Happy
---
~Nathalie~"Hmmm..." Ang sarap matulog pa.
Naramdaman ko ang lamig na bumabalot sakin. Lumapit pa ako sa unan ko at niyakap pa ito ng mahigpit.
Napadilat ako bigla nang merong kumilos, ang unan ko ang kumilos. Nanlaki ang mga mata ko nang naalala ko ang nangyari kahapon. Babangon na sana ko pero niyakap niya ako ako.
"J-Julian..." Ginising ko siya. Nabublush na ako dahil ang alam ko ay half naked na siya.
"5 minutes.." Sabi niya at niyakap pa ako nang mahigpit.
Hindi ko na to kaya. Gusto ko nang umalis dito.
Nakita ko ang t-shirt ko sa kabila niya. Aurgh...nakakahiya kapag makikita niya akong walang shirt.
Pilit kong kunin ang shirt ko sa kabila niya. Nakadagan na ako sa kanya. Malapit na, maaabot ko na.
"Nathalie?"
Hindi ako nakakilos nang narinig ko ang boses niya. Patay, gising na siya. ano na ang gagawin ko. Napatingin naman ako sa kanya. Nasa taas na pala ako at dinadaganan ko pa siya.
"Good morning." Ngumiti pa ako sa kanya, an awkward smile.
Namayani ang katahimikan at nakatinginan kaming dalawa.
Agad na bumangon ako at kinuha sa kanya ang kumot.
"Huwag kang titingin." binalaan ko siya, pero huli na. Nakatingin na siya sakin at nakataas pa ang kilay.
"N-Nathalie, I-I'm sorry-..." Napakunot ang noo ko nang nag-sorry siya sakin.
"Baliw, walang nangyari." Sabi ko sa kanya.
"B-Bakit wala ka ng suot?" Tanong niya.
Ako pa ang pinaliwanag niya tungkol dito. Nakakahiya magkwento tungkol kahapon.
"Malapit na lang. Pero nakatulog ka." Sabi ko sa kanya at tinignan ang shirt ko na nasa tabi niya.
"Hala Nathalie, Nag take advantage ka sakin noh?" Nanlaki ang mga mata niya at tinakpan ang bare chest niya ng braso niya.
Binato ko siya ng unan. "G@g0, ako pa ang may sala." sinamaan ko siya ng tingin.
Tumawa siya at hinila ako palapit sa kanya. Nagulat naman ako sa ginawa niya at hindi na nakareak o lumayo sa kanya.
Niyakap niya ako. Nakaupo kami sa kama. Parang namula ako dahil wala siyang suot na damit. Luckily, merong kumot sa gitna namin.
"What the..!!!" Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Kinuha niya ang kumot.
Napatingin naman ako sa kanya. Nakangisi lang siya habang nakatingin rin sakin. Wow ha, gusto niya ang pinanggagawa niya. ako naman ay parang gusto ko nang maglaho dahil ang lapit niya sakin.
"Julian, bitawan mo nga ako-... AH!" Sabi ko habang pilit na inilalayo siya sakin.
Pero ang ginawa niya ay pinahiga ako sa kama at siya na ang nasa taas ko. Nakangiti parin siya sakin. Pulang pula ko na dahil nakakabahan ako at nakakahiya.
Kukunin ko na sana ang shirt ko nang hinawakan niya ang kamay ko.
"Nath..." Hindi ko alam ang maging reaksyon dahil lumalapit na siya sakin.
"Pagpatuloy natin ang nangyari ka gabi? Hindi ko naalala ang lahat kahapon eh." Bulong niya pa sakin.
sinamaan ko siya ng tingin at binatukan.
"Baliw.." Sabi ko at bumangon na.
Kinuha ko ang shirt ko at sinuot na. Inayos ko ang sarili ko at umalis ng kama. Lumingon pa ako kay Julian na nakahiga pa rin.
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...