Elow poh! Eto na po ang chapeter na hinihintay nyo.
Don't forget to comment and vote ha. XD
Labyu! ^^
-------------------------------------------
~Nathalie~
Dahil sa nangyari kahapon ay naiilang na ako kapag dyan siya sa malapit.
Hindi nga ako makatingin sa kanya at hindi ko nga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Bakit ka ba naiilang? Baka gusto mo na siya.
Hindi yun pwede
Pwede yon. Mag-asawa naman kayo.
Mag-asawa pero hindi namin mahal ang isa't isa.
Yon nga. Mahal niyo na ang isa't isa ngayon.
Hindi nga!
"Hoy Nathalie, Para kang baliw." Nakatingin lang si Jessica sakin.
Nasa classroom kami at naghihintay ng teacher namin.
At kanina pa ako nagtatalo sa sarili ko. Kainis naman eh.
"Si Julian Oh." Napaupo ako ng maayos at tumingin tingin sa paligid.
Narinig ko si Jessica na tumawa. Tinignan ko siya ng masama nang tumingin siya sakin.
"Ikaw ha. Hindi kana nagshashare ng buhay mo sakin. Ano na ba status niyong dalawa?" Tanong niya sakin habang ngumingiti.
"Baliw. Syempre magkaaway." -ako
"Weh....O baka Officially married couple na kayo- aray!" Binatukan ko siya.
"Sira, kasal naman kami." Sabi ko sa kanya.
"Sinong kasal?" Nagulat ako nang merong nagsalita sa likoran namin.
Napalingon ako at nakita ko si Julian na nakatingin sakin habang ngiting ngitii. Nakita ko rin ang mga kaklase namin na nakatingin lang samin. The hell. Bakit niya ba sinabi na yun ng malakas at narinig pa ng ibang kaklase namin.
:'Ah eh...." Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Tinignan ko si Jessica para humingi ng tulong pero hindi niya ko pinansin at nakatingin lang sa ibang direksyon. Ang babae na to. Ang sarap batukan.
"Tayo ba ang sinasabi mo?" Oh please Lord, Kunin niyo na po ako. Hindi ko na to kaya.
Nakita kong nagbubulungan na ang mga kaklase namin habang nakatingin.
Nagulat ako ng tumawa siya at hinila ang upuan sa tabi ko at tumabi sakin. Nilagay niya pa ang braso niya sa balikat ko.
"Nathalie Baby naman. Sa susunod lang natin yon pagusapan. Enjoy enjoy muna tayo ngayon ha. Kung gusto mo nang habang buhay na tayo eh okay rin sakin." Ngumiti siya habang nakatingin sakin.
Baka pwede ko tong bugbugin ngayon at ihagis sa bentana. Naiinis na ako sa mga sinasabi niya.
Thankfully, ang iba naming kaklase ay naniwala rin sa sinabi niya.
Kung meron nakahalata, bibitayin ko tong uggoy na to sa puno.
===========================================================================
Bakit parang gusto ko ang pinanggagawa niya ngayon.
Ang sweet niya na sakin. nilalambing na ako at ang gentleman niya na ngayon. Noon nga parang wala lang ako sa kanya at parate nalang kami nagbabangayan.
At ngayon siya pa ang sunod na sunod sakin.
"Babe, uwi na tayo." Pinandilatan ko siya nang sinabi niya yon dahil ang ibang estudyante ay narinig ang sinabi niya.
Baka mali ang iisipin nila sa sinabi ni Julian.
Marami na mga babae ang nagkacrush kay Julian slash Ethan ngayon. Dahil sa gwapo niyang mukha.
At marami rin akong haters dahil sakanya. Parate nalang ako nakakita ng mga matama na pinandidilatan ako. Kung alam ko lang na nakakamatay ang mga tingin nila ay Patay na ako ngayon.
"Tumahimik ka nga Julian." Bumulong ako sa kanya. "Baka mali ang iisipin nila."
Ngumisi siya sakin at lumapit pa. "Hep! Sasapakin kita kapag lalapit ka sakin." Pinigilan ko siya.
Napatawa siya at nakatingin lang sakin. "Do you want to continue what we are doing last night?"
Napanganga ako sa sinabi niya. Nakita kong nakatingin ang ibang students samin.
Nagulat ako ng tumawa siya. "Joke lang. Nasa bahay ka na noon. Sa susunod nalang ha." Pinandilatan ko siya.
Ang sarap suntukin ang unggoy na to.
Walang magawa sa buhay kundi pagtripan ako.
Pinalo ko siya sa balikat at nagwalk-out na. Hindi ko matiis ang pagiinit ng ulo ko sa kanya. Baka mapatay ko na ang unggoy na yon.
"Ay palaka!" Nagulat ako nang nakabangga ako sa isang tao.
"Okay ka lang?" Nakahawak siya sa balikat ko.
"uhm....Oo. Sorry nga pala." Ai wow, na speechless ako, Ang gwapo ng boylet na to.
Napangiti ako habang nakatingin ako sa kanya.
Merong humila sakin palayo sa kanya. Napalingon ako kung sino ang humila sakin at nakita ko si Julian na pinandilatan niya ang lalaki.
"Sino ka ba? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita siya?" Sabi ni Julian.
"Tumahimik ka nga Julian." Pinandilatan ko siya.
Hindi niya ako pinansin at nakatingin lang sa lalaki na masama.
Hinila ko na siya palayo dahil baka ano pa ang gagawin niya. Lumingon ako sa lalaki at I mouthed sorry to him. Ngumiti lang siya habang nakatingin samin.
In fairness ang gwapo niya. Sana makita ko muli siya.
"Nathalie, don't you dare go near any boys again." Humarap siya sakin habang nakatingin sakin na seryoso.
"Bakit ba? Hindi naman ako humahabol sa kanya. Nagbanggaan lang kami." Rason ko sa kanya. Ano ba ang problema ng isang to. Bakit ba siya galit?
"Still, hindi pwede." Sabi niya at hinila na niya ako paalis ng school.
Makahila wagas lang. Parang manika lang ako na hinihila niya.
"Ano ba Jul-Ethan! Kanina ka pa ha." Sabi ko at pilit kinukuha ang kamay ko.
"Meron ka naman ng kamay bakit ba inaagaw mo sakin ang akin. Anper na yan ha!" Pinandilatan ko lang siya at sumimangot.
Anper siya. Lahat makukuha niya. Hindi niya nga ako pinakinggan. hmp! Bahala siya sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...
