One room

8K 199 16
                                        

Eto na po ang hinihintay nyong chapie. Sana magustuhan nyo.

Don't forget to vote and comment

Labyu!
--------------
~Nathalie~

"Oy ano yan?!"

Nang hinubad niya ang jacket niya sa harapan ko. Hindi na ako nakapagsalita ng nilagay niya iyon sa likod ko.

"Paano ka?" -me

Hindi siya sumagot at hinila na naman niya ako.

Para siyang ewan, kanina pa siya eh.

Alam ko naman na galit na siya dahil sa nangyari kanina, pero bakit parang ang sama ng aura niya. Super galit siya.

Nangdilim na ang kapaligiran at yun na lumakas na ang ulan.

Tumatakbo na kami papunta sa train station.

Pero dahil nga parang malas ang araw na to ay pagdating namin sa train station ay close na ito.

Nakaupo lang kami sa waiting area, marami ring mga tao dito.

"Ano na?" -me

"Merong paparateng bagyo at dahil doon cancel ang transportasyon ng train at mga bus. Hindi rin tayo makahanap ng taxi dahil parang wala naman bumabyahe sa ganitong panahon." -Julian

"Ano na ang gagawin natin?" -me

"Magpapalipas muna tayo sa hotel." -Julian

"H-ha? H-hotel?" -Me

Napatingin ako bigla sa kanya ng binanggit niya ang hotel. Magpapalipas kami sa isang hotel.

"Hoy Nathalie, ano yang iniisip mo ha?" -Julian

"A-ano? Wala akong iniisip ha." -me

"Meron eh, Pinagnanasaan mo na nga ako. Pero okay lang, normal na naman yan sa mga mag-asawa." -Julian

Hinampas ko siya sa balikat niya. Namumula na ako. Bakit ba? Kainis!

"hindi kita pinagnanasaan. Yuck!" -Me

Ngayon ko lang na-notice, basa na pala siya.

Ngumiti pa siya at kumindat sakin. Tusukin ko nga yang mga mata niya.

Baka merong bipolar tong unggoy na to. Kanina parang leyon na galit dahil kay Gabrielle at ngayon may gana pa siyang inisin ako.

Tumayo na siya at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Hep! Ito ka na naman, manghihila ka naman." -Me

"Halika na nga, maghahanap tayo ng tutuluyan natin." -Julian

Hindi na ako makapalag dahil hinila niya na naman ako paalis ng train station.

Nang lumabas kami ay malakas ang ulan at kunti lang mga sasakyan sa daan.

Malas, wala ng sasakyan. Wala na kaming choice kundi maghanap ng tutuluyan ngayong gabi.

Hindi na man kami pwede makauwi dahil sa lakas ng ulan at baka magkasakit lang kami.

"Nathalie, punta tayo doon. Merong motel." Tinuro niya ang isang building.

"M-Motel?" Napa-freese ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin ako sa kanya.

"Ano? Yan lang ang malapit dito. Bilis na baka hhindi na tayo makapagcheck in dahil sa mga tao na pumupunta doon." Hinila niya ako papunta doon.

Basang basa na siya. At ako naman ay nakasuot ng jacket niya.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon