A day with two guys Pt. 2

7.2K 176 5
                                    

Vote and comment below

ty!
-------------
~Nathalie~

Nakaupo ako sa swing habang kumakain ng ice cream. 

Hindi ko na pinansin and dalawa na nasa likod ko. Kanina pa sila nagtatalo kung sino ang tutulak ng swing kung saan ako nakaupo. 

"Ako ang boyfriend, ako ang tutulak ng swing." -Julian

"I don't care if you are her boyfriend. Ako ang sinabihan niyang itutulak ang swing." -Gabrielle

"Ikaw? Kanino ba siya nakatingin ha? Sakin siya nakatingin." -Julian

Napabuntong hininga na lang ako at kumain ng ice cream ko. Kanina pa ako naghihintay kung sino tutulak ng swing eh hanggang ngayon wala pa.

Natapos ko na ang ice cream ko pero nagtatalo parin sila.

Tumayo nalang ako dahil nakangangawit na ako sa pagupo. Napatigil naman sila sa pag-aaway.

"Nathalie, umupo kana. Ako ang tutulak sayo." -Julian

Lambing na sabi niya sakin habang nakangiti.

"Ako na lang Nath." -Gabrielle

Napailing nalang ako at tumingin sa kanilang dalawa na ngayon ay kinukulit akong umupo sa swing.

"Ano ba kayong dalawa? Kanina pa ako nakaupo sa swing ni isa sa inyo walang tumutulak. Ako na lang tutulak sa inyo para maalog yang mga utak nyo parang sira eh." -me

At tumalikod na sa kanila. Bibili nalang ako ulit ng ice cream para malamigan ang ulo ko, and init na eh. Kung hindi baka hinagis ko na silang dalawa palayo sakin.

"Nathalie." -Gabrielle/Julian

Hindi ko sila pinansin at lumabot kay manong na nagbebenta ng ice cream.

"Manong isang ice cream." -me

Aabotin ko na ang per kay Manong pero sumulpot na naman ang dalawa.

"Ako na ang magbabayad." -Julian

"I'll pay." -Gabrielle

Sabay pa silang nagsalita at nagtitigan silang dalawa.

"Ako ang boyfriend. Ako ang lilibre kay Nathalie." -Julian

"Eh ako ang nagyaya kay Nathalie, ako ang lilibre sa kanya." -Gabrielle

Napabuntong hininga nalang ako at inabot na ang bayad ko kay manong.

"Eneng, sino ba dyan ang boyfriend mo? Ang gagwapo nila ha." -Manong

"Wala po, manong. Parang sila nga ang merong relasyon. Mga bakla ang mga yan." -me

Nginitian ko si manong at nagpasalamat. Iniwan ko na ang dalawa na nagtatalo parin. Ngumingiti ako habang naglalakad at kumakain ng ice cream.

"Ay Anak ng! Aray....." -me

Sa lahat ng araw bakit ngayon pa ang kamalasan ko.

Nakaupo ako sa lupa habang ang ice cream ko ay natapon. Dahil sa clumsiness ko ay natalisud ako at naghello na ako sa lupa.

"Nathalie!" -Julian/Gabrielle

Tumakbo sila sakin at tinulungan akong tumayo.

"Okay ka lang?" -Gabrielle

"Okay lang ako. Hindi naman masakit eh." -me

"Hindi masakit ha? Ano yang sugat na yan? Dumudugo na ho. Ang Clumsy mo." -Julian

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon