Halik

10K 262 3
                                        

~Nathalie~

Aurgh! Ang kulit naman ng taong to. Someone kept on poking my cheek. Kung hindi pa siya titigil ihahagis ko na to sa bintana.

"Tumigil ka nga!" reklamo ko at tumalikod kung sino mang alien ang nagdidistract sakin sa pagtulog ko.

"Baby~Bangon na~"

Ang boses na yon......

Mabilis pa sa alas kwatro na dumilat ako. Nanlaki ang mga mata ko na nakita ko si Julian na ngumingiti sakin at worst ang lapit ng mukha niya.

"A-ano-...." Blanko pa ang utak ko at hindi ko alam ang irereak.

"Good morning, baby~" Lalong lumapit siya sakin at tatangkaing halikan ako.

Hindi ako gumalaw in a second. Hindi ko alam kung bakit ang saya niya ngayon. Buntis talaga to eh.

.

.

.

Ang lapit-lapit niya na sakin, in a second, bigla ko siyang tinulak palayo sakin at mabilis bumangon. Sumakit bigla ang ulo ko.

"Aray! Ano ba, Nathalie?! Ginigising lang naman kita." Reklamo ni Julian habang nakaupo sa sahig.

"Ginigising? Pwede mo naman akong gisingin na hindi malapit sakin." Tumayo na ko at kinuha ang phone ko.

"Kanina pa ako dito at ginigising ka, pero ayaw mo. So humiga ako sa tabi mo at kinulit ka. O diba, it works."

"Bakla ka talaga. Umalis ka nga sa kwarto ko!"

"Kwarto natin, baby!"

"At saka, stop calling me baby! Hindi tayo close. At hindi rin ako sanggol!" I threw him a pillow pero nasalo niya yun at niyakap.

"E hindi. What about sweetie~ Sweety pie Honey loves o kaya bhe bhe?" Nagsuggest pa ang bakla.

"Lumayo ka!!!!" Binato ko ulit siya ng unan.

"Ano-...Aray!"

Napanganga ako ng nakita ko na si Kuya ang natamaan ng unan.

"Nic ho, kanina pa ako tinatarayan ni Nathalie." Mabilis na tumayo siya at lumapit kay Kuya. At parang siya ang kapatid ng kuya ko ha.

Tumingin ako Kay julian na masama. Humanda siya mamaya.

"Baby sis, buntis ka ba?" Biglang tanong ni Kuya habang inaakbayan si Julian.

Napatingin ako kay Kuya sa sinabi niya. Dahil sa pagkagulat hindi ako kaagad nakasagot sa tinatanong niya.

Processing.........

....

....

....

"Of course not!!! Kuya naman!!" Namula ako. Hindi porket nasa iisang kwarto kami madami ng kababalaghan ang nangyari.

"Diba kapag buntis, merong mood swing?" Inocenteng tanong niya sakin to confirm kung totoo ang mga information niya.

Pinandilatan ko siya. Ano ba tong lalaking to? Maraming iniisip. Adik sa mga movies.

"Nathalie, totoo ba? Hindi ko naman naalala na ano....na...." Parang nag-iisip pa siya kung may nangyari talaga samin.

Sumunod naman tong loko na to.

"Ahhhhh!!!!!!!! Magsama kayong dalawa!!!!" na-hihigh blood ako sa mga alien na to. It's early in the morning at sila talaga tumumbad sakin.

Bumangon na ako at pumunta sa banyo. Sinirado ko yon na galit na galit.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon