Gusto

7.6K 162 5
                                    

Dahil moody ang laptop ko ay hindi ako masyadong makapag-UD. Sana maintindihan niyo po ako.

I'll try na maka-UD ako every week para sa inyo. ^^

Reminder alert: comment po kayo at vote, pwes. XD

------------------------------------

~Nathalie~ 

Maaga akong bumangon dahil I planned to surprise Julian. Magluluto ako ng breakfast. Alam ko naman na parate ko tong ginagawa pero ngayon iba na. Noon kapag nagluluto ako ay nag-aaway pa kami at parang gusto kong ihampas sa kanya ang kawale. Napangiti ako habang iniisip ang nangyari noon. Nagluto ako ng fried rice at scrambled egg. 

"Ay kabayo!" Nagulat ako nang merong mga braso na pumulupot sa bewang ko. 

"Anong ginagawa mo? Ang aga mong bumangon." Bakit ang hot ni Julian with his bedroom voice. 

"Uhm... Gusto kong surprisahin ka." Nahihiyang sabi ko. First time kong surprisahin siya at ang awkward. 

Hinigpitan niya ang pagkayakap sakin at nilagay ang ulo sa balikat ko. Alam ko na nakangiti na siya. 

"Salamat, wife." Nagulat ako nang hinalikan niya ako sa pisngi. 

"Sige na. Kumain na tayo." Sabi ko at nilagay ang pagkain sa mesa. 

Tumango siya habang nakangiti. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupu. Hindi pa ako sanay sa mga sweet things na ginagawa ni Julian. Masaya rin ako dahil ang kasal namin ay naging totoo. I married someone I love. 

Kumain na kami habang ako naman ay nakatitig sa kanya. Parate lang niya kinakain ang mga pagkain na niluluto ko at walang reklamo. Alam ko naman na ang iba ay hindi masarap, pero kinakain niya lang. Ngayon nga ang fried rice, ang alat dahil naparami ang nilagay kong asin. 

"Julian..." 

"Hmmm?" Tumingin siya sakin. 

"Hindi naman gaanong masarap ang niluluto ko pero bakit mo pa kinakain?" 

Ngumiti lang siya. "Dahil niluto mo." 

"Julian, sabihin mo nga ang totoo noon mo pa ba alam na masama na ako magluto?" 

"Oo, ang una mong niluto nung lumipat tayo dito ay over cook at saka maalat." 

Wow ha, parang hindi big deal s kanya ang mga pagkain na pinapakain ko sa kanya. 

Naka-pout ako habang nakatingin sa kanya. "Ba't ngayon mo lang sinabi sakin? Akala ko naman okay lang ang mga pagkain." 

Napasandal siya sa harapan ko at ngayon ay ang lapit niya na sakin. Nakaupo lang ako at nakatingin sa kanya. Hindi naman ako makikilos dahil parang magnet ang mga titig niya sakin. 

"Nathalie, I always love the foods you cook. Narinig mo ba ako nagreklamo?" 

Nakatingin parin ako sa kanya. Tama naman siya, nagustohan niya ang niluluto ko dahil hindi siya nagrereklamo. Pero parang feeling ko gusto niya lang mapasaya ako. 

Tumayo ako at kinuha ang plato niya. Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. 

"Eh...Meron ka naman. Akin na nga ang pagkain ko." Pinigilan niya ako at binalik ang plato niya. 

"Julian naman eh, ang sama nga ng luto ko." Parang iiyak na ako dahil pinipilit niya lang ang sarili niya na kumain ng pagkain na niluto ko. 

Tumayo siya at lumapit sakin. Lumuhod siya sa tabi ko para makatingin siya sakin na diretso. He cupped my cheek ang leaned closer. Yun na, umiyak na ako. 

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon