Ba't ang sweet?????

7.4K 170 6
                                    

Super Duper sorry sa mga readers ko. Ilang araw na din ako hindi naka-UD. Writer's Block at saka busy rin.

I'll try na maka-UD once or twice a week.

Mapapasalamat rin ako sa mga readers ko. Labyu~

Vote and comment~
--------------------
~Nathalie~

"Aray naman."

"Sandali nga."

"Aurgh...Nathalie, please be gentle."

"Oo na... Aray naman, Julian."

"Ikaw eh, sabi sayo dahan-dahan lang."

"Oo na po!"

"Nathalie, mahigpit ang pagkakahawak mo sakin."

"Sorry naman."

"Aray!!!"

"Ay bahala ka dyan!! Para kang bakla." Iniwan ko na siya sa sala.

Ginagamot ko ang mga sugat niya, marami pa siyang reklamo. Bahala siya sa buhay niya. My mga 'aurgh...aurgh' pa siya na nalalaman.

"Nathalie, hindi ka pa tapos." Tawag niya sakin.

Hindi ko siya pinansin at pumasok sa kusina para maghanda ng hapunan namin.

"Ay kabayo!" Nagulat na lang ako nang merong braso pumulopot sa bewang ko.

"Galit ka ba?" Tanong ni Julian sakin habang nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko.

Bwisit tong lalaki na to. Nakikilig na ako sa pinanggagawa niya sakin. Ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko. Ano ba ang nakain niya na naging manyak na siya. Hindi naman siya ganito noon, bossy nga lang siya.

"Lumayo ka nga sakin, manyak ka." Sinungitan ko naman siya.

Narinig ko na tumawa pa siya sa pinagsasabi niya. "Galit ka ba sakin, wifey?" Nilalambing niya na naman ako.

Tumaas ang mga balahibo ko sa pinagsasabi niya. Nakikilabutan ako sa kamanyakan niya sakin. Ang landi niya ngayon.

"Julian Alcantara! Ang landi mo. Lumayo ka. Cho!" Tinataboy ko siya. Pero hindi ako makagalaw dahil mahigpit ang yakap niya sakin.

"Ouch, tinataboy mo na pala ako, wifey?" Napa-pout pa siya habang nakayakap sakin.

"Isa pang wifey, masasapak ko na ang pagmumukha mo." Naiinis na ako sa pinanggagawa niya. Itapon ko nga to sa labas.

"Aw, ano na lang ang gusto mo? hmmm....honey, sweetheart, baby, sweetie, o love?" Nakangisi pa siya habang nakatingin sakin.

"JULIAN!!!! Kung hindi ka pa tumigil dyan puputulin ko ang pwedeng putulin sayo!" Naiinis na ako sa kanya.

"Aw honey, kung puputulin mo paano na tayo makakabuo ng ating mga baby Nathalie at baby Julian? Gusto pa naman nila papa."

AHHHH!!! hindi ko na to kaya! Naiinis na ako sa manyak na to. Baka mapatay ko na to.

"Julian Alcantara!!!" Sinigawan ko siya dahil sa inis. "Mag-isa kang gumawa. Manyak ka!" Sigaw ko pa.

Hindi niya pa ako binitawan habang tumatawa pa siya. Wow ha, nag-eenjoy siya sa pinanggagawa niya sakin. Ako nga itong galit na galit na sa kanya at parang mapapatay ko na siya.

At nagsitayuan ang mga balahibo ko at lahat ng dugo ko ay pumunta sa mukha ko nang hinalikan niya ang leeg ko.

"Bwisit kang manyak ka!" Sigaw ko sa kanya at lumayo na siya sakin.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon