Maraming Thank you sa lahat sa inyo. Nagtatapos na ang istorya ni Nathalie at Julian, pero ang pagmamahalan nila ay hindi matatapos. Merong Forever. hehehehe chos!
Vote and Comment
Good bye~
------------------------------
Nathalie's POV:
"Julian! Saan ka ba?" Sigaw ko. Nakahiga ako habang kumakain ng ice cream.
Tumakbo siya sakin habang nakasuot ng headband. Eh hindi siya gustong magpagupit ng buhok niya, yan ang napapala niya.
"Ano yun, wife?" Tanong niya sakin.
Tumingin ako sa kanya habang naka-pout.
"Payakap." Sabi ko habang nakalahap ang mga braso ko sa kanya.
Tumayo siya at umiling-iling.
Napasimangot ako sa sinabi niya. Kainis naman ito. Gusto ko lang naman ng yakap.
Ewan ko nga pero bigla na lang tatawagin ko siya at sasabihin na yayakapin niya ako o kaya hahalikan niya ako.
"Wife, tignan mo nga ang ayos ko. Baka mabasa ka pa. Naglalaba ako eh." Sabi niya sakin habang nakangiti.
Uminit ang ulo ko sa sinabi niya.
"Ewan ko sayo! Magsama kayo ng nilalabhan mo! Mas mahal mo iyon kaysa sakin!" Sabi ko at tumayo na at meron pa kong nalalaman na mag-walk out.
Hindi niya na ako mahal dahil hindi na ako sexy. Ang laki ko na eh.
Nagulat ako nang naramdaman ko ang mga braso niya.
"Aw, ang cute naman ng asawa ko." Sabi niya at hinalikan ang balikat ko.
Naramdaman ko ang mainit niyang katawan.
"Hoy, Julian Alcantara wala ka bang damit?" Sabi ko at tinulak siya palayo sakin.
At yun nga! Tama nga ako. Wala siyang damit.
"Hoy Julian! Uso ang damit ngayon noh."
Naiilang ako. Sino ba ang hindi maiilang eh, walang damit ang hot mong asawa at saka nakaboxers lang.
Tumawa naman siya at hinalikan ako. "Sabi mo yakapin kita. So I hugged you."
"Yeah right, pero walang saplot!" Sigaw ko sa kanya.
"Sabi ko nga sayo, baka mabasa ka pero gusto mo pa rin ng yakap ko. Para hindi ka mabasa ay hinubad ko ang damit ko. Ang talino ko, noh?"
Ang talino niya nga pero paminsan-minsan ay ang tanga niya rin.
"Ewan ko sayo, Nerd!"
Tumawa siya at hinalikan pa ako.
"I'm your nerd, wife. Ang husband mong Nerd." He chuckled at niyakap pa ako ng mahigpit.
Pero kumawala naman siya bigla at ngumiti sakin.
"Ai, si baby baka mapisa." Sabi niya. Ang inosente niya rin.
"Ewan ko sayo."
"I love you, Mrs. Alcantara."
Yun na eh, marami namang langgam ito.
"I love you too, Mr. Alcantara."
Lumapit siya sakin. Pinikit ko naman ang mga mata ko at inihintay siyang halikan ako. Pero...
"HELLO! WORLD!" Nagulat kaming dalawa at napa-atras pa kami.
"What the F*ck, man?!" Sigaw ni Julian kay Dan.
Napatawa naman ako nang sumigaw siya. Nabitin ang unggoy.
"Wow, calm down, bro." Tinaas ni Dan ang dalawang kamay niya.
"Ano ba kailangan mo?!" Sigaw niya.
High-blood naman tong asawa ko.
"Parang ikaw pa ang buntis. High blood mo."
"Tumahimik ka nga, Dan. Kung wala ka namang kailangan. Umalis ka na nga."
"Wow ha! I'm hurt, bro. Sinasaktan mo lang ako."
"Gabrielle! Don't run!"
Napatingin naman ako sa likod ni Dan nang nakita si Jessica na tumatakbo at hinahabol si Gabrielle.
"Mommy!" Sigaw niya at tumakbo papunta sakin at niyakap ako.
"How are you, baby?" Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya.
"Aish...Ang kulit ng anak mo Nath. Nagmana nga sayo at sa ama niya." Humihingal na sabi ni Jessica sakin.
"Wife, I'll carry Gab." Lumapit si Julian sakin at binuhat si Gabrielle.
Meet our baby, Gabrielle Skylar Alcantara. 3 years old na siya. Pero makapagsalita na siya ng maayos. Para siyang ama niya, matalino siya. Sinunod namin ang pangalan ni Gabrielle sa anak naming dahil niligtas niya kami at si Gabby rin.
"Daddy! Marami kaming pinuntahan nina Tito Dan at Tita Jessica."
"Really baby. Nagpasalamat ka ba sa kanila?"
"Oo naman, momy. Binilhan din nila ako ng mga toys dahil nakita ko silang nag-kiss-....hmmmmp." Nagulat ako nang tinakpan ni Dan ang bibig ng anak ko at binuhat siya.
Napataas naman ang kilay namin ni Julian at napatingin sa isa't isa.
"Sport, diba sabi ko sayo bibilhan kita ng maraming toys?" Sabi ni Dan sa kanya.
"Ai Oo nga tito. Sige." Tumawa pa si Gab.
"Blackmail yan, Dan." Sabi ni Julian at binuhat na si Gab.
"Anong blackmail? Ang tawag yun ay pagmamahal. Binibigyan ko ng ano mang gusto ni Gab."
"Ikaw yan nagsabi, Panagutan mo yan." Sabi ni Jessica at umalis na.
Napatingin naman ako kay Jessica na nag-walk out. Ai ano yun?
Napatahimik kaming lahat at sinunod ng tingin si Jessica na bumalik sa sasakyan.
"Hoy! Inano mo naman si Jessica? Bahala ka kung nilibing ka na nun dahil hindi ako tutulong sayo na hukayin ka. Sayang ang effort ko." Sabi ni Julian.
"Mommy, nag-aaway ba sila ni Tita Jessica?" Tanong ni Gab sakin.
"Hindi, baby. Naglalaro lang sila ng habulan." Ngumiti ako kay Gabby.
"Hoy! Kausapin mo!" Sabi ko sa kanya.
"Ai ewan sa inyong dalawa. Huwag niyo nga akong ma hoy-hoy! May pangalan ako." At umalis na.
Hmmm...ang weird nila.
"Wife." Ngumiti si Julian. Alam ko yang ngiti na yan.
"Gabby, you want to sleep with us tonight?" Tanong ko kay Gabby.
Ngumiti naman siya at tumango. "Of course, mom!"
Naka-nganga si Julian at hindi na gumalaw. Nagulat siya sa sinabi ko.
"Okay!"
Tinignan ko si Julian at kumindat pa.
Ang laki ko na nga at 1 month na lang ay due date ko pero pinagnanasaan pa ko ng asawa ko. Ewan ko sa kanya.
Pero ang saya ko dahil mahal na mahal niya ako at mahal ko rin siya. Kompleto na kami. Si Gabrielle at after 1 month nandito na sina Sienna at si Sander.
"Humanda ka, Wife." Napatingin naman ako kay Julian ng hinalikan niya ako sa pisngi.
Napatawa na lang ako. Alam ko na nabitin siya. Ang cute niya.
"Love you, Mr. Alcantara."
-------------------
Thanks you again sa pagsupport ng AHKN.
Meron akong storya nina Jessica at Daniel. The ever supportive bestfriend ng mag-asawa. Please support them too.
BINABASA MO ANG
Ang Husband Kong Nerd
HumorNathalie Domingues-Alcantara. I'm married, but I was forced to get married. I always dreamed to have a prince charming, ang mayaman, matalino, gentleman, at gwapo. It's like a perfect guy. Sino ba naman makakahanap ng perfect guy? Ako nga nakahanap...
