Naka-UD na ako! Atlast! Mabuhay!!!!!!!!!!!!
Vote and comment
Labyu!
-----------------------------------
~Nathalie~
"Wifey, binilhan kita ng ice cream?" Parang bata na nagtatakbo papunta sakin si Julian habang merong hawak na dalawang ice cream sa magkabilang kamay niya. Ang lapad pa ng ngiti niya.
Napailing lang ako habang pinapanuod siyang tumatakbo papunta sakin. Para siyang bata.
"Julian! Ingat-...." Pasigaw na sabi ko sa kanya pero too late na. Nadapa na siya. Yung ice cream na hinahawakan niya ay tumapon, ang iba ay pumunta sa damit niya.
Napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa kanya.
Hindi mainitindihan ang mukha niya. Parang iiyak na siya habang nakatingin sa ice cream na kinain na ng sahig.
"Julian, tumayo ka nga." Sabi ko sa kanya at hinila siya patayo.
Ang ibang estudyante naman ay nakatingin saming dalawa. Sino baa ng hindi mapatingin samin kung ang isang to ay gumawa ng iksena.
"Bakit ang clumsy mo ngayon?" Tanong ko sa kanya habang pinapahidan ang kamay niya.
"eh, hindi ko naman sinasadya. Bwisit na balat ng saging. Sino baa ng nagtapon niyan? Dito pa sa sahig tinapon." Parang bata na nagsusumbong sakin.
"Ay ewan ko sayo, magpalit ka nga ng damit. Parang basahan na oh." Sabi ko habang nililinis ang mga kamay niya.
"Gusto mo ba, ikaw na lang wifey ang magpalit ng damit ko? O kaya hindi na lang pagpalit, pagtanggal na lang." ngumisi pa siya sakin.
Tinapun ko ang tissue sa kanya.
"Ang manyak mo."
"Kung ikaw lang naman ang mamanyakin ko, go ako!" Kumindat pa siya sakin.
"Kumain ka mag-isa!" Sabi ko at tumalikod na.
Napangiti ako. Manyak nga siya pero ang cute niya.
"Joke lang wifey...." Hinawakan niya ang kamay ko. "Even half of it is not a joke." Ngumiti siya.
Hinampas ko siya sa balikat. Tumawa lang siya.
"Tara na nga, tutulungan mo pa kong tanggalin ang damit ko." Inakbayan niya ako.
"Ang landi mong lalaki!" Hinampas ko ulit siya.
"Bakit? Hindi naman masama ha. We're married." Binulong niya lang ang huli niyang sinabi.
Nag-blush ako sa sinabi niya. Totoo naman na hindi masama, pero wahhh! Bata pa ako. Hindi pa pwede.
"Yow! Love birds!" Sumulpot sa harapan naming si Daniel kasama si Jessica.
"Ang love team ng Trinity A." Sabi naman ni Jessica.
Ang weird nilang dalawa. Mag-kaaway naman sila, pero bakit these past few days, parate na lang silang magkasama. I smell malangsa here!
"Ano na naman kailangan niyo samin?" Na-iirita na sabi ni Julian sa kanila.
"grabe naman! Hindi ba pwedeng Makita ang dalawang kaibigan naming na wala ng naisip kundi maglandi sa isa't isa." Sabi ni Daniel.
"Selos ka lang." tinarayan naman ni Julian. "Maging sweet rin kayo ni Jessica para hindi na kayo nanggugulo saming dalawa."
Napansin na ni Jessica ang damit ni Julian.
"Anong nangyari dyan?" Tinuro niya pa.
"Dahil inspired. Siya na ang kusang maligo ng ice cream para malanggam." Sabi ni Daniel at umiling pa.
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...
