Looking for her

4.2K 154 11
                                    

Hindi umabot ng 20 votes. Pero okay lang. Marami naman kayong nagbabasa ng story ko.

Sorry kung napahintay ko kayo. Busy ako sa school eh. Maraming ginagawa.

Pero ito na oh. Sana magustuhan nyo.

comment kayo ha. Para masaya.

Goal: 20 votes ulit

Nathalie's POV:

Ilang araw na ako nasa bahay ni Gabrielle. Nahihiya na nga ako na nandito ako.

Pero wala naman akong mapupuntahan kapag umalis ako dito.

Ilang miss calls at texts ang narecieve ko kaila Jessica at Dan. Mas marami ang kay Julian. Hindi ko pa siya kayang makita hanggang ngayon. Nasasaktan parin ako kapag iniisip ko ang nang-yari.

Napatingin ako sa pintuan nang merong kumatok.

"Nathalie?"

Pumasok si Gabrielle habang nakangiti. "Kain na tayo. Nagluto ako ng paborito mo."

Ngumiti ako at tumayo na. "Salamat, Gab."

Pumunta kami sa dining room. Napataas ang kilay ko nang nakita ko ang ulam.

"Paano?" Napatingin ako sa kanya.

Hindi ko naman naalala na sinabi ko sa kanya ang paaborito ko.

"Nathalie, I know na hindi mo na ko naalala at lahat na ginawa natin noon. Ako ang una nakakaalam ng mga paborito mo."

Hindi na ako nagsalita. Hindi ko naman gustong masaktan si Gabrielle sa desisyon ko. Hindi ko maalala ang mga bagay na pinagsamahan namin. Ilang alaala lang ang naalala ko.

"Kumain na tayo." Ngumiti siya at umupo na.

Tumango ako at umupo sa harapan niya.

Napakagat ako sa labi ko nang bigla lang sumakit ang ulo ko at hindi ko gusto ang amoy ng pagkain.

Napatayo ako at tumakbo papunta sa banyo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

Sumuka ako sa banyo. Ang sakit ng ulo ko.

Naramdaman ko na merong humimas ng likod ko. Napalingon ako at nakita ko si Gabrielle na nag-alala sakin.

"Are you okay, Nat?" Tanong niya sakin.

Nagmumug ako at pinunasan ang bibig ko.

"Ang sakit ng ulo ko at hindi ko gusto ang pagkain." Sabi ko at tumayo na.

Napatingin ako kay Gab nang tumahimik siya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sakin.

"Merong na bang nangyari sa inyo ni Julian?" Tanong niya sakin.

Nabigla ako sa tinanong niya sakin. Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya.

"B-bakit mo natanong?" Sabi ko at umiwas ng tingin.

"Nathelie, please just answer me. Don't worry, I won't judge you or anything. Normal naman yan sa mga mag-asawa."

Napabuntong hininga lamang ako. Alam ko naman na hindi niya sasabihin ito sa iba. I trust him.

"Y-yes..." tumango ako.

Tumahimik siya ng ilang Segundo. "....Stay here."

Yun lang ang sinabi niya at umalis na. Naguguluhan ako sa pinangsasabi niya. He's weird. I just puke and I didn't like the smell of the food. What is wrong to me? This is sudden.

Lumabas na ako sa banyo.

Saan ba pumunta si Gab? Nawala lang siya bigla.

I'm not feeling well, pumunta na lang ako sa kwarto at nagpahinga. Hanggang ngayon ang sakin pa rin ng ulo ko. Pero nagugutom din ako.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon