Home sweet home

10.6K 267 2
                                    

~Nathalie~

Napaisip ako kung bakit pinapapunta kami nina mama sa bahay. I'm still curious kung bakit hindi nila mahintay ang weekend.

“Ano ba ang sabi ni mama sayo?” Tanong ko kay Julian.

“Pumunta nalang tayo sa kanila. Hindi ko rin alam.” Kibit balikat na sagot niya sakin.

“Eh huwag nalang tayo pumunta sa kanila. Baka hindi importante." I don't know why pero naiilang ako kapag kasama sina mama at ang mama niya. Hindi pa ako sanay na iisang pamilya na kami.

“Nathalie, alam mo naman ang gagawin ni mama mo kung hindi tayo pumunta doon.”

Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko naman kung ano ang gagawin ni mama.

Nung hindi kami sumupot sa pagprepare ng kasal namin ay pumunta siya dito at hinanap niya kami. Muntikan na kaming madiskobre dahil sa kanya. At pagkatapos noon, hindi ko na pinapapunta si mama dito. Baka madulas siya at masabi niya kung ano ang relasyon namin ni Julian.

Siya nga nagsabi sa principal tungkol samin. At dahil ang may-ari ng university ay sina Julian. Biglang naging mabait si Sir. Travis sakin. Thankfully, kinausap ni Julian si sir na itago ang tungkol samin.

.

.

.

Umuwi muna kami para palitan ang sasakyan. Malayo-layo ng unti ang pupuntahan namin dahil nasa private area sina mama  nakatira at doon din ako lumaki. My dad decided to live their for our safety and privacy. He wants to protect us from the society. Sina Julian naman ay nakatira malapit samin, they have a spacious land dahil mahilig yung papa niyang magfarming.

Papunta na kami sa bahay ko o bahay na lang nina mama. I have my own house already with Julian. Yung area kung saan nakatira sila ay malayo ng kunti sa city. Deri-deritso lang ang pagdadrive ni Julian dahil walang sasakyan na nakakasalubong.

Nung nakatira pa ako doon ay parati nalang ako hatid/sundo. Eh ikaw ba maglakad sa isang deserted na lugar papunta sa bahay nyo. May momo kaya. Takot din kaya akong umuwi ng mag-isa.

“Ewan ko kay mama. Ano na naman ba ang gusto niya.” May klase ako tapos gusto niyang papuntahin kami. Ang layo kaya.

“Let me guess, may papagawa na naman sila satin.” Sabi ni Julian. Alam din ni Julian na may topak din yung nanay ko. Ilang beses niya na tong ginagawa samin kapag pupunta kami sa bahay.

Napabuntong hininga nalang ako. Anu naman ba ang gagawin ko? Si mama ang superior. Sino ba ang hindi matatakot sa reyna. Ang hari nga takot, ako pa na anak niya. Tss tss tss….

“Nandito na tayo.” Huminto si Julian sa isang napakalaking gate na puti.

Hindi ko namalayan na nakarating na kami. Kanina pa ba ako nag-iisip kung ano talaga ang dahilan bakit nandito kami.

Bumusina siya at sumulpot ang guard namin. Napangiti ako at binuksan ang bintana.

“Manong! namiss kita.” Ngumisi ako sa kanya. Si Manong Jojo, kapag nag-aaway kami ni mama at gusto kong maglayas. Inuuto ako nito, pinapapasok ako sa maliit na guardhouse sa gilid ng gate at doon daw muna ako titira dahil naglayas ako. Pero kapag nakatulog na ko, binibitbit niya ko pabakik sa bahay.

“Miss, hahaha…namiss din kita higit sa lahat ang kakulitan mo. Ay Sir Julian, hello po. Andun na din po ang mga magulang mo sa loob. Bago lang dumating. ” Binuksan niya ang gate para makapasok na ang sasakyan namin.

"Sige po manong!" Kumaway ako sa kanya bago pinaandar ulit ni Julian ang sasakyan.

“Nice to be back.” Napangiti ako na nakita ko na ang bahay.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon