Kuya Nic

12.4K 305 15
                                    


~NAthalie~

Maaga akong bumangon dahil excited akong makita si Kuya. Dadating na siya mamayang hapon. Busy ang lahat ngayon dahil merong welcome party sa gabi. Of course, si mama at ang mama ni Julian ang nag-oorganize ng party.

Mabilis akong nagshower at nagbihis para tulungan ang dalawang mother earths ko. Lalabas na sana ako na napatingin ako kay Julian na mahimbing ang tulog sa sahig. I smirked when I looked at him. Sa sahig siya natulog dahil ako ang nanalo sa bato-bato-pick namin kagabi.

Yung kumot niya nasa bente niya. Ang likot talaga tong matulog. Lumapit ako sa kanya at kinumutan siya. Baka sabihin hindi ako caring, meron namang akong puso sa mga hayop eh.

Hindi ko namalayan na nakatitig ako sa kanya. Ang himbing talaga ng tulog niya. He looks so peaceful. Sana ganito na lang siya, walang problema at walang sekreto.

"Libre ang tingin pero parang pinagnanasaan mo na ko."

Napaatras ako dahil nagulat ako nang minulat niya ang mga mata niya habang nakangiti sakin. Napaupo ako habang nakatitig sa kanya. Kailan siya nagising?

"Kung gusto mong titigan ako, okay lang sakin. Or pwede namang tabihan mo nalang ako ngayon, mas okay yun." Nakangisi siya sakin, nakahiga pa rin siya habang nakatingin sakin.

"A-ano ang pinagsasabi mo?" Umiwas ako ng tingin.

Napatawa siya. "Aw baby, sige na, tumabi kana sakin. Alam ko na gusto mo rin." He patted the space beside him.

"Bahala ka jan." Tatayo na sana ako, pero bigla niya lang akong hinila. "Hoy!" Dahil na-out of balance ako, natumba ako sa taas niya. Mygahd! bat ang tigas?

Hindi na ko nakapalag nang hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin.

"Julian Alcantara, bitawan mo nga ko." Reklamo ko, tatayo na sana ako pero nakayakap pa rin ang unggoy sakin.

"No." Tipid niyang sagot at pinikit ang mga mata. "Let's sleep."

"Julian, kung gusto mong matulog, matulog kang mag-isa! Wag kang magdamay ng iba!" Nairitang sigaw ko sa kanya para bitiwan niya na ko pero hindi naman siya nakikinig sakin.

Masamang tumingin ako sa kanya habang siya ay nakapikit lang ang mga mata habang nakangiti. Sinong matinong tao ang nakangiti habang tulog? Well, hindi naman matino si Julian.

"Kainis ka, Julian Alcantara." Nakakailang kaya. Nagiging clingy na siya. Sobrang clingy.

"Tumahimik ka nga, Nathalie Alcantara." Saway niya. Pero ang pinakaklarong narinig ko ay ang pagtawag niya sakin.

Napatahimik ako sa sinabi niya. Alcantara. I don't know why I'm blushing when I heard him called me that. I'm not used to be called with that name. Until now, I used Domingues dahil hindi pa alam sa school na kasal kaming dalawa. Ang principal ng school lang ang nakakaalam tungkol samin dahil sunugod kami ni mama sa school at nalaman ng principal.

"Matulog kana."

Parang tumaas lahat ng balahibo ko sa ginawa niya. Bumulong siya sa tenga ko na parang nagseseduce siya at tumaas lahat ng dugo ko nang naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

"Julian, lumayo ka nga sakin." Sabi nga ng iba, lumayo ka sa temptation at ganun ang ginagawa ko ngayon.

Pilit ko siyang tinutulak palayo sakin dahil parang mauubusan na ako ng dugo sa katawan sa mga ginagawa niya. I can feel my face heated up dahil sa kanya.

"Ang bango mo." He keeps on smelling me, ang lapit niya na talaga sa leeg ko.

"Julian Alcantara! You Pervert!" Sigaw ko sa kanya at lalayo na sana pero pinigilan niya ko. Bakit ba ang lakas ng lalaking to?

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon