Thank you sa lahat ng mga readers ko <3
Btw, kung gusto niyo pong mapadedicate, just pm me.
I'll update kapag 3k na ang readers.
Comment and vote. Thank you!
-------------
~Nathalie~"Ma, punta muna ako sa supermarket." Sabi ko kay mama habang sinusuot ang sipatos ko.
"huh? bakit anak?"
"Nakalimutan kong bumili ng stocks ng pagkain kahapon."
Hapon na pagkatapos ng klase namin. Si Julian naman ay nasa school dahil meron pa siyang gagawin. Nauna na lang ako dahil nababagot na ako na maghintay sa kanya.
"Ay palaka!" Nagulat ako nangbinuksan ko ang pinto. Tumambad si Gabrielle na nakangiti sakin.
"Ginulat mo naman ako." Sabi ko at huminga ng malalim. "Ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya.
"Hi, uhm...gusto ko lang makita ka." Ngumiti pa siya sakin.
Patay ako nito kay Julian. Akala niya pinapunta ko si Gabrielle sa bahay namin. Hindi naman alam ni Gabrielle na bahay rin to ni Julian at higit sa lahat hindi niya rin alam na kasal na kami.
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Tanong ko sa kanya.
"Sinundan kita papunta dito." Ngumiti pa siya sakin.
"Nathalie, sino yan?" Lumabas si mama sa kusina.
"Ahh...Si Gabrielle, ma. Schoolmate ko po." Sagot ko.
"Papasukin mo." Sabi ni mama sakin.
Hindi pwede. Baka makita niya ang wedding picture namin ni Julian at worst, makikita niya si Julian. 5:30 na at alam ko na paparating na yun. Bahala na.
"Uhm...P-pasok ka." Sabi ko sa kanya. "Wait lang. Dito ka lang." Agad-agad na pumunta ako sa sala at kinuha ang wedding picture namin ni Julian at tinago sa cabinet.
Binalikan ko siya at ngumiti.
"Tara." Pumunta kami sa sala.
"Dapat tumawag ka sakin kung oumunta ka dito." Sabi ko at pinaupo ko siya.
"Surprise eh." Sabi niya
Napa-alerto ako nang narinig kong bumukas ang pinto. Hala, nandito na nga siya.
"Wait lang." Tumakbo papunta sa pintoan.
"Hijo, nandito ka na pala." Sabi ni mama na nasa kusina.
"Op-..." Sasagut na sana si Julian kay mama nang tinakpan ko ang bibig niya.
"hmm...hkjgkk." Pilit niyang kinukuha ang kamay ko.
"Sshh...wag ka ngang maingay." Sabi ko sa kanya na pabulong. Baka marinig kami ni Gabrielle.
"Nandito si Gabrielle at hindi ka niya dapat makita." Sabi ko sa kanya.
Napatingin naman siya sakin na masama. Kinuha niya ang kamay ko sa bibig niya.
"Ba't siya nandito?" Tanong niya. Galit na siya.
"Uhm...G-Gusto niya makita ako at sinundan niya ako nang umuwi ako kanina." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ka niya dapat makita. Patay tayo kung malalaman niya na nandito ka." Mahinang sabi ko sa kanya.
"Eh ano ba? Sabihin natin sa kanya na kasal na tayo para umiwas na siya sayo." Naiinis na sbi niya sakin. "At pinatuloy mo pa sa bahay namin ang g*go na yan."
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...