Fault

4.3K 117 5
                                        

Dahil good mood ako at natatawa ako sa mga comments nyo. Ito na nga ang next UD. heheheehehehehe

Comment and vote

Nathalie's POV:

Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Bakit naging ganito? Ano ba ang ginawa ko para maparusahan ako nang ganito. I wanted to give up.

Napaluhod ako habang nakatitig sa pregnancy kit. Dalawa ang ginamit ko dahil gusto kong mali ang una. Pero bakit? Hindi pa ako ready.

Hindi ko namalayan ay umiiyak na ako habang maghigpit ang hawak sa pregnancy kit.

"Nathalie? Okay ka lang?"

Lumuhod sa harapan ko si Gabrielle na alalang-alala sakin. Hinahaplos niya ang buhok ko.

Napatingin ako sa kanya at bigla siyang niyakap.

Marami akong naiisip. Hindi ko gusto ang nangyayari sakin.

"What is the result, Nath." Hindi ko siya pinansin at umiyak ng umiyak.

Kinuha niya sakin ang pregnancy kit at napatahimik.

.....Positive....

"Nathalie..." Napatingin siya sakin.

"Paano na to, Gab? Ano na ang gagawin ko?"

Naghalo na ang lahat. Natatakot ako kung ano man ang susunod.

I want to give up now. Hindi ko na kaya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

"shhh...Nathalie, tama na. Makakasama yan sa anak mo."

Napaiyak pa ako sa sinabi niya. Dahil sa mga nangyari sakin. Hindi ko alam ang gagawin na. Merong buhay sa loob ko na dapat kong alagaan.

Dapat masaya ako dahil nagbunga ang aming pagmamahalan pero, pagmamahalan ba yun?

"Ano na ang gagawin ko?" Sabi ko sa kanya.

"I'm here, hindi kita iiwan." Niyakap ako ng mahigpit ni Gabrielle.

Ewan ko pero iba ang gusto ko. Iba ang hinahanap kong yakap. Julian.

Gabrielle's POV:

Positive.

Iyon ang nasa isip ko. Magkaka-anak na sila ni Julian.

Nagseselos ako dahil mahal ko pa rin si Nathalie. Dapat ako ang sa lugar ni Julian ngayon. Kung hindi ko lang iniwan si Nathalie nung araw na yun ay ako dapat ang nasa tabi niya. Hindi siya ngayon umiiyak. Masaya kami ngayon.

Inihatid ko na siya sa kwarto niya para makapagpahinga siya. Nasasaktan na siya at marami na ang nangyari sa kanya. Dapat na akong kumilos. I can't stand seeing her like that. She's not Nathalie I used to know. Masayahin at inosenteng babae at ngayon parate na siyang umiiyak.

This is Julian fault.

Sinuntok ko ang pader dahil sa galit. Gusto ko siyang patayin at saktan.

Pero wala naman akong karapatang gawin iyun dahil alam ko mas masasaktan si Nathalie kapag nalaman niya.

Napakunot ang nook o nang merong tumawag sakin. Mas nagalit ako nang nakita ko kung sino ang tumatawag.

"Huwag ka nang tatawag." Sabi ko ang papatayin ko na sana nang nagsalita.

"Bakit? Dahil natatakot kang malaman ni Nathalie na kasabwat ka?"

"Shut up, Ika!" I whisper yell at her.

"Ikaw naman ang umisip kung ano ang dapat nating gawin. Diba sabi mo kunin na natin ang dapat satin. So we're doing it now."

Alam ko na nakangiti siya habang kumakausap sakin.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon