Waaahhhhhh....alam ko na magagalit kayo sa update kong ito. Well, galit na ako sa pinagsusulat ko.
Thank you sa lahat na suporta niyo sa story ko. Magtatapos na po ang AHKN.
Comment and vote.
Chp. 71
Nathalie's POV:
"Wife, gumising ka na."
Hindi ko siya pinansin at niyakap pa lalo ang unan ko. Puyat pa rin ako dahil hindi ako makatulog kagabi dahil gusto kong kumain ng ice cream. Thankfully, pinagbigyan ako ni Julian at tumakbo sa malapit na store.
"No, I'm sleepy." Sabi ko sa kanya at lumipat sa kabilang side ng kama. Ang kulit niya.
Biglang napadilat ako nang merong akong naramdaman na mga mumunting halik sa leeg ko at pumunta malapit sa dibdib ko.
"Hoy! Manyak ka!" Sigaw ko sa kanya at tinulak palayo sakin.
"Wife, Ikaw lang ang gusto kong manyakin." Ngumisi pa siya sakin.
Ang galing ha, parang hindi siya tinabla ng mga tingin ko.
"Good morning, wife. Breakfast na tayo." Ngumiti pa siya sakin at hinalikan ako. Ewan ko nga pero gusto kong meron akong morning kiss kapag gumigising ako kapag wala, patay siya sakin. Whole day akong bad mood.
"Ayoko po. Matulog muna ako." Sabi ko sa kanya at humiga na naman.
"Kung hinid ka pa babangon, itutuloy natin ang ginagawa ko kanina."
"Ang manyak mo. Lumabas ka nga!" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Wife, paano ba nabuo yang baby natin? Pinaghirapan din natin yan." Nakangisi pa siya.
"Che! Umalis ka nga sa harapan ko."
Umiinit ang ulo ko. Ang aga pa he. Iniinis niya na ako. Alam ko naman ang ginawa naming noon pero ipag-alala sakin? Mygod! Nahihiya ako.
Bumangon na ako para mag-ayos at saka magluto ng breakfast.
"Wife..." Naramdaman ko ang mga braso niya pumulupot sa bewang ko.
"What?"
"Uh...Are you ready, ngayon ang libing." Sabi ni Julian.
Napatahimik naman ako sa sinabi niya.
Kaya ko bang makita siya? Nasasaktan ako kapag nakikita ko siya at ngayon pa.
"We don't have choice. Kailangan nating pumunta."
....
....
....
Nakatingin lang ako sa bintana. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nakita ko na siya.
Naramdaman ko nang merong humawak ng kamay ko. Napatingin ako kay Julian at saka ang kamay niyang nakahawak na sakin.
"Tell me if you're not okay. We can go home. Tatawagan ko na lang sina Dan na umuwi tayo." Sabi niya sakin. Alam ko na nag-aalala siya sakin.
Ngumiti ako at umiling. "Okay lang ako. Dapat nating makita siya." Sabi ko sa kanya.
Nang dumating na kami sa sementeryo ay nakita ko si Jessica. Kasama niya si Dan.
"Jess..." Tawag ko sa kanya. Inialalayan ako ni Julian papunta sa kanila.
"Nath, You don't have to go here." Sabi ni Jessica at hinawakan ako.
"Jess naman, parang hindi tama na wala kami dito. Nagpapasalamat kami sa kanya sa pagligtas niya samin."
Tumango si Jessica at niyakap ako.
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
ComédieNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...