betray, lonely, at higit sa lahat pain. Iniwasan ko ang mga tingin niya dahil hindi ko kaya makita siyang nasasaktan dahil sakin.
"Julian, ano na naman yan?" Napatingin ako kung sino ang nagsalita. Si Daniel.
Binitawan ni Julian ang lalaki at itinulak. "Don't you even dare show your damn face to me ever again."

BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...