Ang Lapit na!

7.6K 198 8
                                    

~Nathalie~

Pagkatapos ng nangyari noon ay hindi niya na ako tinitigilan.

Kung saan ako nandyan rin siya.

"Julian, umalis ka nga!" Sabi ko sa kanya. Kanina pa ako naiinis.

"Nath, Hindi ako si Julian, Si Ethan ako ngayon." Sabi niya habang nakaupo sa harapan ko.

"Wala akong pake." Hindi ko na siya pinansin at pinatuloy ang pagbabasa.

Sa lahat na araw, ba't ngayon pa hindi pumasok si Jessica.

At ang gigolo nato pa ang kasama ko ngayon. Ang kulit kulit niya!

"Hindi mo ba gusto na makasama ang gwapo mong asawa?" Nakatingin siya sakin habang nakangisi.

"Manahimik na nga. Baka may makarinig sayo." Pinandilatan ko siya.

This is not the right time to tell about our marriage.

Mag-asawa nga kami pero hindi namin ginusto na magpakasal.

Nanlalaki ang mga mata ko na nakita ko siyang tumayo at nagsimulang magsalita.

"Listen guys, Nathalie and I-..." Sinigaw niya pa.

At ngayon ay nakatingin na ang lahat na istudyante samin.

Agad-agad na tinakpan ko ang bibig niya para hindi niya masabi.

Pilit niya lang kinuha ang kamay ko sa bibig niya.

Tatakpan ko ulit ang bibig niya pero hinawakan niya lang yon.

"Hindi mo sasabihin." Sabi ko sa kanya na pabulong.

Hindi pa to ang tamang panahon na malaman nila.

Hindi pa ako ready.

"We're dating!" Sinigaw niya.

Napanganga ako sa sinabi niya.

Ano raw? Dating? Kami?

No way!

Naramdaman ko ang mga masasamang tingin ng ibang babae sa paligid namin. Nasa Cafeteria pa kami.

Pinandilatan ko siya na parang gusto ko na siya sakalin.

Ngumiti lang siya na matamis habang nakatingin sakin at hawak-hawak ang kamay ko.

This will get worst.

Good luck to me!

Haters masilabasan na!

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon