Nathalie's POV:
Nag-research ako kagabi ng mga places na pwede naming puntahan. At ngayong araw, excited ako pumunta sa mga lugar na yun.
"Nathalie, ang aga pa eh." Sabi ni Julian habang naka-nguso.
Nasa elevator na kami at pupunta na kami sa Namsan Tower. Nakita ko sa internet na magandang pasyalan doon. Gusto ko dun pumunta. Bibili kami ng lock para I seal sa taas ng tower.
"Eh, baka marami ng tao doon, may pupuntahan pa tayong ibang lugar mamaya." Hinila ko na siya palabas ng elevator papunta sa taxi.
"Wifey, meron akong ni-rent na kotse at saka driver." Pinigilan niya ako nang papasok na ako sa isang taxi.
"Totoo? Yaman ha?!" Kinalabit ko siya.
"I can do anything, just for you baby." Kumindat pa siya sakin.
Napatawa naman ako. Kilig much naman ako sa kanya. Ang sarap kagatin. Hahahahaha
Hinila niya na ako sa isang black car at meron pang naghihintay samin.
"Mr. Alcantara, welcome to the Korea." Sabi ng lalaki na nakasuit at binuksan ang pintuan ng kotse.
"Big time ka, bro." Sabi ko kay Julian at hinampas siya sa balikat habang tumatawa.
Napatawa na lang siya sa inaasal ko.
Ilang minute naman ang byahe naming papunta sa Namsan Tower.
Napa-nganga ako nang nakita ko ang tower. Ang taas. Gusto ko nang pumunta sa itaas niyan.
"Julian, halika na." Sabi ko at hinila na siya papunta sa loob ng tower.
Pumunta muna kami sa isang shop na nagbebenta ng couple locket. Bumili kami at syempre si Julian ang bumayad. Siya lang naman ang nakapaghanda sa trip na to. Hindi niya ko ininform. Eh naiwan ko pa ang credit card ko sa bahay. Akala ko naman ilang araw lang kami dito.
Ako ang excited. Kanina ko pa siya hinihila kung saan-saan. At siya naman ay nag-eenjoy sa pinanggagawa ko.
"Wah~ Ang ganda dito!" Tinignan ko ang scenery mula sa itaas. Ang ganda.
Marami pang mga locket na naka-attached sa iba't ibang railing.
"Julian, tara." Hinila ko na naman siya. "Ilagay natin to. Dali." Ngumingiti ako habang naghahanap ng magandang lugar para sa dalawang locket naming.
Kinuha ko ang dalawang locket sa box nito at binigay ang isang locket kay Julian.
"Para saan to?" Tanong niya sakin.
Himala ng salita na siya. Kanina pa ako nagsasalita dito at siya parang baliw na nakangiti.
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...