Tantananan~ Ito na ang hinihintay niyong chapie~ XD
Salamat sa lahat ng suporta sa story ko. Mwah hugs!!!
Sowi kung hindi ako nakapag-UD. Busy sa enrollment eh at saka moody na naman ang laptop ko. hahahahaha
Anyway, shalamat ulit
Comment and vote~
-------
~Julian~
Papunta na kami sa supermarket para bumili ng iinumin at saka kakainin. Ako pa ang hinila niya para samahan siya. Nakasakay ako sa kotse niya habang nakasimangot. Gusto ko masolo ngayong araw si Nathalie dahil wala naman kaming klase ngayon at gusto ko sana siya yayain para magdate.
"Sana si Jessica na lang ang sinama mo." Nakasimangot na sabi ko sa kanya.
"Edi siya na lang ang kakausapin ko tungkol sa problema mo." Nakatingin parin siya sa harapan namin. Obviously, nagda-drive siya.
"ano na naman ang tungkol doon?" Ito na naman siya, ino-open na naman ang tungkol sa problema ko.
"Kinausap niya si Jessica." Seryosong sabi niya sakin.
"Sino?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Si Gabrielle."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ano?!"
"Pasalamat ka, nandoon ako at nahila ko palayo si Jessica."
Kumunot ang noo ko habang iniisip kung bakit niya kinausap si Jessica. Hindi ko siya papayagan na sirain niya ang relasyon namin ni Nathalie. Alam ko na ang laki ng galit niya sakin at gusto niyang kunin si Nathalie sakin, pero hindi ko siya papayagan.
"Julian, magsalita ka na at baka malaman pa ni Nathalie ang totoo sa iba."
Napabuntong hininga ako. Eh hindi ko nga alam kung paano ko uumpisahin ang sasabihin kay Nathalie. Saka, hindi naman madali ang sasabihin ko sa kanya dahil hindi ko alam ang maging reaksyon niya sa sasabihin ko. Natatakot akong magalit si Nathalie sakin.
"Pagkatapos nito, umuwi na tayo." Sabi ko at lumingon sa bentana. Iniiwasan ko muna ang tungkol doon.
"Ito ka na naman. Iniiwasan ang problema mo."
"Dan naman, gusto ko pa makasama si Nathalie."
"Kung gusto mong makasama siya habang buhay sinasabi mo na ang lahat sa kanya."
"Tama ka naman sa sinasabi mo pero hindi ko lang siya gustong masaktan."
"Ngayon na hindi mo pa sinasabi sa kanya, mas masasaktan siya dahil nalihim ka sa kanya. Kung ako sayo hindi mo na patatagalin to."
Hindi na ako nagsalita. Baka marami na naman ang sasabihin niya sakin.
Nang makarating kami ay bumili na kami ng mga pagkain at inumin. Marami-rami rin ang napamili namin. At dahil ako ang sumama sa kanya ay ako ang pinabayad. Matalino rin tong kaibigan ko. Kinaladkad niya ako para maka-libre.
Dahil marami ang nabili naman ay natagalan kami at sumunod pa ang traffic.
Kanina pa ako patingin-tingin sa orasan ko o sa cellphone ko. Naghihintay pa si nathalie sa bahay at wala pa silang kasama doon.
"Huwag ka ngang atat dyan." Inis na sabi ni Daniel sakin.
"Eh gusto ko ng umuwi." sabi ko habang nakatingin sa orasan ko. 15 minutes na kami na nasa traffic.

BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...