Vote at saka comment rin po kayo. hehehehehe
------------
~Julian~
Nakatitig lang ako kay Nathalie habang nilalagyan niya ng gamot ang mga sugat at pasa ko.
Natakot ako sa mga sinabi niya. Hindi ko makakaya na mabuhay na wala siya. Siya lang ang gusto ko sa buhay, wala na. Hindi ko papayagan na makuha siya ni Nathalie. Akin lang ang asawa ko.
"Aray..." Nagulat ako nang idiniin niya ang cotton na may alcohol sa sugat ko.
"Ay sorry...Masakit ba?" Tanong niya habang hinihipan ang sugat na nasa kamay ko.
Napapangiti ako habang nakatitig sa kanya. Ang cute niya parin kapag seryoso siya.
"Ahem...baka matunaw na yang asawa mo sa katitig mo sa kanya." Umepal pa tong ulol kong kaibigan.
Umuwi na lang kami at hindi na pumasok. Ako lang sana ang aabsent pero dahil matalino ako ay marami akong rason para umabsent rin si Nathalie. Akala ko maso-solo ko na siya, pero nagkamali ako. Sumunod rin ang mga kaibigan namin.
"Manahimik ka..." I mouthed habang pinandilatan si Daniel.
Parang hindi niya ako narinig at patuloy lang sa pagkain ng cookies. Pupunta dito sa bahay dahil natatamad pumasok at ako pa ang ginawa niyang excuse para umabsent. Concern lang daw, eh parang hindi naman. Siya pa tong nagpaluto ng pagkain dahil nagutom DAW sa pag-awat samin. Loko rin to eh.
"Tapos na." Sabi ni Nathalie at ngumiti pa sakin.
"Salamat, wife." Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya. Hindi naman matagal, isang segondo lang. Baka mabugbug pa ako kung tinagal ko pa.
Hindi siya nag-sasalita. Nakatingin lang siya sakin at gulat na gulat sa ginawa ko.
Hindi ko mapigilang tumawa sa mukha niya. Nagbu-blush pa siya at hindi kumikilos.
"Wow, parang wala kami dito ha." Ang loko kung kaibigan ay umepal na naman.
"Gutom na kami." Sabi niya pa na parang bata.
Pinandilatan ko siya pero ngumiti lang siya sakin. Masasapak ko tong ulol na to.
Tumayo na si Nathalie, umiwas siya ng tingin sakin. Naiilang na naman yan sakin. Hindi pa sanay sa mga ginagawa ko. Ako naman ay napangiti habang nakatingin sa kanya. Ang cute niya kapag naiilang siya.
"Magluluto na ako. Jess, tulungan mo ako."
"Sige."
Naiwn kami ni Daniel sa sala nang pumunta silang dalawa sa kusina.
~Nathalie~
WAHHHHH hindi ko na to kaya! Kill me now. Nakikilig ako.
Sino ba ang hindi makikilig kung hinalikan ka ng asawa mo. Pero dahil naiilang ako sa ginawa niya at nakakahiya ay umiwas na naman ako. I'm still not used when he's starting to be sweet to me.
Parang hindi ka pa niya hinalikan
Sinabi ko ba na first kiss ko yun?
Pero maka-react, first kiss te?
Aish, wala kang pake.
Bahala ka. Nagustuhan mo naman
Shut up!
"Hoy Nathalie." Tinapik ako ni Jessica s balikat.
"Ay palaka!" Ano ba Jessica. Papatayin mo ba ako sa gulat."
"OA naman to. Kanina pa ako nagsasalita hindi ka naman pala nakikinig."
"H-Ha?" Ano ba Nathalie? Para kang ewan sa kinikilos mo.
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...
