Care

7.9K 187 4
                                        

~Nathalie~

"Ano ba Julian? Kanina ka pa ha."

Parang gusto ko nang manapak dahil ang isang to. Kanina pa ginagawa ang gusto kong gawin.

Kanina nga magluluto na nga ako pero pinigilan niya lang ako at siya na ang nagluto.

Tapos ngayon, gusto kong maglinis pero kinuha niya ang walis at siya na ang nagwalis.

"Julian, okay na nga ako."

Kanina ko pa siya pinipigilan pero hindi parin siya nakikinig sakin.

"Umupo ka nalang dyan."

"Hindi! It's been a few days since that accident happened. Okay nga ako."

Hard-headed naman tong lalaking to. Mas matigas sa bato ang ulo nya. Ang sarap pukpukin.

Hindi niya ba naintindihan ang word na okay?

"At saka, pwede na nga ako pumasok bukas." -me

"Hindi pa pwede."

"Julian naman, 5 days na ako nakakulung dito sa bahay. At gusto ko na makita si Jessica."

"Sasabihin ko nalang kay Jessica na pumunta dito." -Julian

"Paano na ang absents ko? One week na akong absent. At saka paano na ang mga lessons na hindi ko naattend."

"Pwede naman na humiram ka ng notes sakin o kaya tuturuin na lang kita." -Julian

"Hmp!...."

Kainis!

"Julian, ang sabi ng doctor okay na si Nathalie. Huwag ka ng magalala."

Napalingon kami sa harap namin at nakita si kuya na bago lang lumabas ng kwarto.

Ang ingay ni Julian eh. Yun tuloy narinig ni Kuya.

"Dominic, baka mapano pa si Nathalie." Depensa nya.

Hai...eto na naman.

Naghahanap ng palusot.

"Hindi yan, doon ka naman eh. Mababantayan mo si Nathalie." -Kuya

Napangiti ako nang nakita ko si Julian na umiling nalang.

"Sige na nga, pero Nathalie, dapat kasama mo ko kung saan ka man pumunta." -Julian

"Ang over protective mo, tatang."

Seryosong nakatingin siya sakin. Ano ba ang ginawa ko?

Napatawa na lang ako.

"Chill lang."

----

Vote and comment~

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon